Chapter 11

1.6K 50 20
                                    

Stalked



It's been 3 days since we last saw each other. Nababagot nanaman ako rito sa bahay dahil hindi ko nakikita ang crush ko.



Noong huling punta niya rito ay nasabi niya sa akin na mawawala siya rito ng ilang araw at doon muna siya sa apartment niya sa city. Meron daw silang Summer Seminar at Tactical Activity para sa lahat ng mga Graduating Criminology student. Bigla na rin tuloy akong naexcite maging college.


Kinuha ko nalang ang cellphone at nag open ng facebook. It's been 1 month when I last updated a status.. noong buma-byahe pa kami papunta rito.


Wait....


May facebook kaya si Tonyo?


I searched his name on the search bar.


Ashton Yohenzous


Iyon ang unang lumabas. I grinned. Mabilis kong pinindot iyon at in-add friend siya.


Tiningnan ko ang current profile picture niya. He's wearing the corporate uniform of their school. I zoomed in the picture. Napangiti ako. He looks so cool and handsome. Maliban doon ay wala na siyang ibang picture. Siguro naka-private at hindi ko pa pwedeng makita dahil hindi pa kami friend.


Sumunod kong in-open ang Instagram at hinanap din siya roon.

AshtonYohenzous

Napatili ako. May IG account pala ang lalaking 'yon? Mabilis kong pinindot ang follow button.


May isang picture na naka upload sa kanyang account. It was posted 1 month ago.


My eyes widened while staring at his photo. He was wearing a ripped jeans, black shirt and silver necklace. His adams apple revealed on the photo. Clean cut pa rito ang hairstyle niya dahil gano'n talaga siguro dahil sa kurso niya.


One more year to go.

Iyon ang caption sa post niya. He was checked in the Smallville Complex. Na-capture pa ang isang bote ng black label sa table na nasa harap niya. I can't believe this. Ang angas ng probinsyanong 'to! Daig pa niya ang mga kakilala kong lalaki sa Maynila.


Sumunod kong binuksan ang twitter account ko at hinanap siya roon pero hindi ko na siya nakita. I tried to search him in youtube at baka meron siyang youtube channel at malay ko ba at baka vlogger siya pero nabigo ako nang wala akong nakita. I also opened my tiktok, snapchat and viber account pero wala na rin siya roon. Hays!


Bumalik ako sa IG niya upang muling tingnan ang picture niya. Halos mapatalon ako nang may nag-pop up na notification galing sa kanya. He's online? Damn!

AsthonYohenzous started following you.


Napatili ako nang makita ko iyon.


"Damnit!" Sigaw ko sa labis na kilig.


Tiningnan ko ang mga picture na naka-upload sa account ko. It was all aesthetic and instagramable. Wala akong dapat na ikabahala dahil maganda ako sa mga pictures ko.


Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon