Chapter 22

1.6K 48 19
                                    

Gone



"Dalawa po kami manong, hanggang tinda lang bababa."

Hindi na ako nag abalang tumingin pa kay Dayday at nanatiling nakatitig sa labas ng bintana habang tumatakbo ang bus na sinasakyan namin. Wala naman akong magawa sa bahay kaya naisipan ko na sumama sa kanya sa palengke. It's been almost a week when I came back.. Dalawang buwan. Dalawang buwan lang akong nawala at sumama kina Mommy at Daddy pero nang bumalik ako ay parang limang taon na ang nakalipas.

Napangiti ako nang madaanan namin ang bahay nila Tonyo--- ng lalaking 'yon. Two fucking months. It's been just months when I left this place but why does it felt like I was missed almost 10 years? When I came back... wala ng halos naiwan. Kahit bakas niya ay wala man lang naiwan maliban sa mga alaalang hindi na siguro mawala sa puso't isip ko habang buhay.

Walang katao-tao ang bahay. Nakasarado ang lahat ng pinto pati na ang gate ay naka-kandado.

Last term na pala iyon ng papa niya sa pagiging baranggay captain nang umalis ako at ayon kay Dayday ay lumipat na sila ng bahay sa City. May iniwan nalang na tauhan si Tito na namamahala sa Rancho at Taniman nila. At si Tonyo... Ilang buwan lang akong nawala pero tuluyan niya na nga akong iniwan.

"Naku manang ha, bakit biglang tumaas ang presyo? Noong isang araw mura pa 'to ah," Tahimik lang ako sa gilid ni Dayday habang nakikinig sa mga gimik niya habang namimili.

"Lahat ng bagay nagmamahal, Nene." Masungit na sabi ng tindera.

"It's Dayday, not nene. Ay, wow? Sana all, nagmamahal," Pagtatama niya.

"Edi, Dayday. Basta, ganito na ang presyo ng paninda ko. Hindi na iyon magbabago." May Finality sa boses ng tindera. Napa-roll eyes ako at tumalikod sa kanila. May sapat naman na budget na pinadala si Lola sa amin bakit nakikipagtalo pa ang inggratang 'to sa presyo? Bakit hindi nalang kasi bilhin nang matapos na. I sighed out of frustration.

"Sige, manang. Sandalee lang, tatawag lang ako sa pamunuan ng DTI at itatanong ko lang kung tumaas nga ba talaga ang mga presyo nito." Utas ni Dayday. Napansin ko naman ang pagkataranta ng tindera.

Seriously? You know what.. I don't really know what to say.. Next time, hindi na talaga ako sasama kay Dayday sa palengke. Nakakahiya, My gosh. She's stressing me out.

Halos isang oras ang itinagal namin sa loob ng palengke dahil lahat ng pinupuntahan namin ay nakikipag-debate pa si Dayday. Laglag na ang balikat ko sa kakasunod sa kanya.

Bigla akong nagkaroon ng pag-asa sa buhay nang sabihin nitong tapos na kami sa pamimili. Finally, I can go home.

Nasa labas na kami ng palengke nang tumigil ito at napatutop sa bibig niya.

"Nakalimutan ko pala ang isang tray ng itlog, Nica. Kaya pala ang daming sobra sa pera dahil hindi ko pa iyon nabibili." Aniya.

I sighed at napa-face palm. Hindi na ako nagsalita at binigyan nalang siya ng hand gesture na 'Go'. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad patungo sa abangan ng tricycle para roon hintayin si Dayday.

Natigil ako sa paglalakad nang mamukhaan ko ang taong makakasalubong ko sa Hallway. Her brows furrowed when our eyes met. Biglang bumalik ang lahat ng galit at puot sa puso ko. Bigla itong nabuhay, naikuyom ko ang kamao para pigilan ang sarili.

"Bumalik ka na pala? Kamusta ka na?" She smiled, obviously mocking me.

I forced my self to smile. I want to show her that I'm not a losser. Even I was hurt. Even I was betrayed. I want to show them that I was okay, na hindi naman ako nasaktan.

Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now