Chapter 25

1.9K 53 23
                                    

Babe



"Seatbelt girls." Jester reminded before starting his car's engine.

Nasa loob kami ng sasakyan niya kasama si Margaux at Krizza at napag-kasunduan namin na sa bahay pumunta upang doon gawin ang mga lesson plan namin para bukas.

I treated Jester as one of my friends. Kahit nararamdaman ko na mas higit sana sa pagiging magkaibigan ang hangad niya sa akin, hindi ko siya nilayuan. He's been good to me, pero hindi iyon sapat na dahilan para pagbigyan ko siya sa hinihingi niya.

I want to be honest with myself. Not because he's been good to me, ay pagbibigyan ko na siya. Sinabi ko noon sa sarili ko na kung magmamahal man ulit ako ay dapat mararamdaman ko ulit sa kanya ang nararamdaman ko kay Tonyo. Kung hindi man ako makakatagpo at makakaramdam no'n muli, edi wala. Awit ang lovelife ko habang buhay. I don't care though.. I'm too young to think about it.

Kaya siguro ako nasaktan sa una kong subok, 'yon ay dahil bata pa ako. I have dreams to pursue, I have responsibility to carry in the future and I am the only heiress of my parent's business..

"Sarap ng hangin doon sa inyo Nica, nakakarelax ang tumambay doon sa ilalim ng mangga." Ani Krizza sa backseat. Nasa shotgun seat naman ako katabi si Jester na tahimik lang na nagmamaneho ng sasakyan. He's staring on his GPS so I turned back to Krizza and Margaux.

"Medyo sira na 'yon e. Apat na taon na 'yon, pero pwede pa naman magamit ang mesa.. maglalabas nalang tayo ng upuan." Ani ko.

"Kayo lang ba ni lola ang nakatira sa bahay niyo? Kasi tuwing pumupunta kami roon siya lang palagi ang nandoon." Tanong naman ni Margaux.

"Yeah! My parents are outside of the country.. you know, busy for business." Sagot ko.

Pagkarating namin sa Pavia ay dumaan muna kami sa Drive Thru upang bumili ng pagkain..

"'Wag na kayong bumili ng drinks, magjujuice nalang tayo sa bahay." Ani ko.

"My treat." Ani Jester kaya tuwang-tuwa sina Margaux at Krizza dahil nakalibre nanaman sila.

"Hati tayo," I insisted.

"My treat nga 'di ba?" Tumaas ang kilay niya.

"No, it's okay. Gusto ko hati tayo," pagpupumilit ko kaya wala siyang nagawa kundi tanggapin ang pera ko.

"Bait mo talaga, kaya gusto kita e." Napangiti ito at muling pinaandar ang sasakyan nang makuha ang order namin.

"Yieeee..." Nagtilian naman ang dalawang bruha sa likod.

"Lol!" Komento ko at tumahimik.

Sabay kaming bumaba ng sasakyan nang makarating kami sa tapat ng bahay.

"Lola, I'm here. Kasama ko po mga kaibigan ko, may gagawin lang kami." Ani ko nang makatapat ako sa pintuan.

Napaatras ako nang mapansing may ibang tao na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV. Nandito nanaman ulit siya?

Pagkatapos naming mag-away kahapon ay bumalik kami sa bahay na parang walang nangyari. Tahimik na siya at hindi na ngumingiti at pormal na ang pakikipag-usap kay lola. Pagkatapos niyang kumain ay nagpaalam na siyang uuwi kaya akala ko ay hindi ko na ulit siya makikita.

Kinalabit ako ng dalawa kong kaibigan na nakatitig lang din kay Tonyo.

"Who's that? Ang pogi naman.." kinikilig na utas ni Margaux.

"Yeah. He's hot. Pinsan mo? Pakilala mo naman kami, Nica." Dagdag pa ni Krizza.

"Ssseesshhh!" I gave them a hand gesture to keep quiet. "'Wag kayong malandi, sundalo 'yan. Baka barilin kayo." Ani ko.

Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon