Chapter 23

1.7K 52 21
                                    

Guest




"Grabe, bakit parang hindi pabor ang araw sa akin ngayon? Sarap mag-mura, Putcha! Kung hindi lang ako Future teacher..." Utas ng kaklase kong si Margaux.

"Ayan, nag-mura ka na nga! Para kang sira. Bumawi ka nalang sa Monday. Kasalanan mo naman kung bakit kasi hindi mo ginawa ng maayos ang Lesson plan mo... Para ka tuloy na hot seat kanina. Hahahaha." Sagot naman ni krizza.


Tumatawa lang ako sa takbo ng usapan nila habang inaayos ang mga gamit namin. We are currently completing our internship as a student teacher. Kaming tatlo mula sa Phinma-UI ang magkasama na pinadala rito sa bayan ng Dumanggas, kaya kami lang din palagi ang magkasama hanggang sa pag-uwi.


Hindi ko lubos maisip na ilang buwan nalang ang natitira ay magtatapos na ako sa College. I don't even know why I ended up taking this kind of bachelor's degree gayong ako ang inaasahan na magmamana ng kompanya ng mga magulang ko.


Hindi ko naman talaga ginustong kumuha ng Education, noong nag-enroll ako sa college halos apat na taon na ang nakalipas. Buong buo sa isip ko noon na Business Ad or College of Management and Accountancy ang kukunin ko pero saka ko lamang nakita na sa College of Education ako nakapag-enroll nang ibinigay na sa akin ang RF ko.


Siguro nga nagkamali ako ng napindot sa computer habang nag-eenroll, at dahil hindi ko naman talaga alam kung anong gusto ko sa buhay ay hinayaan ko nalang. Inisip ko nalang na pareho lang naman iyon na mag-aaral ako. Wala pa rin akong gana sa lahat ng bagay noon. Nawala ang lahat ng pangarap ko na binuo ko sa isip. Hindi ko alam kung anong dapat gawin kaya.. This what happened to me now. Minsan natatawa nalang ako sa sarili ko.


"Guys, mauuna na ako hah. May Event pa akong kailangan puntahan." Paalam ko sa dalawa kong kaibigan pagkatapos naming maipasa sa College of Education ang Weekly Accomplishment Report namin. Tuwing Biyernes ng hapon ay bumabalik kami ng UI para ipasa iyon sa Depertment namin.


"Nagmamadali? Milk tea muna tayo sist." Yaya ni Krizza.


"Next time nalang ako. I'm in hurry. Promise, I'll make it up to you next time." Ani ko at Kumaway sa kanila nang makapara ako ng taxi.


"Madaya!" Sigaw pa ni Margaux kaya inirapan ko nalang.



Tiningnan ko ang wrist watch at isang oras nalang ang natitira. The Organizer of Sta. Barbara National Highschool invited me to be one of the host on the Celebration of their Foundation Day. Doon naman ako nagtapos kaya tinanggap ko iyon. It was a previllege for me to be part of the said celebration.


Mabilis akong nag-abot ng bayad sa driver at bumaba. Kung mas mahaba pa sana ang oras ko ay hindi ko kailangang magbayad ng malaki sa taxi dahil marami namang jeep, iyon nga lang at paniguradong hindi ako makakarating sa saktong oras.


"Salamat at nandito ka na. Heto 'yong script mo. Ako si Speaker A at ikaw si Speaker B." Salubong sa akin ng magiging partner ko si Mark.



"Thank you, mag-bibihis lang ako." Ngumiti ako at nagpaalam na upang magbihis. I was wearing a light pink dress that perfectly fits in my body. Above the knee ang haba nito. I want to look presentable in the eyes of the audience.



Naupo ako saglit sa couch at binasa ang script. Pamilyar na sa akin ang trabahong ganito. I'm used to speak in front of other people kaya alam kong hindi na ako mahihirapan pa. I can host the whole event without this lame srcipt, duh! pero dapat may listahan pa rin ako ng pangalan ng mga guests.


Hindi na ako nag-abala pang basahin ang ibang nakasulat sa script, maging ang mga pangalan ng Guests dahil magsisimula na ang Litmus Night.
Pageant, Singing and Dance Competition ang ilan sa mga pinaka-inaabangan ng mga manonood.


Soldier's Uncontrollable Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now