FEEL ME 9: CALLING CARD

1.3K 53 5
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

Ilang minuto na ang nakalilipas at tinutungga na ni Raymond yung alak habang si kuya naman ay busy sa pagtitipa sa kanyang telepono. Huminto na si kuya kakainom dahil magdadrive pa siya pauwi.

"Mal...hik. Alam bo ma?...hik ang shipag mo pala she trubaho...hik, napapahanga mo ako...hik ng sobra alam bo ma yun? Ha? Kaya huwag kang umalish kashi ikaw lang ang empleyado kong mashipag at matatag ang loob." Pipikit pikit na ang mga mata nito habang sinasabi niya iyon at nabubulol na wika niya sabay pikit ng mata at naghihihilik na ito hudyat na nakatulog ang deputa.

Pinabuhat ko siya sa mga gwardiya upang siya ay makapagpahinga at maihatid sa silid nito. Agad ko namang niyaya si kuya na umuwi na sa kadahilanang matinding pagkahilo na aking nararamdaman. Nagpaalam naman kami sa mga taong nariritong nakilala ko kanina na labis nilang sinang-ayunan at binaunan pa ako nito ng papuri at paalala na lubos kong tinanggap ng walang pasubali.

Agad naman kaming umalis ni kuya dahil sa palalim na ang gabi. At habang nasa biyahe kami ay diko namalayang nakatulog na pala ako. Wala na akong naalala pa.

"CALLING CARD"

Quicke_Ow

Part 9

Sunday, 8:00 am

Andito ako ngayon sa bahay dahil sunday ngayon at walang office hour. Kasalukuyan akong nanonood ng palabas na Lucy ang pamagat at ang ganda niya kasi sci fi yung genre e.

(A/N: Literal na gusto ko ang mga sci fi movies genre type ng movies even sa mga stories dahil sa mga visions ng movie sa future. SKL)

Di ako masyado makapagfocus dahil sa mabigat ang pakiramdam ko dala siguro sa epekto ng alak na ininom namin kagabi at parang may hang over pa ako ngayon.

Habang nanonood ako ay biglang may tumawag sa phone ko at si mama ang tumatawag dito. Agad ko itong kinuha at sinagot baka kasi importante ito at mapagalitan pa ako ni mama pag di ko sinagot ito.

"Hello mama, bakit po?" Ang bungad na tanong ko agad kay mama.

"Hello bunso good morning! pwede ka bang pumunta dito sa hardware at bantayan mo muna ang store? Wala kasi yung nagbabantay dito e umuwi daw ng probinsya dahil sa may sakit ang ina nito." Litanya ni mama aniya'y batang naagawan ng kendi.

"Sge po mama, wait lang bihis lang ako." Saad ko pa dito at kahit diko nakikita si mama ay alam kong nakangiti siya ngayon.

"Oh sige nak, ipapasundo nalang kita kay Mang Ben." Tugon ni mama at agad kong pinatay yung tawag.

Dagli akong nagtungo sa aking kwarto upang makapag bihis na ako nang madaanan ko ang kwarto nila mama na bahagyang nakaawang ang pinto nito. Baka nakalimutan nila mama na isara ito kaya nakaawang ang pinto. Akmang isasarado ko na ang pintuan ng kanilang kwarto ng may napansin akong bagay sa ibaba ng kama nila mama.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon