FEEL ME 63: WE'RE IN TROUBLE

320 21 3
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

Be open-minded.

______________________

Previous Chapter:

"May kaugnayan ba ang transaction slip na aking nakita sa opisina mo sa mga pangyayaring ito?" Takang tanong ko rito dahilan upang mangunot ang noo nito.

"Transaction slip?" Takang tanong nito.

"Oo yung transaction slip na nagsasabing naiimport na raw ang unang set ng tatlong kahon." Pagbibigay linaw ko kay Raymond.

"Ah, oo. Ang transaction slip na iyon ay patunay na kasulatan na naimport na ang mga bagay na nais naming ipahatid sa mga kliyente." Ani nito dahilan upang mapatango na lamang ako sa mga tinuran nito.

Ngayon ay unti unti na akong nalilinawan sa mga bagay bagay na bumabagabag sa aking isipan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking natuklasan ngayon tila nahihirapan ang aking utak intindihin ang ganitong klaseng pangyayari. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito. Binabalanse pa ng aking isipan ang mga impormasyon aking nalaman.

Hindi ko ipinahalata kay Raymond na ako ay naguguluhan sa aking natuklasan sa mga sandaling ito. Dito ay parang namamawis ang aking balat dahilan upang mapako ako sa aking kinaroroonan.

Sa kabilang banda naman ay labis na pagaalala at takot naman ang aking nadarama para sa kaligtasan ng aking pinakamamahal na si Raymond. Ayon sa kanyang mga tinuran ay nararamdaman niya na may hakbang na ginagawa ang organisasyon laban sa kanya dahilan upang manghina ang aking mga tuhod. Ngayon ay naiintindihan ko na ang lahat nawa ay maging maayos na ang lahat sa amin at hayaan kaming mamuhay ng maligaya't mapayapa.

"WE'RE IN TROUBLE"

Quicke_Ow

Part 63

11:00 am.

Kasalukuyan kaming naririto sa kusina nila Raymond upang ikalma ang aming mga sarili sa pamamagitan ng paginom ng tubig. Nanginginig pa rin ang aking mga tuhod sa aking mga natuklasan ni hindi ko magawang lumunok ng laway dahil sa okupado ang aking isipan bagama't unti unti ko nang naiintindihan ang mga pangyayari.

Walang angkop na salita ang aking nais iparating kay Raymond wari napipi ako sa mga kaganapang ito.

Tahimik...

Walang may nais na magsalita sa pagitan namin ni Raymond wari tinitimbang pa namin ang bawat detalye ng pangyayari bagama't napapansin ko itong hindi mapakali sa kanyang kinaroroonan dahilan upang ako ay magalala dito ng husto.

Nang matapos akong uminom ay agad na akong nagtungo sa lababo upang doon ilagay ang basong aking ginamit. Napayuko na lamang ako sa lababo at dito ako ay nakipagtitigan. Nasa ganoong pakikipagtitigan ako sa lababo nang maramdaman ko na lamang ang pagyakap sa aking likuran ni Raymond.

Sa paglapat ng kanyang katawan sa aking katawan ay bigla na lamang may umusbong na pag asa at pagmamahal na lumukob sa aking pagkatao dahilan upang ako ay mapapikit at damhin ang mga yakap nito. Ang mga yakap na ito ay para bang pinapawi nito ang pagkalito, pangamba, at takot sa aking sarili.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon