FEEL ME 11: FAMILY DINNER

1.1K 51 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

Habang nasa ganoong pagmamasid ako ay di sinasadya matabig ko ang lalagyan ng mga lapis at ballpen na siyang dahilan upang maglaglagan ang mga laman nito. May narinig akong kalansing ng isang bagay ngunit hindi ko mawari kung ano ito.

Isa isa ko itong pinulot at napadako ang aking tingin sa may silong nito dahil sa may uri ng bagay dito ang nakapukaw ng aking atensyon at di inaasahan ang aking nakita.

Bakit mayroon siyang ganito? At ano ang gagawin niya sa mga ito? Ang labis labis na pagtataka ang lumokob sa aking pagkatao.

Ang daming mga katanungan ang nabubuo sa aking malikot na pagiisip.

Sa silong ng kanyang mesa ay may dalawang bala ng baril na labis kong ipinagtaka. At dito nagtaasan ang balahibo ko ngunit iwinaksi ko na lamang ito sa kadahilanang baka napadpad lamang ang mga ito dito.

Agad ko itong inilagay sa lagayan ng lapis at ballpen kung saan ito nakalagay kanina at isinawalang bahala ko na lamang ang mga ito.

"FAMILY DINNER"

Quicke_Ow

Part 11

Sunday, 8:15 am

Lumipas pa ang ilang mga araw at linggo na ngayon, mabilis ang paglipas ng mga araw na walang kakaibang nagaganap sa akin at tanging ang pagpasok ko lamang sa trabaho, uuwi, at matutulog ilan lamang iyan sa araw araw kong ginagawa sa nagdaang mga araw.

At doon naman sa unknown caller at yung lalaking nakaitim ay tila nagsawa na ata kakasunod sa akin dahil sa ilang araw ko nang hindi ito nahahagilap.

Sunday ngayon at family dinner namin mamayang gabi at nakapagpaalam na kami kina mama na sinang-ayunan naman nila. Gaya ng napagusapan kaming tatlo nina Andrew at Ethan ang mamimili ng mga sangkap na gagamitin para daw makapagbonding din kami kahit papaano.

Kasalukuyan akong nasa sala ngayon habang nanonood ng pelikula at inaantay ang kanilang pagdating. Nakabihis na ako ngayon at hinihintay ko na lamang sila.

Tanging black jumpersuit na may oversized shirt sa loob then isang pares ng fila na disruptor lamang ang aking suot ngayon with white cup. Pusturang pustura ako ngayon diba. Nasa ganoong pagaantay ako nang biglang may narinig akong sasakyang huminto sa tapat ng gate namin at maya maya'y bumusina ito.

"Mama aalis na kami ah." Pagpapaalam ko kay mama sabay halik sa kanyang pisngi.

Agad akong lumabas at nagtungo ng gate na agad ko namang binuksan. Lumabas ako ng gate at nagtungo sa sasakyan ni Ethan na nakaparada sa gilid. Agad akong sumakay ng nakangiti at nang ako ay makapasok sa loob ng sasakyan ay nadatnan kong titig na titig sa akin ang dalawang hunghang na para bang may dumi ako sa aking mukha.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon