FEEL ME 43: SAME OLD FEELIMG

463 28 8
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

Sa nakalipas na mga taon ay nakapagpundar na kami ni kuya ng sarili naming bahay at sasakyan na dalawa. Malaki ito at maluwag ang bakuran na may iba't ibang halaman. Napapalibutan ang bahay ng mga bodyguards na kinuha ni kuya upang magtrabaho sa amin. Nasa mahigit limampo ang tauhang gwardya namin dito sa bahay sa kagustuhan na rin ng aking ama na kami ay panatilihing ligtas.

Agad na akong pumasok sa loob ng bahay kasabay nito ang pagbati ng mga katulong dito sa akin na tinugon ko naman. Sabay na akong pumanhik sa aking silid nang ako ay makapagpahinga na. Ilang sandali pa ay narating ko na rin ang aking silid at agad na nagtungo dito sabay at ibinagsak ko ang aking katawan. In'untied ko ang aking suot na coat at niluwagan ang aking necktie kasabay nito ay ang pag gaan ng aking pakiramdam.

Ngayon ay masasabi kong perpekto na ang lahat ngunit para bang may kulang sa akin na hindi ko mawari kung ano ito basta ang alam ko lang ay para bang may nawawala sa akin.

Dahil sa labis na pagiisip at pagod na aking nararamdaman ay bigla na lang akong dinapuan ng matinding antok at wala namang pagtutol ang aking mga mata at dito ay agad akong nakatulog. Wala na akong maalala pa.

"SAME OLD FEELING"

Quicke_Ow

Part 43

5:40 pm.

From Blaike:

-I will pick you up there at your house this seven. See you later! I love you!

Ito ang mensaheng bumungad sa akin pagkagising ko dahilan upang ako ay mapangiti. Hindi ko na pinansin pa ang mensahe nito kasabay na ipinatong ko ang aking telepono sa aking dibdib at nagsimula akong nakipagtitigan sa kisame.

Ganap na alas sais ng gabi noong mapagpasyahan kong magtungo sa banyo upang maligo at makapag ayos ng aking sarili. Mabilis lamang ang aking paliligo at agad na lumabas, inayos ko na ang aking sarili at sinuot ko ang aking tuxedo na pinadeliver ko kanina galing sa isang sikat na pagawaan ng suit dito sa espanya.

Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang aking sarili sa harapan ng salamin at dito ay tumambad ang aking sarili. Kapansin pansin sa aking tindig na ako ay isang propesyunal dahil sa aking kasuotan at itsura.

Malaki na ang aking ipinagbago sa nakalipas na mga taon. Ngayon ay natuto na akong panghawakan ang aking sariling mga desisyon at iba't ibang sitwasyon na may kaugnayan sa propesyunalismong aspeto sa aking buhay. Mas naging bihasa pa akong makipagtalastasan sa iba't ibang uri ng tao at lahi sa buong mundo sa pamamagitan ng wikang ingles bilang 'international language' na tinatangkilik ng karamihan.

Makalipas pa ang ilang sandali ay agad na akong bumaba at dito ay nadatnan ko si kuya na nakaupo at nanonood sa sala. Agad naman akong nagtungo sa kinaroroonan nito upang ako ay makapagpaalam ng maayos. Tumabi ako ng upo at agad ko itong niyakap ng mahigpit na kanya namang ikinagulat.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon