FEEL ME 44: I'M HOME

437 26 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

Abala ako sa pagalis ng aking sapatos nang mapadako ang aking paningin sa suot kong singsing. At dito ay tinitigan ko itong maigi at naalala ko ang tagpo kanina doon sa restaurant.

PAGBABALIK ALAALA...

Kasalukuyan kaming kumakain ni Blaike dito sa naturang restaurant. Hindi ako makakilos ng maayos dahil sa nakatitig lang sa akin si Blaike dahilan upang ako ay makaramdam ng pagkailang. Agad ko namang tinaasan ito ng kilay dahilan upang mapangiti ito ng nakakaloko. Nasa ganoong pagtitigan kami nang bigla niyang hawakan ang aking kamay na aking ikinagulat.

"Since I am courting you for one year, I guess it is now the time for both of us to be together and make happy moments with me. I promise to love and protect you at all cost and cherish the moments we had in spending our precious time...Khalil Salvia can you be my boyfriend?" Maluha luhang saad nito dahilan upang ako ay matigilan tila ba lumundag ang aking puso sa kanyang mga sinabi at ako ay napangiti.

"Su----" putol kong saad

END.

Noong sinasambit ni Blaike ang mga katagang iyon ay natuwa ako doon ngunit hindi bumilis ang tibok ng aking puso 'di tulad noong nililigawan ako ni Raymond ay halos lumabas na sa aking dibdib ang aking puso dahil sa bilis nito. Nung mautal ako dahil sa muntikan ko ng pagsangayun sa kagustuhan ni Blaike ay may nakita akong imahe sa aking isipan ng dalawang lalaki na magkayakap at ito ay walang iba kundi si Raymond at ako.

Noong mga sandaling ihon ay para bang may pinagtataksilan akong tao dahilan upang ako ay maguilty sa muntikan ko ng pagpayag sa mga sinambit ni Blaike. Walang makakapantay sa pagmamahal ko kay Raymond na patuloy na gumugulo sa aking puso't isipan. Di ko alam ang gagawin kung sakaling magkrus ang aming landas. Sana kapag dumating ang araw na iyon ay mahal niya pa rin ako at tutuparin niya ang kanyang mga ipinangako sa akin.

"I'M HOME"

Quicke_Ow

Part 44

Friday, 8:00 pm.

Lumipas pa ang ilang mga araw at dumating na nga ang araw ng aming paglipad pauwi sa pilipinas. Sa nakalipas na mga araw ay pilit kong iniwasan si Blaike sa kadahilanang ayaw ko siyang umasa sa mga bagay bagay.

Ayokong papasukin siya sa aking buhay ng dahil lang sa mahal niya ako bagama't taliwas naman ito sa aking nararamdaman. Ayoko siyang paasahin at saktan ng dahil lang sa mga bagay na gusto niyang mangyari. Oo at may puwang na siya rito sa aking puso ngunit hindi umabot sa puntong tanawin ko siya higit pa sa kapatid at kaibigan.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon