FEEL ME 36: FOURTH ASPECT

447 31 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

Sakay ng kotse nila ay tinatahak namin ang daan pauwi. Nahirapan nga akong magpaalam sa kanila dahil sa gusto nilang sa kanila na muna ako magpalipas ng gabi ngunit tumanggi ako dahil sa nahihiya ako kaya wala na silang nagawa kundi ang pauwiin na lamang ako at inakap muna ako nila ng mahigpit bago ako umalis.

Hindi pa rin tinatanggap ng aking isipan ang mga tagpong naganap kanina at hanggang ngayon ay kumakabog pa rin ang aking dibdib wari may gustong lumabas sa akin. Hindi ko alam kung saan magsisimula kung sasabihin ko ba ito kina mama o hindi. May lungkot pa rin sa aking dibdib dahil sa kanilang ginawang paglilihim sa akin ngunit hindi na kaso sa akin iyon ang mahalaga ay napunan at nabuo din sa wakas ang aking pagkatao.

Iba talaga maglaro ang tadhana at pati ako ay napagdiskitahan sa mapanuyang laro nito. Hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari sa akin na ang pinakamayamang angkan ang aking tunay na pamilya na labis kong ikinagulat at hindi ko agad matanggap tanggap hanggang sa ngayon.

"FOURTH ASPECT"

Quicke_Ow

Part 36

7:00 pm

Pagkalito at pagtataka ang lumukob sa aking pagkatao dahil sa mga pangyayaring naganap kanina. Di ko pa rin maisalarawan ang aking nararamdaman sapagkat ito ay hindi ko mawari kung bakit ganito ito.

Kasalukuyan naming tinatahak ang daan pauwi habang patuloy pa rin sa pagdabog ang aking dibdib. Siguradong nandoon na sila mama sa bahay at nagaalala na sa akin. Nais ko silang tanungin ukol sa mga bagay bagay at gusto kong sila mismo ang magsabi sa akin ng lahat. Ayoko ng mabuhay sa mga kasinungalingan na aking nakasanayan noon.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay at agad na akong bumaba. Agad na akong nagpasalamat sa driver nila Mr. Salvia at mabilis itong nakaalis hanggang sa maglaho ito sa aking paningin. Akmang papasok na ako sa tarangkahan nang biglang sumulpot sina mama at agad akong sinalubong ng yakap na agad ko namang tinugon.

Pilit akong kumikilos ng normal upang hindi nila mahalata na mayroong kakaiba sa akin ngayon at pilit kong nilalakasan ang aking loob para hindi bumugso ang aking emosyon.

"Welcome back mama at papa. How was your trip from cebu?" Saad ko sabay bigay ng pilit na ngiti.

"It's fun Mal. I wish you're with us enable for you to experience the nice trip we had." Magiliw na saad ni mama sabay yakap ulit sa akin habang si kuya Max ay panay ang titig sa akin na kaagad kong iniwas ang aking mga tingin sa kanya.

Agad ko naman silang niyaya na pumasok sa loob upang kami ay makapagusap. Nang makarating sa sofa ay agad kaming naupo. Ang daming mga bagay ang aming napagusapan hanggang sa lumipas ang mga minutong binabagabag ako ng mga katanungang nais kong matuklasan at malaman ngayon din mula sa kanila. Nang humupa na ang tawanan at kulitan sa pagitan namin ay dito ako nakahanap ng tyempo upang makausap ko silang lahat. Bumuntong hininga na muna ako bago magsalita.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon