FEEL ME 24: HE'S MY SLAVE

641 31 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

Patuloy sa pagtugtug ang kanta na nagmistulang background music namin. Sa ganoong pagkakataon ay inakay naman ako ni Raymond patayo at inalok ako ng sayaw.

"May I have this dance my prince" saad nito at bahagya naman akong natawa sabay lahad ng aking kamay sa kanyang mga palad.

Agad kaming nagtungo sa gitna upang sumayaw.

Isinayaw niya ako habang dinadama namin ang pagkakataong ito wari'y solo namin amg mundo at walang ni isa ang tao rito.

Isang napakagandang alaala na naman ang nabuo ngayong araw at masasabi kong ito ang dapat na ilagay sa treasure chest at hindi ang mga sweets na pagkain. It feels like i'm floating at cloud 9 when I feel his touch, kisses, and hugs that reminds me how we care and love for each other.

Parang si Raymond lang ang lalaki dito sa mundo na ayaw kung mawala sa aking piling at bisig dahil siya lang ang nakapagparamdam sa akin ng ganitong kaligayahan.

Ang mga naganap ngayong araw ay isang napakasayang panaginip kung maituturing dahil sa ligaya at sayang aming nadarama. Kung ito man ay isang panaginip lamang ay sana hindi na ako magising pa at manatiling tulog upang damhin ang pagmamahal na inialay namin sa bawat isa.

"HE'S MY SLAVE"

Quicke_Ow

Part 24

9:00 pm

Kasalukuyan naming pinagsasaluhan ang mga gawa ni mama na mga muffins at yung moca cake na paborito ko. Napakasarap talagang gumawa ni mama ng mga pastries na labis kong ikinatuwa.

"Hon, my parents will arrived here tomorrow from london because they wanted to meet you. Ipapakilala kita sa kanila bukas kaya huwag kang matakot o kabahan dahil nandito lang ako." Ang nakangiti nitong saad na aking ikinagulat.

Nung marinig ko iyon ay tila may nakapasang mabigat sa aking balikat dahil sa labis na kaba at pangamba na baka hindi nila matanggap ang relasyon naming dalawa. Tiyak na alam na nila na ako ang kasintahan ng kanilang anak.

"Oh, kasasabi ko palang na huwag kang kabahan e. Hindi naman terror sila mommy't daddy at tiyak na tatanggapin nila tayo." Saad pa nito ngunit dahil sa kabang aking nararamdaman ay tanging tango lang ang aking naisagot.

Lumipas pa ang mga oras na binabagabag ako ng labis na pangamba at takot nang mapagpasyahan naming umuwi. Tutuloy daw ako sa condo ni Raymond ngayong gabi dahil sa kailangan naming maghanda bukas bago umalis papuntang airport, naipagpaalam na niya daw ako kina papa at mama na mabilis nilang sinang-ayunan. Kasalukuyan naming tinatahak ang daan papunta sa condo ni Raymond nang bigla niyang hawakan ang aking kamay kasabay nito ang paghalik niya dito.

"Don't be scared nasa tabi mo lang ako hon. Everything's gonna be alright." Pangaalo pa niya sa akin na labis kong ikinangiti.

Kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam sa ginagawang pagpapakalma sa akin ni Raymond wari'y may kakayahan itong burahin ang aking pangamba at takot. Naniniwala naman ako na magiging maayos din ang lahat ngunit sa ngayon ang kailangan ko lang gawin ay ang ihanda at ayusin ang aking sarili, magiging matatag at matapang ako para sa aming dalawa.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon