FEEL ME 35: MISSING PEICE

465 31 2
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

Dahil sa hindi na ako makatiis at patuloy na binabagabag ng mga katanungan ay agad kong kinuha ang aking telepono sabay dial ng number ng unknown caller slash mysterious guy na yun.

Ringing...

"Hello" malumanay kong saad sa kabilang linya nung sagutin nito ang aking tawag.

"Kamusta kana Malcolm?" Malambing na saad sa kabilang linya.

Bigla namang dumagundong ang tibok ng aking puso dahil sa labis na kaba. Hindi ko mawari ang aking isipan kung saan ito patutungo at ako ay nababalisa at hindi mapakali. Para bang isasabak ako sa singing contest ngunit hindi sa pagkanta nakaukit ang aking talento kundi sa pagsasayaw kaya't labis akong kinakabahan.

"Sino ka ba talaga? Bakit mo ba ginugulo ang buhay ko?" Inis kong saad sa kanya.

"For now, hindi mo pa ako kilala pero malalaman mo rin ang katotohanan sa tamang oras at panahon." Wika sa kabilang linya na nagparamdam sa akin ng labis na kaba.

"Anong katotohanan?" Nakakunot noo kong turan bagama't hindi niya ako nakikita.

"Hmmmmm...tell me if you are interested and I will give you the address of a place where we can talk." Saad pa nito sabay patay sa tawag. Naiwan akong walang kaalam alam sa kanyang mga pinagsasasabi.

Wari isa akong batang hinahanap ang aking mga kalaro sa tagu-taguan at ako ang taya. Mas lumakas ang pintig ng aking dibdib at lumalim ang aking paghinga dahil sa salat ang aking isipan sa kaalaman ukol sa mga bagay bagay na aking natutuklasan. May hindi ba ako alam? Tanong ko sa aking sarili ngunit ang katanungang iyon ay walang makakasagot kundi ang may alam lamang ukol dito.

"MISSING PEICE"

Quicke_Ow

Part 35

Wednesday, 7:00 am

Lumipas pa ang ilang araw na patuloy akong hinahabol ng labis na pagtataka at ang mga katanungang kailangan ko ng agarang kasagutan. Mahirap ang aking pinagdaan sa nakalipas na araw nariyan na ang hindi ko pagkain ng maayos at pati tuloy si kuya Max ay nababahala na sa aking mga ikinikilos. Patuloy kung pinapadalhan ng mensahe ang lalaking yun ngunit hindi niya sinagot lahat ng iyon.

Miyerkules ngayon at siya ding paguwi nila mama't papa kaya napagpasyahan kong maglinis ng bahay para naman masabi nilang hindi namin pinapabayaan ang bahay. Ilang oras pa ang aking itinagal sa paglilinis nang ako ay matapos. Tinungo ko ang sofa upang doon ipahinga ang aking katawan kasabay nito ang desisyon kong katagpuin ang lalaking nangungulit sa akin. Agad kong inilabas ang aking telepono at doon ay denial ko ang kanyang numero.

Ringing...

Ilang saglit pa ay agad nitong sinagot ang aking tawag.

"Have you decided to meet and talk to me?" Saad niya sa linya. Habang ako ay kinakabahan na hindi ko mawari ang gagawin.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon