FEEL ME 52: MOMENTOUS HAPPINESS

403 28 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

Be open-minded.

______________________

Previous Chapter:

Nasa ganoong pagyakap ito sa akin nang may maalala akong tagpo, ang tagpong ito ay ang pagtawag sa akin ng papa ng mga bata na hanggang ngayon ay nagpapataka sa akin ng lubos. Pinakalas ko naman ito ng yakap dahilan upang bumusangot nito.

"Ngayon...sabihin mo sa akin. Bakit ganoon na lamang sila kung ako ay kanilang ituring?" Takang tanong ko habang nakataas ang aking kilay at inaantay ang sagot nito. Agad naman itong umayos ng pagkakaupo at bumuntong hininga muna bago magsalita.

"Ipinakilala kita sa aking mga anak bilang kanilang pangalawang ama dahilan upang masabik ang mga ito sa iyong pagbabalik. Sa nakalipas na pagkakataon ay ang dami ng nagbago sa paligid at takbo ng aking buhay. Tinuring ka ng aking mga anak bilang isang tunay na ama na nanggaling sila sa iyong sariling dugo." Salaysay nito dahilan upang ako ay magulat at magtaka.

"Paano si Thea? Nasaan siya? Nasa ibang bansa ba ito?" Takang tanong ko kay Raymond at dito ay naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay.

"Ika-dalawampu't walo noon ng mayo, dalawang libo-dalawampo araw ng lunes...

PAGBABALIK ALAALA...

...isinugod ito (Thea) sa hospital sa kadahilanang nakatakda nitong pagsilang kay Louis. Hindi matatawaran ang aming kaligayahang nararamdaman at pagkasabik sa mga oras na iyon dahil sa isa pang anghel ang nakatakdang ipanganak sa araw na yaon. Labis na kaba at pangamba ang aking nararamdaman para sa aking anak at sa kaligtasan nito.

Ipinagdasal ko na nawa ay maging maayos ang lagay ng aking magina sa mga oras na iyon. Ibayong pananabik at pagaalala ang tanging lumulukob sa aking pagkatao dahilan upang pagpawisan ako't magalala.

Mahigit isang oras ang panganganak ni Thea na tanging ang tibok lamang ng aking puso ang tanging namumutawi sa aking pagkatao dulot ng labis na pagaalala at pananabik kong masilayan ang supling.

Nasa ganoong malalim na pagiisip ako ay siya namang paglabas ng doctor sabay na hinubad nito ang hairnet at surgical mask. Tila nakaramdam ako ng labis na pangamba at pagkakaba noong sandaling makita ko sa mga mata ng doctor ang labis na pagaalala at panghihinayang.

Bumuntong hininga na muna ang doctor bago ito magsalita. "I'm sorry but the patient doesn't make it when delivering her baby. Hindi na kinaya ng pasyente ang panganganak sa sanggol kaya't kinapos ito ng paghinga dahil sa labis na enerhiya ang nawala dito. Napagalaman din naming may asthma pala ang pasyente isa sa mga dahilan kung bakit din huminto sa pagpintig ang puso nito. Pero nakaligtas ang bata, buhay ito at masasabi kong malusog ito."  Salaysay ng doktor dahilan upang ako ay matigil.

Magmula noong pumanaw si Thea ay ikaw na ang ipinakilala kong ikalawang magulang nilang dalawa kaya't ganoon na lamang sila kasabik na makasama ka. Hindi na namin ipinaalam pa iyon sa medya ang nangyari kay Thea sa kadahilanang maaari nilang pagpyestahan ang nangyari mailaman lamang sa mga balita at pagusapan.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon