FEEL ME 40: CHASED BY THE OLD MEMORIES

462 32 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

Kasalukuyan kaming nasa daan habang tinatahak namin ang daan papunta kung saan kami paroroon. Sakay ng van na inarkila ni kuya Curt ay kasya kaming lahat dito sa loob. Si daddy at papa ang driver salitan sila sa pagmamaneho, katabi ko naman ang dalawa kong ina at sa gilid ni mommy naroroon si kuya Curt, sa aming likuran ay nandoon sina kuya Max katabi nito si Andrew ng magkahawak kamay at sa may gilid ay si Ethan na mahimbing na natutulog habang nakanganga pa na nagpapigil sa akin ng tawa. Dahil sa malayo layo pa ang aming biyahe ay napagpasyahan kong makinig na muna ng tugtug sa aking telepono kasabay nito ang pagpalsak ko ng earphone sa aking tainga.

Music Playing...

My Love

Westlife

Kasabay ng pagtatapos ng kanta siya ring pagdating namin sa aming kinaroroonan. Agad naman akong bumaba at dito ay napatigil ako sa aking nakitang karatula. Napaka pamilyar ng lugar na ito tila hindi ako tinatantanan ng mga alaalang bumabagabag sa akin.

Dito ay napabuntong hininga na lamang ako sa kadahilanang parang sinasadya ito ng tadhana upang mangyari ang ganitong mga tagpo. Halos balutin ako ng kalungkutan dahil dito ngunit iwinaksi ko na lamang ito sa aking isipan paraan upang hindi mabalot muli ng kalungkutan ang aking pagkatao.

"LA LLANITA BEACH RESORT." basa ko sa karatulang nakapaskil sa may pinaka entrance nito.

"CHASED BY THE OLD MEMORIES"

Quicke_Ow

Part 40

10:44 am

"LA LLANITA BEACH RESORT." basa ko sa karatulang nakapaskil sa may pinaka entrance nito.

Tingnan mo nga naman mukhang ayaw talaga ako tantanan ng aking nakaraan dahil sa pangyayaring ito bagama't hindi na ako naaapektuhan ngunit ang tanging gusto ko lang ay hindi ko na maalala pa ang mga bagay na magpapaalala sa akin ng nakalipas.

Patuloy ako sa pagmamasid hanggang sa maramdaman ko na lang ang paglingkis ng kamay ni mommy pagapang sa aking beywang.

"Is there any problem Khal?" Nagaalalang tanong sa akin ni mommy na agad kong binalingan ng tingin sabay ngiti.

"None at all mom. I'm fine" tugon ko dito ngunit tango lang naisagot ni mommy habang marahang hinihimas ang aking likuran.

Agad na ako nitong niyaya na magtungo sa loob nang maisaayus na namin ang aming mga gamit. Ilang sandali pa kaming naglalakad ng matapat kami sa isang hotel, isang hotel na dinadayo ng mga toristang pumaparito sa beach. Agad na akong pumasok at dito napagalaman kong ang aking magiging kasama sa silid na ito ay ang aking dalawang kuya na kasalukuyang nakangiti sabay nag apir pa ang mga ito.

Hindi maitatanggi ang kagandahan at desinteng desinyo sa loob nito at dito masasabi kong mahal ang nakuha nilang silid dahil sa mga kagamitang naririto magmula sa magarbong sofa, espasyo at luwag, malapad na telebisyon, ang mga dingding na pulido ang pagkakakulay, at maging ang mga ilaw dito ay magagara at masarap pagmasdan. Dahil sa aking nasaksihan ay nagsimula ng manlaki ang aking mga mata dahil sa aking nasasaksihan tila ang mga features nito dito ay parang isang mamahaling condo unit.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon