FEEL ME 51: CONFUSION

418 30 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

Be open-minded.

______________________

Previous Chapter:

Ang loko naman ay panay ang kain at nang mabalingan ko ito ng tingin ay takaw itong kumakain sabay na lumingon sa akin at kinindatan ako.

"Ihanda mo na ang iyong sarili sa pagiging nanay mo." Pagbibiro nitong saad at ayon may isa siyang kutos galing sa akin at mabilis itong inirapan.

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa oras na ito. Gulong gulo pa rin ang aking isipan kung bakit ganoong kumilos ang mga bata. Nawa ay hindi magalit sa akin si Thea sa aking ginagawa.

Wala akong ideya kung paano nangyari ang lahat. Talaga namang ang dami ng nangyari sa nakalipas na mga taon at isang pangyayaring iyon ay ang pagkilala sa akin ng mga bata bilang kanilang papa. Iwinaksi ko na lamang sa aking isipan ang mga bumabagabag sa akin at hihintayin kong si Raymond mismo ang magsabi sa akin lahat ng ito.

Pinagsaluhan namin ang pagkaing nakahain sa mesa ng may ngiti sa aming mga labi. Hindi ko maisalarawan ang mga pangyayaring ito na tila isang panaginip kung ito ay tutuusin.

Lahat ng ito ay babaunin ko sa lahat ng oras kahit na walang kasiguraduhan ang kaligayahang ito. Hindi ko mawari kung hanggang kailan ito ngunit nais kong sulitin at isapuso ang mga tagpong ito. Hanggang kailan nga ba ito? Ang tanong na iyan ay walang kasagutan at nakakaalam dahil sa iba maglaro at mapanuya ang oras, panahon, at tadhana.

"CONFUSION"

Quicke_Ow

Part 51

1:00 pm.

Walang makakapantay sa kaligayahang aking nararamdaman sa mga oras na ito. Tila ba akin ang mundong ito at tanging ako lamang ang gumagawa ng sarili kong panaginip dahil sa hindi matatawarang kaligayahan.

Parang napakaperpekto na ng lahat at sa wari ko ay buong buo na ang aking pagkatao dahil sa pagmamahal at saya dulot ng mga taong nakapaligid sa akin.

Kasalukuyan kaming naririto sa sala nila Raymond habang nagiinuman sila ng kanyang ama. Hindi naman ipinagbawal ng doctor ang paginom ni Raymond ng alak sapagkat ang katawan nito ay nangangailangan ng 70% na alcohol nito. Katabi ko si Raymond at binabantayan ko ang mga makukulit na mga batang abala sa panonood ng cartoons na kanilang paborito ang 'teen titans go' ayon kay Mrs. Cortez, kanina pa ako aliw na aliw sa mga ito dahil sa walang kapantay nilang kabibuhan at kacute'an bagama't patuloy pa rin akong binabagabag ng mga katanungan at pagtataka sa aking isipan ay ayaw kong biglain ang aking sarili sa mga bagay bagay.

Aantayin kong si Raymond nalang ang magkwento at magpaliwanag ng lahat ng ito para na rin sa aking ikatatahimik, kung saan ba dapat ako lumugar, at ano ang aking kayang gawin.

"Papa, daddy look? The superheroes are in trouble." Nagaalalang wika ni Joevan sabay turo sa tv na kanilang pinapanood.

"They are in trouble but soon they will become heroes and will save the humanity." Turan ko at tanging tango lamang ang naisagot nito.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon