FEEL ME 59: SETTING THINGS UP

370 20 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

Be open-minded.

______________________

Previous Chapter:

Noong gabing iyon ay pinagsaluhan namin ang init at sarap ng pagkakataon. Nangyari ang pagniniig namin ni Raymond ng may ngiti sa aming mga labi wari parang wala ng bukas dahil sagad sa buto ang aming ginawa dahil sa labis na pananabik.

Ang mga haplos nito ay nagbibigay sa akin ng kakaibang sensasyong hindi matatawaran. Tila may kakayahan itong pawiin ang lahat ng pagaalinlangan at pasubali sa pamamagitan ng kanyang mga haplos na ipinapadama sa akin na malugod kong tinatanggap at damhin ang bawat paggalaw nito.

Naulit pang muli ang mga maiinit na tagpong iyon sa pagitan naming dalawa at dito ay sinubukan din namin ang iba't ibang posisyon dahilan upang makuntento kami sa tagpong iyon.

Maligaya ang aming gabi dahil sa samu't saring kaganapang naganap sa araw na ito wari itinalaga ng pagkakataon na amin ang pagkakataon at sandaling ito. Walang mapagsidlan ang aking damdamin dahil sa labis na galak at tuwa ang aking nararamdaman sa aking kaibuturan, maging ang aking puso ay pumipintig at isinisigaw nito ang pangalan ni Raymond.

Sana ay magtuloy tuloy na ang ganitong kaganapan at panatilihing matiwasay ang pagsasama namin ni Raymond. Wala na akong mahihiling pa kundi ang walang hanggan na kaligayahan na tinatamasa naming dalawa.

"SETTING THINGS UP"

Quicke_Ow

Part 59

July 19, 2022-Wednesday: 8:47 am. (SPAIN TIME ZONE)

Lumipas ang isang linggo bago ako bumalik paespanya na mas naging makabuluhan ang aking pamamalagi sa pilipinas dahil sa labis na kaligayahang ipinaramdam sa akin ng mga taong labis akong minamahal. Ibinuhos ko ang aking pagmamahal sa mga bata at hinayaang damhin ang kanilang mga yakap, halik, at pagmamahal ng mga ito sa akin bago sumapit ang araw ng aking paglipad.

Labis na suporta naman ang ipinahayag ng bawat taong nagmamahal sa amin at taos puso namin itong tinanggap. Tila hindi ako napapagod gawin ang mga bagay bagay dahil sa alam kong nasa tabi ko lamang ang taong pinaghuhugutan ko ng lakas at pag asa. Sa kasalukuyan ay kasama ko si Raymond dito sa espanya sa kadahilanang dito namin aayosin ang lahat ng mga bagay na may kaukulan sa kasal. Isang linggo lamang itong mananatili rito at muling babalik sa pilipinas upang pamahalaan at gampanan ang tungkulin nito.

Pinatibay at pinatatag pa kami lalo ni Raymond ng pagkakataon dahil sa mga tagpong naganap sa nakalipas at sa kasalukuyan. Ganoon pa rin ang aming pakikitungo sa isa't isa nariyan na ang lambingan, harutan, kulitan, at asaran. Sa mga nakalipas na araw ay hindi maiwasan ang mga mumunting tampuhan sa pagitan naming dalawa, pagselosan ba naman pati ang kanyang mga anak ngunit agad din naman namin itong inaayos. Sariwa pa rin sa aking isipan ang naganap noong nakaraang linggo kung saan hiningi ni Raymond ang aking mga kamay at inalok ako ng kasal ng walang pagaalinlangan na labis kong ikinatuwa.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon