FEEL ME 61: DOUBTS

280 21 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

Be open-minded.

______________________

Previous Chapter:

Ilang saglit pa noong kami ay makarating sa loob ng eroplano at dito ay naupo. Nais kong umidlip ng tulog dahil sa hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa pananabik na aking nararamdaman kaya napuyat ako hanggang sa magmadaling araw na ay dinouble check ko ang mga gamit at nagluto ng almusal.

"Kuya iidlip lang ako ng tulog ah. Gisingin mo na lamang ako kapag nasa pilipinas na tayo." Wika ko kay kuya.

"Okay bunso. Sleep well, mwuah!" Saad nito sabay na hinalikan ang aking mga pisngi.

Dito ay ipinikit ko ang aking mga mata at inantay ang paglukob ng antok sa aking sarili. Sana sa pag gising ko ay nasa pilipinas na kami ni kuya ng sa gayon ay mayakap at mahagkan kong muli ang mga taong labis kong minamahal.

Ilang saglit pa nang maramdaman ko ang pagsanib ng espirito ng antok sa aking sarili sabay na ipinaubaya ko ang aking diwa dito. At agad akong nakatulog. Wala na akong naalala pa.

"DOUBTS"

Quicke_Ow

Part 61

9:38 am. (PHILIPPINES TIME ZONE)

Naalimpungatan ako dahil sa may bahagyang tumatapik sa aking pisngi. Dito ay nagmulat ang aking mga mata at napangiti na lamang ako noong tumambad sa aking paningin ang maaliwalas at maamong mukha ni kuya. Pumungas pungas ako ng aking mga mata kasabay nito ay ang pag gusot niya sa aking buhok habang bahagya itong natatawa.

Sa pagmulat ng aking mga mata ay nagmulat rin ang aking labis na pananabik sa aking kaibuturan dahilan upang dumagundong ang aking dibdib sa pagtibok.

"Are we in the philippines already?" Tanong ko kay kuya.

"Yup. Kaya bumangon kana riyan dahil inaantay na nila tayo sa loob ng gusali." Tugon ni kuya habang abala ito sa pagkuha ng aming mga gamit sa compartment ng eroplano.

Agad na kaming lumabas sa eroplano upang salubongin ang mga taong labis kong pinanabikan ng husto. Nang kami ay makalabas sa eroplano ay dito nalanghap ko kaagad ang simoy ng hangin. Masarap sa pakiramdam, banayad, at presko ang hanging dumadampi sa aking balat at dito dinama ko ang pagyakap ng hangin. Naririnig ko ang pagsipol nito wari naglalaro ito sa paligid.

Ito ang mga bagay na gusto kong nararamdaman sa tuwing ako ay nagbabalik sa lupa kung saan ako nagmula. Ito ang pakiramdam na para bang sinasalubong ako ng kapaligiran dahil sa maaliwalas na tanawin na aking nasisilayan.

Ilang saglit pa nang maramdaman kong may humahaplos sa aking likuran dahilan upang ako ay magmulat sa pagkakapikit at dito tumambad sa akin si kuya ng naka ngiti.

"Shall we?" Wika nito sabay kindat sa akin dahilan upang ako ay mapangiti at tanging tango lamang ang aking naisagot.

Agad na namin tinahak ang daan papasok sa gusali upang kami ay salubungin ng mga taong labis kong pinapahalagahan. Dito ay may tuwa, kaba, at pananabik ang biglang lumukob sa aking pagkatao dahil sa kagustuhan ng aking mga mata ang masilayan ang mga ito. Nagsimula na namang dumagundong ang aking dibdib at hindi ito magkamayaw sa pagsigaw ng mga pangalang nais kong makita.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon