FEEL ME 55: LOVING HIM HARDER

396 25 1
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

Be open-minded.

______________________

Previous Chapter:

"Patawad Blaike. I'm sorry for not loving you back...I knew that you knew who I want to be with. Salamat sa pagpaparamdam mo sa akin na ako ay espesyal sa iyo, kahit papaano ay may puwang ka pa rin sa aking puso. Maging maligaya ka sana para sa akin." Wika ko habang nagpapalahaw ng iyak sa mga balikat nito ng nakayakap. Narinig ko naman ang bahagya nitong pagtawa sabay na hinimas ang aking likuran.

"I will set you free for the sake of your happiness knowing pain and sadness will strike me down. Lagi mong tatandaan na mahal kita kahit saan ka o ako magpunta." Tugon nito dahilan upang higpitan ko pa ang pagyakap ko sa kanya.

Nakakahiya na saktan ko itong tao na ito dahil sa kabutihan nitong taglay. Hindi ko siya deserve dahil sa kabaitan nito at pagiging maunawain sa mga bagay bagay. Talaga namang boyfriend material siya kung tutuusin ngunit hindi pa rin nito natumbasan ang pagmamahal ko para kay Raymond.

Sa kabilang handa naman parang nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan dahil sa muntikan ng pagkasira namin ni Blaike na tinututulan kong mangyari.

Patuloy kaming nagyayakapan ni Blaike at sa wakas ay naayos din ang gusot sa pamagitan namin nito. Ngayon ay magsasama na kaming matiwasay ni Raymond na labis kong minamahal. Tila nanabik ako bigla sa mga yakap at halik niya at parang gusto ko ng umuwi ngayon.

Nasa ganoong pagyayakapan kami nang biglang may huminto na sasakyan sa tarangkahan ng bahay kasabay nito ang pagbaba ni Raymond sa sasakyan na nanggagalaiti sa galit dahilan upang ako ay mangamba at matakot sa biglaang pagsulpot nito. Sa tingin ko ay nakita niya ang pagyayakapan namin ni Blaike.

Bigla itong nagtatakbo patungo sa aming kinaroroonan na may galit sa kanyang mukha. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagdating nito at maya maya pa ay bigla nitong sinunggaban ng malalakas na suntok at inihataw ito kay Blaike dahilan upang mapabulagta ito sa lupa na aking ikinagulat.

"LOVING HIM HARDER"

Quicke_Ow

Part 55

6:40 pm.

Takot, pagaalala, at pangamba ang lumukob sa aking pagkatao dahil sa ginawa ni Raymond. Sa kabilang banda naman ay alam kong nakita nito ang pagyayakapan namin at nabigyan niya ito ng masamang kahulugan kaya't agad itong sumugod ng walang kaalam alam sa mga pangyayari.

Noong akmang susuntukin niya na naman ito ulit ay agad kong iniharang ang aking sarili upang hindi na nito masaktan pa si Blaike. Nagulat naman ito sa biglaan kong pagsulpot sa harapan nito at dito ay agad na bumalik sa normal ang mukha nito na mula sa labis na pagkagalit ay bumalik ito agad sa maamo at maaliwalas na mukha nito.

"Tumabi ka diyan." Malamig na pagkakasambit nito sa akin dahilan upang tumulo ang aking mga luha.

"Pare wala kaming ginagawang masama." Saad ni Blaike habang nahihirapan itong makabangon dahilan upang alalayan ko itong bumangon.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon