FEEL ME 20: YES!

628 29 2
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

Ilang sandali pa ay medyo nakakaramdam na ako ng hilo at parang dumadami na ang aking paningin.

Masaya kaming nagiinuman hanggang sa nagkayayaan na sumayaw sa dance floor.

"Tara sayaw tayo?" Pagyaya ni kuya.

"Sige ba." Masayang wika ko.

"Dito nalang ako dahil tinatamad akong sumayaw." Medyo lasing na saad ni Ethan.

"Me too." Turan naman ni Dave na nakatingin sa alak na iniinom niya.

May problema nga ang dalawa dahil sa kilos nila.

Agad akong hinila sa dance floor ni Raymond kasama sina kuya at Andrew habang sina Dave at Ethan naman ay nagpaiwan dahil daw sa tinatamad silang sumayaw.

Masaya kaming nagsasayawan sa gitna ng dance floor at naramdaman ko na lang na may kamay ang lumingkis sa aking baywang at pagtingin ko kay Raymond ay panay ang ngiti ng loko.

Isinayaw ako ni Raymond hanggang sa humina ang tugtug nito at napalitan ng mahinang ritmong tugtug.

Ang isayaw ka ng taong mahal mo ay isang napakagandang pangyayari na aking nararamdaman ngayon.

Ibayong kilig ang lumukob sa aking pagkatao at ligaya dahil sa kasama ko sa mga oras na ito ang taong pinakamamahal ko.

"YES!"

Quicke_Ow

Part 20

9:00 pm

Labis labis na kaligayahan ang aking natatamasa sa mga oras na ito dahil sa pagmamahal ko kay Raymond at dahil din sa kasama ko siya ngayon. Walang kasiguraduhan ang kaligayahang ito basta't ang alam ko ay masaya ako na kasama ko siya't nadadama ang mga haplos, yakap, at halik nito dahilan upang magibayo ang aking nararamdaman para sa kanya.

Hindi ko alintana ang mga taong naririto at ang ingaw na nagmumula sa mga malahalimaw na tugtugin na nagmumula sa loob ng bar. Walang kaso sa akin na makita ng lahat ang aming ginagawa dahil sa mga oras na ito ay taos puso ko itong tatanggapin lahat ng pangungutya at panglalait na kahaharapin ko. Hindi nila hawak ang aking kaligayahan upang bumaba ang tingin ko sa aking sarili basta't alam ko sa puso't isipan kong wala akong tinatapakang tao.

Kasalukuyan pa rin kaming sumasayaw dito sa dance floor habang sina kuya at Andrew naman ay bigla nalang nawala sa aking paningin.

Ilang sandali pa ang nakakalipas ay nakaramdam na ako ng matinding pagkahilo at pagod kaya minabuti kong bumalik nalang sa table namin. Agad namang sumunod sa akin si Raymond at inalalayan ako nito pabalik.

Agad akong napaupo dahil sa bigat ng aking nararamdaman at pagod.

Naitungga ko ang alak dahil sa uhaw at pagod ko sa pagsasayaw sa dance floor. Agad akong napabaling kina Ethan at Dave na parang hindi nila kilala ang isa't isa na labis kong ipinagtaka.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon