FEEL ME 42: BEGINNING

478 30 0
                                    

REMINDERS:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

"BEGINNING"

Quicke_Ow

Part 42

June 17, 2022-Monday: 8:00 am. (SPAIN TIME ZONE.)

Lumipas ang dalawang taon sa aking buhay na maayos at mapayapa ang takbo nito ngunit sa aking pagharap sa aking tungkulin upang humalili sa aking ama ay talaga namang napakahirap. Sa una ay katakot takot na adjustment ang aking ginawa mula sa pagkilos bilang negosyante, manamit bilang isang may katayuan, at magsalita bilang isang propesyunal. Lahat ng iyon ay aking napagdaan at kalaunan ay napagtagumpayan ko naman.

Sa paglipas ng mga taon ay hindi ko maikakaila na namimiss ko ang mga taong nagpapahalaga sa akin bagama't parati nila akong nakakavideo chat, nagpapadala ng mga mensahe sa pamamagitan ng sosyal medya ay iba pa rin talaga ang pakiramdam kung mayayakap at mahahagkan mo silang lahat.

Ngayon ay narito ako sa espanya at ginagawa ang aking tungkulin bilang CEO ng Interpacific airlines. Dito ko lamang napagalaman na sobra pala talaga ang ari arian ng mga Salvia na aking pamilya dahil sa bawat bansa ay napuntahan ko na upang e monitor ang mga kompanya dito. Mayroong interpacific airline sa asya at europa na labis kong ikinagulat. Lahat ng ito ay pag aari ng aking pamilya kaya't ganoon na lamang sila kapursige na humalili ako sa aking ama sa kadahilanang mas marami pa akong matututunan sa pagpapatakbo ng negsyo at may sapat na oras ako upang ito ay mapaunlad.

Kasalukuyan akong nakatayo dito sa may salaming dingding ng aking opisina habang nakatanaw sa mga sasakyang nagdaraan mula sa ibaba. Ang dami na pala ang nagbago sa aking anyo, mas naging built pa ang aking katawan na parang babad ako sa gym kahit na ang totoo ay minsan lang ako mag workout, tumangkad pa ako lalo, nagkaroon ng mga facial furs, at medyo pinahaba ko ang aking buhok na bumagay sa aking anyo ngayon. Ngayong CEO na ako ay nakamit ko ang tagumpay ng kompanya bilang isa sa may pinakamalaking negosyo sa buong mundo at may iba't iba nang industriya ang kumukuha sa akin bilang isang modelo na agad ko namang pinauunlakan.

Nasa ganoong pagtanaw ako nang biglang bumukas ang opisina at dito ay pumasok ang aking sekritarya na si Ms. Lonukar. Si Ms. Erika Lonukar ay may taglay na kagandahan, matangkad, maganda ang pangangatawan na maihahintulad sa isang coca-cola ang kurbang taglay nito, at maayos itong manamit na parang galing sa angkan ng mga fashionista.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon