FEEL ME 38: TREASURED

441 31 1
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

Pinagsaluhan namin ang pananghalian sa hapag ng may ngiti sa aming mga labi. Labis na tuwa at ligaya ang aking nadarama dahil sa natuklasan kong ang mga Salvia ay parang ordinaryong mga tao lamang dahil sa hindi ito makabasag pinggan kong kumilos at makukulit ang mga ito kaya't may puwang na agad sila sa aking puso.

Nasa ganoong pagsasalo salo kami nang biglang bumukas ang pinto at dito ay may dalawang lalaki ang pumasok na labis na ikinakunot ko ng noo dahil sa pagtataka.

"Sorry we're late." Saad nong isang lalaki sabay baling sa akin at ngumiti.

"Hi tito. Are we missing something?" Tanong pa nong isa sabay nagtungo kay mommy at humalik ito sa pisngi.

"Have a sit mga hijo." Saad ni daddy ng nakangiti.

"Khalil. This is ETHAN and ANDREW...and Andrew is your cousin." Magiliw na saad ni daddy.

"TREASURED"

Quicke_Ow

Part 38

11:38 am

"Khalil. This is ETHAN and ANDREW...and Andrew is your cousin." Magiliw na saad ni daddy na labis kong ikinabigla habang ang dalawa naman ay nagtungo sa akin sabay yakap at hinalikan ko ito sa kanilang mga pisngi.

Agad naman itong nagtungo sa upuan at agad na naupo. Dito ay nakahanap ako ng tyempo upang itanong kay daddy ang mga ito.

"Paanong nangyari iyon daddy?" Tanong ko kay daddy na labis kong ipinagtaka.

"Noong ikaw ay tumungtong ng college partikular sa La Luna University kung saan ang may ari nito ay ang asawa ng aking kapatid na si Kristel Salvia na ina ni Andrew, kinausap ko kaagad si Andrew ukol sa iyo, sa una ay nabigla ito at dito ay napagalaman kong matalik kayong magkakaibigang tatlo mula mga bata hanggang sa kayo ay tumungtong sa kasalukuyan ninyong mga edad. Nong malaman ni Kristel na ikaw ay aking anak at sa kanilang paaralan ka nagaaral ay ibinaba nila ang matrikulang binabayaran mo at ako na rin ang nagbigay ng scholarship sa iyo. Si Andrew ay anak nina Kristel Salvia-Lachica at ni Jerome Lachica dahilan upang kayo ay maging magpinsan." Mahaba habang litanya ni daddy na nagpatigil sa akin ngunit tanging tango lang ang aking naisagot. Bumaling naman ako kay Andrew na kasalukuyang naka ngiti habang si Ethan naman ay abala sa pagkain.

Tumayo naman si Andrew sa kanyang kinauupuan at nagtungo sa akin sabay na niyakap ako nito ng napakahigpit na aking tinugon kahit na ay may pagtataka pa rin sa akin.

"Alam mo din?" Tanong ko dito nang nakabalik ito sa kanyang kinauupuan. Tango lang sabay ngiti ang kanyang isinagot.

"Pinagkaisahan niyo 'ko talaga." Natatawa kong turan na dahilan upang mapahagalpak kaming lahat ng tawa.

Pinagsaluhan pa namin ang pagkaing nakahain sa hapag ng magkakasama at maligaya. Asaran, tawanan, at kulitan ang aming ginawa sa hapag habang kami ay nagsasalo-salo at makikita mo sa mga mata nila mommy, daddy, at kuya ang labis na tuwa habang ako ay kanilang pinagmamasdan.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon