FEEL ME 57: YOU & ME

382 24 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

Be open-minded.

______________________

Previous Chapter:

Matamis, masarap, at  nakakapanabik ang mga tagpong ito dahil sa hindi maipaliwanag na aking nararamdaman sa mga oras na ito. Tila ayaw ko ng matapos pa ang mga ito at hayaan ang aking sarili na lasapin at damhin ang mga haplos ni Raymond sa akin. Ilang sandali pa kaming naghahalikan nang kumalas ako sa halikan namin ni Raymond at niyakap itong muli.

"Yeheyyyy!!" Galak na sigaw ni Louis habang nagtatatalon.

"Papa and daddy loves each other!!" Dagdag na saad ni Joevan at sinabayan sa pagtalon si Louis. Maya maya pa ay agad itong nagtungo sa aming kinaroroonan at agad kaming niyakap ni Raymond. Dahan dahan kaming lumuhod ni Raymond upang mapantayan ang taas ng mga bata at dito ay niyakap namin ito sabay na pinaghahalikan ang kanilang mga pisngi.

Lahat ng ito ay iuukit ko sa aking puso't isipan at babaunin ko ito kahit saang sulok ng mundo. Hindi maitatatwa na mayroong kaligayahan ang bawat isa at ang tanging gawin mo lang ay hanapin ito kahit na ang kapalit nun ay purong sakit at kirot.

Ako na yata ang pinaka maswerteng tao dito sa mundo dahil sa biyaya at regalong ipinagkaloob sa akin ng panahon at pagkakataon. Ngunit alam ko na ang kaligayahang ito ay may kapalit na hindi ko mawari ngunit lahat ng iyon ay sisikapin naming lagpasan kasana ang taong aking pinakamamahal.

Balang araw ay magiging maligaya at ngingiti sa akin ang tadhana at kapalaran at maaari ako nitong pagkalooban ng walang hanggan na kaligayahan kasama ang mga taong labis kong pinapahalagahan. Sila ang dahilan upang ipagpatuloy at magsikap ako sa lahat ng bagay...they are my Reason to Breathe.

"YOU & ME"

Quicke_Ow

Part 54

Saturday, 8:00 am.

Naalimpungatan ako dahil sa may kung anong bagay ang bumubundol sa akin pang upo, matigas at malaki ito na labis kong ipinagtaka. Nang ibaling ko ang aking mga tingin sa aking katabi ay himbing naman itong natutulog nang nakayakap sa akin at bahagyang humihilik. Dahil sa labis na pagtataka ang lumukob sa akin, dito ay kinapa ko ito upang mapagalaman ko ang bagay na iyon.

Nagsimulang maglakbay ang aking mga kamay pagapang sa bagay na iyon hanggang sa nahawakan ko ito. Malaki, matigas, at may kahabaan ang bagay na ito dahilan upang ako ay mag init dahil sa aking nahawakan. Nasa ganoong pagkakahawak ako nang gumalaw si Raymond at agad na nagmulat ng mga mata sabay na ngumiti ng nakakaloko dahilan upang mapakagat labi ako.

"Good morning Hon." Nakangiti nitong saad sabay na nagtaas baba ang mga kilay nito.

"Good morning too hon." Saad ko sabay sunggab ng halik sa mga labi nito ngunit ang padamping halik ay biglang naging marahas habang patigas ng patigas ang ari nito. Marahas at may kalakip na pagmamahal ang mga halik na iyon wari may kakayahan itong pawiin ang lahat ng mga bagay na bumabagabag sa akin. Ilang sandali pa ay agad akong kumalas sa halikan naming dalawa. Dito tumambad sa aking paningin ang loko na sige pa rin sa pag ngiti.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon