FEEL ME 26: FALSE HOPE

486 32 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

Mas lalong nadagdagan ang aking pangamba at kaba dahil nasa akin na ang atensyon nito habang sinusuri ang aking itsura at tindig at maya maya'y bigla itong ngumiti ng kay tamis.

"Mom? Dad? I would like you to meet Malcolm Charls Sandoval...my boyfriend. Mal these are my parents my mommy Jeselle and daddy Levi." Tugon ni Raymond at kita ko sa kanilang mukha ang bahagyang pagkagulat ngunit agad din sila bumalik sa kanilang wisyo. Habang si Dave ay walang paki alam dahil sa abala ito sa pagtipa sa kanyang telepono.

"Hi po ma'am and sir" turan ko sabay beso sa mommy ni Raymond at shake hands sa daddy nito.

"Welcome to the family hijo." Nakangiting saad ng daddy niya.

"Thank you po. Nice meeting you" ang masaya kong turan.

"Told you, they will like you." Bulong ni Raymond sa akin habang nakaakbay na naging dahilan upang ako'y mapayuko dahil sa hiya.

Ang kabang aking nadarama ay parang bulang naglaho dahil sa gaan ng pakikitungo ng mga magulang ng aking kasintahan na labis kong ikinatuwa. Hindi ko akalain na matatanggap nila ako at ang aming kakaibang relasyon.

Sana ay magtuloy tuloy na ang kaligayahang ito, dahil ngayon palang ay labis na akong nagpapasalamat sa pagkakataon na ibinigay sa amin.

"FALSE HOPE"

Quicke_Ow

Part 26

3:00 pm

Nagpasya ang mag asawang cortez na pumunta sa bilihan ng mga meat and goods dahil balak daw nilang magkaroon kami ng isang dinner mamaya. Kaya't galing airport ay nagpasya kaming dumeritso dito sa bilihan. Samu't saring karne at goods ang kanilang pinamili wari'y may piyestang magaganap dahil sa dami nito.

Mahigit isang oras din ang aming pinamalagi sa market dahil sa dami ng kanilang pinamili. Napagpasyahan nila na agad na umuwi dahil sa lulutuin pa daw ang mga ito. Kasalukuyan kaming nasa daan at pansin ko ang ibayong katahimikan ang bumabalot sa paligid at hindi sinasadyang mapadako ang aking tingin kay maam Jeselle na parang aburido at iritado ngunit sa isip isip ko ay baka naiinitan lang ito gaya kanina sa airport.

Ilang sandali pa ay agad naming narating ang kanilang pamamahay na labis kong ikinamangha dahil sa tayog at laki ng kanilang bahay na parang isang palasyo...literal na palasyo. Agad na dinala ang aming mga pinamili ng mga kasambahay nila at kasabay nito ang pag akay ni Raymond sa akin papasok ngunit nauna sa amin sina Thea at Dave. Pagbungad sa kanilang tarangkahan ay bumulaga sa aking paningin ang napakalaking painting na sa tingin ko ay galing pang ibang bansa.

Nasa ganoong pagmamasid ako sa paligid ng bigla itong magyaya papunta sa kanyang silid na sinang-ayunan ko naman. Agad naming narating ang silid nito at dito tumambad sa aking paningin ang maluwag at mabango nitong kwarto na nagpaturn-on sa akin. Dito ay namangha ako sa aking nakita dahil ang kanyang silid ay may walk-in-closet, mini sala, magarbong office table, at kompleto sa kanyang marvel's collections mula sa mga libro nito hanggang sa mga karakter ay mayroon siya, ang kanyang silid ay black and white ang kulay na pinaresan ng dim lights na nagpaganda sa kanyang silid. Maluwang ito at maganda ang pagkakagawa na labis na nagpamangha sa akin.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon