FEEL ME 56: REASON TO BREATHE

437 21 9
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

Be open-minded.

______________________

Previous Chapter:

Ilang sandali pa kaming nagkulitan ni Raymond hanggang sa tumigil ito at tinitigan ang aking mga mata. Malalim at nakakapang-init sa pakiramdam ang mga titig nito.

Ilang sandali pa kaming nagtitigan nang bigla nitong sunggaban ang aking mga labi at nagpalitan ng mararahas na halik. Marahas, matamis, at nakakapanghina ng kalamnan ang aming halikan wari parang mga sanggol na sabik sa isa't isa dahil sa pagsuso ng aking mga labi ng bawat isa. Ilang sandali pa kaming naghahalikan nang kumalas ito ng pagkakasugpong ng aming mga labi habang nakangiti, hingal kaming pareho dahil sa aming halikan.

"I love you hon." Saad ni Raymond sabay na padamping hinalikan ang aking mga labi.

"I love you too hon. I'm sorry for keeping a secret from you." Tugon ko sabay na niyakap ito.

Tila perpekto na ang lahat at ang lahat ng ito ay ayaw ko ng magwakas pa. Wari nasa ulap ako't dinuduyan ng maaliwalas na hangin dahil sa labis na kaligayahang aking nararamdaman. Ang mga haplos, halik, at yakap ni Raymond ay hindi matatawaran kung iyong tutuusin dahil kalakip nito ang labis na kaligayahan at pagmamahal na alay niya para sa akin lamang.

Nawa ay magtuloy tuloy na itong kaligayahan at hindi na magwakas pa hanggang sa dumating ang araw na kami ay mamahinga na sa paraisong punong puno ng pagmamahal at doon kami ay maligayahang magsasama ng may pagmamahal na alay namin sa bawat isa.

"REASON TO BREATHE"

Quicke_Ow

Part 56

Friday, 7:00 am.

Lumipas ang mga araw na maligaya naming pinagsasaluhan ang sarap ng pagmamahalan namin ni Raymond ng mapayapa at masigla. Tila napuno ng labis labis at naguumapaw na kaligayahan ang bawat sulok ng tahan nina mama at nila Raymond. Sa mga nakakaraang mga araw ay ipinaalam akong muli ni Raymond sa aking dalawang pamilya na kung maaari ay sa kanya na muna ako tutuloy sa kagustuhan din ng mga bata na ako ay kanilang makasama.

Binalot naman ako ng labis na pagaalala dahil sa biglaang paglaho ni Blaike na ayon sa aking mga magulang ay pagkatapos magusap nila ni Raymond agad din nitong nilisan ang bansa at bumalik na pala ito sa espanya. Ayon kay Raymond, bago ito bumalik sa espanya ay nagpahayag pa daw ito ng ibayong suporta sa pagsasama namin ni Raymond na labis kong ikinatuwa. Sa susunod na linggo na rin ang aking balik pa espanya upang ipagpatuloy at gampanan ko ang aking tungkulin bilang CEO ng aming kompanya.

Tahimik na ang bawat isa at maligaya sa landas na kanilang pinili. Nawa ay magtuloy tuloy na ang kaligayan at hayaan kami ng pagkakataong lasapin ang tamis ng buhay.

Kasalukuyan kaming nasa opisina sa kadahilanang nagkaroon ng conference meeting. Nasa harapan ko si Raymond na maiging nakikinig sa akin bilang tagapagulat na labis kong ipinagtaka wari pinagaaralan ang bawat detalye na aking sinasambit kasabay nito ang bahagyang pagtango nito.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon