Chapter 3

25.6K 1.1K 430
                                    

Terry

Tulalang nakatingin lang ako sa kamay ko habang naglilitanya si babaeng giraffe. Hindi talaga ako papayag na mukha syang dyosa.

Masama ang ugali nya. Nuknukan ng sama. Sino ba naman ang magsasabi na mas maganda pa yung kuko nya sa paa kesa sa mukha ko? At mas makakaappreciate ng house slippers kesa sa mukha ng tao? Tsk. Ang pinakamasaklap pa, sinabihan nya ko na bumili na din ng mukha.

Kung abot ko lang talaga sya baka kanina ko pa hinablot yung maganda nyang buhok. Este, pangit din pala yung buhok nya. Walang maganda sa kanya. Period.

Hinampas nya pa yung mukha ko. Damn! Ang sakit!

"Nakikinig ka ba?"

"Oo." Naiinis pa din na sagot ko kahit wala naman akong naintindihan sa lahat ng sinasabi nya. Basta binalik ko na sa kanya lahat ng gamit na hiniram ko noon nung pumunta kami ng birthday party nya.

Tsk. Akala ko pa naman napakabait nya. Sa kwento ni Ate Corinne, bidang bida itong kumag na ito. Paano kaya nauto si Ate Corinne ng bruhildang ito?

"That's why we need to go along well. Is that clear with you?"

"Oo."

"Okay." Tumayo na si babaeng giraffe na nakapagpasimangot na naman sa akin. She should stay seated. Nagmumukha akong dwende sa tabi nya.

Literal na napaawang ang labi ko nung lapitan nya ko na magkasalubong ang mga kilay.

"Anong gagawin mo?" Napaatras ako ng isang hakbang.

That got her smile. Yung ngiti na alam mong may binabalak na masama.

"What engaged couple does." Kaswal na sagot nito.

"An-nong en-g-gaged na pinagsasabi mo dyan?"

Tumawa lang ito.

"Hey, you're stuttering. Affected by our mere closeness?" To my surprise, tinulak nya ko pasandal sa pader. She lower her face to meet mine. "Hmmm?"

Napapikit naman ako. Damn! Heto na ba yung first kiss ko?

Bago pa ako matangay ng kung ano - anong kamunduhan ay naramdaman ko ang malamig niyang kamay na pinitik yung noo ko.

Fudge! The sparks again.

Hindi pwede, heart. Hindi sya yung The One natin ha? Kalma. Gwapo na macho yung tipo natin di ba? Yung mamaskels na kaya tayong buhatin. Hindi bruhilda. Please lang, wag na yang sparks sparks na yan.

"You're wasting my time." Tila nauubusan na ng pasensya na sabi ni Giraffe bago umayos ulit ng tayo. Pero yung kamay nya nasa waist ko pa din na itinutulak ako pasandal sa pader.

Dahil sa sobrang lapit namin. Amoy na amoy ko tuloy yung natural niyang scent. Yung amoy fresh peppermint na hininga niya pati yung amoy marshmallows na scent. Hindi ko alam kung sa bathsoap ba iyon o perfume.

Shit! Hindi pa pala ako nagsusuklay at nakakapagmumog man lang.

Baka, kaya hindi ka hinalikan?

Letse 'tong alter ego ko. Nahawa na sa bruhildang ito na grabe manlait.

"Bitiwan mo nga ako!" Iritableng tinulak ko sya palayo. Nagulat naman sya sa biglaang pagtulak ko kaya awtomatikong nabitawan nya ko.

"Annoyed that I didn't do the thing that you were expecting me to do?"

"Oo!" paangil na sigaw ko sa kanya.

Damn! Sabi na sayo kalma ka lang. Nagmumukha ka ng tanga. Hindi natin katropa yan, heart. Kaaway yan.

"Oh, So you're expecting a kiss?" kaswal na tanong nito na bahagyang nakaangat yung gilid ng labi.

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon