Epilogue

35.6K 1.3K 560
                                    

Terry

Napangiti ako nang makita ko yung hinanda kong dinner for Samantha.

I just recently found out that her stomach can't tolerate spicy food. Pero kahit spicy yung ihanda ko sa kanya ay kinakain nya pa din dahil bihira lang daw ako magluto.

Well, totoo naman. Kasi mga 6pm na ako nakakauwi sa unit. Samantalang si Samantha naman ay shifting ang pasok sa hospital. May times pa na straight 72 hours ito doon kaya minsan ay doon na lang ako dumidiretso para makita ko naman din sya kahit paano.

I excitedly dialled her number. Sabi nya kahapon ay uuwi sya ngayon ng maaga. Kaya naman ipinagluto ko sya ng paborito nya. She loves eating anchovies and chicken. Kaya iyon yung hinanda ko ngayon. Napakababaw talaga ng babaeng iyon.

"Yas,Baby?" She answered her phone na para bang antok na antok na.

"Hey, Sam. Ano oras ka uuwi?" excited na tanong ko sa kanya.

"Not until 8pm maybe. Hopefully walang dumating for ER. Gosh! I feel so sticky. Hindi ako makaligo. Got so many ER patients today."

Napangiti naman ako. Ang sexy kasi pakinggan pag nagrereklamo sya.

"Ngayon na. I cooked anchovies and chicken. Favorite mo yun di ba?"

Narinig ko yung mabini nitong pagtawa.

Sheesh! Kinikilig ba ko? We've known each other for years, halos araw araw naman syang natatawa pero parang bago pa din lahat. It's like we're just challenging every day to be better than what we had yesterday.

"Magpapaschedule ka ba?"

I smiled widely. "Di ba nakapagpa fully-booked na ko sayo sa buong 3 days off mo?"

Shems! Talagang kinikilig ako sa pagtawa nya.

"Fine. What's that for this time? Don't tell me you'll take control?"

On my mind naiisip ko na ngiting ngiti sya habang sinasabi iyon.

"May sinabi sakin si Van na magandang laro e. Itatry natin."

I heard Samantha choke on the other line. What's wrong?

"What is it this time? Goodness, Terry. Stop listening to Van. She's corrupting your mind."

"What's corrupt? Parang sinabi nya lang naman na maganda yung body shots e."

"You're not drinking."

"I can drink upto four shot glass of brandy. Seven bottles pag beer. Three shot glass pag whiskey. Five gla—"

"And when did you learn those numbers?"

Napangiwi naman ako. Dapat ba hindi ko sinabi? Sina Railey kasi at Grant minsan kumakatok dito sa unit para ayain ako sa unit ni Railey.

May times na nalasing ako kaya hinatid pa nila ako dito pauwi ng condo. Kaya naman nung sumunod na araw ay inalam nila yung max count ng alak na kaya kong itake na hindi ako nalalasing. That's helpful daw lalo pa sa linya ng trabaho ko. Minsan kasi pag may gathering, it's expected that you'll drink with clients. Though lagi ko naman kasama si Ate Corinne at Vanilla to look after me. Ginawa na yata nila akong baby nila e.

"Terry?"

Oh, Fudge! Lagot ka Terry. Iba pa naman pag nagalit si Samantha. The last time, you weren't able to go to work for three days.

"Sinabihan ako nila Railey na dapat alam ko daw yung max count ng alcoholic drinks ko."

"And?"

"Kasi need daw sa trabaho ko?"

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon