Chapter 40

24.9K 1K 193
                                    

Terry

We're Married. Finally.

But why am I not fully happy?

"Don't slap me." Mahinang bulong nito pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi at saka kinuha yung kamay ko para humarap sa mga bisita namin.

What we had is just a civil union sa mismong resort nila Sam. Ang sabi nya, kapag nakapag settle na daw kami ay saka kami magpapakasal ng maayos. It's so hard to pull a wedding in just three days lalo pa daw at lahat ng kamag-anak nito ay mga nasa field ng medisina.

Puro mga kaibigan nya lang yung present sa civil union namin. Her parents ay hahabol na lang daw dahil nadelay yung flight ng mga ito due to reported bad weather. Si Mama naman ay hindi na sumama. Ang sabi nya ay sa mismong proper wedding na lang daw namin siya pupunta.

Still, Sam looks genuinely happy. Hindi ko napigilan yung mapangiti din. At least I made her happy. Wala man dito lahat, atleast masaya pa din sya.

"Hi."

Napatingala ako doon sa babaeng ubod ng ganda. She literally looks like a fallen angel. Sobrang sweet at bait din ng bukas ng mukha nito.

"I'm Alliston. Nice to meet you, Terry. I believe we haven't met yet."

Ramdam ko yung diin ng pagpisil ni Samantha sa kamay ko kaya napalingon ako dito. Tinaasan naman ako nito ng kilay.

What? Parang na.mesmerized lang ng three seconds dahil mas ma appeal pala ito kesa sa pictures na nasa sala ng unit ni Sam.

"Uhm.." Napaubo ako ng bahagya. Pagkatapos ay ngumiti kay Alliston. "Nice meeting you. And Yep, first time yata natin magmeet. For sure pag ganyang mga mukha yung nakita ko matatandaan ko agad."

Ngumiti naman si Alliston. She really looks prettier than Samantha.

Pero Samantha will always have that strange magnetic force na nakaka attract lapitan.

"You have a distinguishing look too. Your beauty is radiating. Kaya naman pala natataranta kakahabol sayo 'tong isa." Pabirong sabi nito.

"Shut up, Alli." inirapan ito ni Sam. "Tara, Terry. Dun tayo kina Van. Bestfriend mo yun di ba?"

Ngumiti lang si Alliston na nagwave samin habang akay-akay ako ni Samantha papunta kay Van na katabi si Ms. Carmi. They were talking pero nang makita kami ay sabay silang ngumiti.

"Tinkerbell!" Natutuwang sinalubong ako ng yakap ni Van. "Congrats!"

Napangiti naman ako. I like Van. Napakabait kasi nito saka uto-uto.

Natawa naman ako nang may iabot sya saking envelope. Nung tingnan ko iyon ay puro gift certificates na pwedeng ipambili sa mall nila.

"That's my alay, ipambili mo ng pagkain. Para hindi mahalata ni Sam. Yung usapan natin ha?" pabulong na sabi pa nito habang yakap ako.

"Anong usapan?"

"Yung pinag usapan natin sa office." Paalala pa nito saka ako binitiwan kasi baka mahalata na kami ni Sam.

Natawa naman ako ng maalala ko iyon. Yung sinabi pala nito na pakasalan ko si Sam at sabihan na bilhan ako ng isang island para dun na kami tumira at ilayo na ito sa mga kalandian nito.

"Isa ba si Ms. Carmi sa biktima?" Pabirong tanong ko pa dito.

Tila nagpapaawang tumango pa si Van at saka itinuro yung hawak kong sobre.

"Kaya ayan. Di ba sabi mo basta alayan lang kita ng pagkain? Naniniwala na ako sa powers mo."

Nakita ko si Samantha na hinatak sandali ni Aria. Sumenyas pa sakin muna si Sam dahil yung mga food yata sa recep namin yung titingnan nila.

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon