Chapter 27

21K 1K 257
                                    

Terry

It's been five days. Hindi pa din bumabalik si Sam.

But she's always calling me and updating me everyday. Twice a day sya tumawag. Tuwing umaga pag nakarating na ako ng office. At tuwing gabi pag nakauwi na ako ng bahay. Lagi nya akong kinukumusta. Kung kumain na ba ako, nakauwi ng bahay ng safe at maayos. Kung kumusta si Mama. O kung may mga problema ba habang wala sya.

But I still miss her.

Si Van naman ay talagang dito na nag office sa mismong branch namin. Pero every other day lang sya kung pumasok. Hinahatid nya ako pauwi pag pumapasok sya. Kapag wala naman sya ay si Railey ang sumusundo sa akin para ihatid ako pauwi.

Inutusan daw ang mga ito ni Samantha.

But Sam should know by now that no one can replace her presence. Kahit sampung dyosa pa yung ipadala nya. Kahit may magagandang sasakyan pa. I only want to be with her. I long to be with her. Kahit mag aasaran lang kami. Kahit iinsultuhin nya lang ako. Kahit pa sasabihan nya lang akong mas maganda pa yung nails nya kesa sa mukha ko.

Basta bumalik lang sya.

"Oy, Terry." Tawag sakin ni Van na palabas na din ng office nito.

Saktong alas singko na. Ang aga nya naman umuwi. Nakikisabay sa rush hour. May sasakyan naman sya. Teka, turn nya yata na ihatid ako ngayon pauwi ng bahay.

"Wala ba si Railey?"

Umiling si Van. Para bang sinasabi nito na ito ang driver ko ngayon.

"Tambay muna tayo dun sa coffee shop sa baba ha?" sabi pa nito.

"Ayoko nga. Malelate na naman ako ng uwi. Tatawag pa sakin si Samantha no."

"Inuutusan kita. Hindi kita inaaya. Gusto mong masaktan?" Banta pa nito sa mahinang tinig.

Bakit ba kasi ang aga nya din uuwi? Dapat di ba pag mga boss nalelate umuwi?

Jusko! Wala din naman kasi syang ginagawa sa office nya kasi. Nanonood lang sya maghapon ng movies. Naabutan ko sya nung may ipapacheck ko sa kanya na nanonood lang sya. Nakaangat pa ang paa. Feel at home. Kulang na lang magpalagay ito ng kama doon sa office nito e.

Minsan naman ay pagtritripan nitong ipatawag si Ms. Carmi. Sa tuwing nandito sya palagi nyang sinesermunan yung HR.

May times pa na halos isang oras yata nitong pinagalitan si Ms. Carmi. Jusko! Hindi na makatingin sa amin yung tao nung lumabas. Halatang nahihiya.

Pinagbubuhatan pa siguro nito ng kamay. Kasi nung nakaraan napansin ko na bahagyang namumula yung mga pisngi nung isa nung nabangga ko habang papunta nga kay Van. Pati yata sa may leeg at braso may pasa ito. Namumula din e.

"Bakit ba?" Mahinang sabi ko din dito. Mahirap na. Baka pati ako totoong masaktan talaga. "Isusumbong kita kay Samantha pag sinaktan mo ko. Akala mo palalampasin nun kapag nagsabi ako na sinaktan mo ko?"

Umangat yung kilay ni Van na pasimpleng sinabayan ako sa paglakad.

"Pagbuhulin ko pa kayong dalawa, gusto mo?"

Hmm. Not a bad idea though.

"Kaya mo? Takot ka naman kay Samantha e."

"I'm not scared of her. I'm just trying to return her kindness."

Inilabas ko yung cellphone ko para sana asarin ito. Nagulat na lang ako nang kuhain nito iyon.

"Mamaya ko na ibabalik sayo."

"Hala, trip mo yung cellphone ko? Mumurahin na nga yan."

Tiningnan nito yung lumang de keypad ko pang cellphone. Hindi kasi ako bumibili at nag iinvest sa phone. Nanghihinayang kasi ako sa pera. Halos taon taon naman naluluma at bumababa ang value ng phones.

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon