Chapter 12

20.8K 1.1K 264
                                    

Terry

Masama ang pakiramdam na binuksan ko yung pinto.

There's Samantha in the door. She reeks of alcohol. Pati ba damit nya pinaliguan nya ng alak? Ganyang klaseng tao ba talaga sya?

"Hey, Can I sleep here?" Medyo namumula yung mata nito. Umiyak ba ito?

Inopen ko yung pintuan para makapasok sya. Straight naman sya maglakad.

Mabuti naman. Dahil sasakalin ko talaga sya kung lasing sya tapos nagdrive pa sya papunta dito.

"How's your stomach?" Tanong nito ng makapasok. Nasa kanang balikat nito yung color green nitong gym bag.

"Okay na." Walang ganang sagot ko.

Akala mo pag-aari nya yung bahay na dumiretso sa banyo.

Ilang minuto lang ay may naririnig akong parang may umiiyak. Nanonood kasi ako ng TV sa sala. Tapos yung bahay namin hindi naman malaki. Halos karugtong lang ng sala at kusina yung banyo.

Napatayo ako para puntahan si Samantha pero bahagya naman akong nag alangan. If Sam needs me, she'll ask me. But she didn't. It just mean that she wants to deal on whatever it is on her own. Alone.

Nilakasan ko pa lalo yung volume ng TV kahit pa malapit lang naman yung upuan ko sa tapat niyon. Kahit siguro mabasag ang eardrums ko ayos lang. If she doesn't want me to hear her cries, then I won't.

Nung lumabas si Samantha sa banyo ay bagong paligo na ito. Namumula yung buong mukha pati yung braso at leeg nitong ubod ng puti kaya halata kapag nagbabago ng kulay.

"You can tone down now the volume of the TV. Thank you." Kalmadong sabi nito na hindi naman tumingin sa gawi ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Sanay kasi ako na masungit si Samantha. O kaya naman ay malakas mang-asar. O kaya yung blangkong ekspresyon. But now? I don't know.

"Kumain ka na?" ayun na lang yung nagawa kong itanong sa kanya.

"Yeah. Ikaw? Do you want me to cook for you?"

Umiling ako. "Kumain na ako." I lied.

Totoo naman na kumain na ako ng cup noodles.

Pansin ko na iniiwasan nyang magtama yung mga paningin namin.

"Nakapaghilamos ka na?" Tanong nya.

Napatango naman ako. Iniiwasan ko din na tingnan yung mukha nya. Hindi ko alam kung bakit. Pero nasesense ko na ayaw din nya na makita ko syang ganoon.

"Pwede na ba tayong matulog, Terry?"

Mabilis naman akong tumayo at pinatay yung TV. Ito naman ay dire-diretso lang sa kwarto. Inayos nito yung side ko ng kama. Nilagyan nya ng unan na ginagamit ko. Pati yung kumot ko maayos nyang tiniklop at inilagay sa side ko.

"Gusto mo ng gatas?"

Umiling ito bago tuluyang nahiga ng nakabaluktot para magkasya pati yung paa nito. She's too cute without even trying.

Maging ako man ay napahiga na din sa tabi nito. Nakikiramdam. Bakit pakiramdam ko nalulungkot din ako? Parang tanga naman kasi itong si Samantha e. Nagdadala ng bad vibes sa bahay.

"May masakit ba sayo?" hindi ko napigilan na itanong. Sabi ko na hindi ako kumportable yung kinikimkim lang pag may gusto talagang malaman.

"Yeah."

Napabangon ako na paupo. Saka ko marahang hinawakan yung balikat nya. "Anong masakit sayo?"

"My heart.." She whispered in a low voice. "It's breaking."

Trapped with the Cactus-LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon