❛ ten ❜

3.7K 145 37
                                    




I am now looking my own reflection in the mirror. Mahigpit kong hinawakan ang aking bathrobe. There are time na bigla-bigla na lang pumapasok si Fabian sa kuwarto, lalo na't alam niyang katatapos ko lang mag-bath, at hindi nga ako nagkamali.

Pumasok si Fabian sa kuwarto, dala-dala ang mga face product at lotion ko.

"Here," inabot niya sa akin. Nilagay ko sa table ang lahat ng inabot niya at nagpatuloy sa pagtingin ng aking sarili sa salamin.

"Thankyou," I smiled.

"Wear this," he suggested.

Fabian lent his t-shirt to me. Kita ko agad ang Guerrero sa gilid. Uminit ang pisngi ko at kinuha ang shirt sa kan'ya.

"Talikod," he command.

Tumalikod ako kahit hindi ko alam kung ano'ng plano niya sa buhay. Napairap ako at pilit na iniiwasan na mamula sa harap niya. Ayaw ko nang bumilis tibok ng puso ko dahil feeling ko, naririnig niya, lalo na ngayon na lagi kaming magkalapit.

"Ang bango talaga ng buhok mo," he whispered while sniffing my hair.

Unti-unti kong naramdaman ang pagsuklay niya ng aking buhok. It was filled with gentle and care. Sa paraan ng pagsuklay niya ng aking buhok, masasabi mo na ayaw niya akong masaktan ng kahit ano'ng bagay.

"Bonding with girls daw," pagpapaalam ko sa kan'ya.

I was running out of breath when I felt his touch on my nape. My lips formed into a thin line, pilit na pinapakalma ang damdamin ko. I breathe, then breathe again to have some fresh air.

"Okay, you should bring your dutchmills and yakult with you. I have classes later," patuloy pa rin siya sa pagsuklay ng aking mahabang buhok.

My heart beats faster than its normal beat. Kapag siya na talaga gumagawa ng kahit ano sa akin, natatameme na ako. Gustong-gusto ko siyang gantihan, pero fuck, isang ngiti lang niya, tunaw na tunaw na ako.

"Okay," maikling sagot ko.

After how many minutes, I felt his arms around my waist. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking baywang. He rested his head on my shoulder, sniffing my neck.

"Puwede bang huwag ka na lang umalis?" He asked, using his little voice.

I chuckled. Pigil ang hininga ko nang hinawakan ko ang kan'yang kamay. Huminga ako nang malalim at nagpatuloy sa pag-aayos ng sarili. Kumuha ako ng earrings, ang earrings na naka-assign this day tapos sinuot ito.

"Why are you clingy?"

"I'm not," he baby talked. "Oh, sige na po, basta take care, ha?"

Mahina akong natawa. Hinayaan ko ang kamay niyang mas humigpit pa ang pagkakahawak sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pag-amoy niya sa aking leeg. Nakikiliti ako ngunit inaabala ko na lang sa iba ang aking sarili.

This is hard, really hard for me. I already told myself that I'm in love with him. Kung aakto siya nang ganito sa akin, baka hindi ko maiwasang hindi umamin.

Bago ako umalis, sinuot ko ang jacket niya. Hindi naman niya sinabi, ako ang nagkusa. Feeling ko kasi ramdam ko pa rin ang presensya niya at naaamoy ko palagi 'yong pabango niya kahit saan.

Nakita ko agad sina Bella nang tuluyan akong makapasok ng bar. Mabilis kong nilakad ang distansya nila. Mukhang kanina pa sila umiinom dahil pulang-pula na mukha nila.

"Hoy, bakit ka late?!" Salubong agad ni Devi sa akin.

"May inasikaso lang," ngumiti ako.

"Ulol! Inasikaso, e, si Fabian lang naman 'yon!" Sumabat si Bella.

Umiling ako at uminom ng tequila. Hindi nila ako papaalisin hanggang hindi ako nakakainom. Gusto ko nga sanang mag-juice lang dahil uuwi pa ako sa condo ni Fabian, ayaw kong mag-amoy alak.

"Naka-ready na ba forty thousand mo, Vena?" Melanie asked before drinking her tequila.

Napag-usapan namin sa gc na ako ang mauunang aamin. Actually, naka-ready na ang forty thousand ko. Kaya kami umiinom ngayon ay para magkaroon ako ng lakas ng loob para umamin mamaya. Bukas naman ay si Devi ang aamin.

"Nasa bag," sagot ko, mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa bag.

"Hindi ko alam bakit ko kayo naging kaibigan," sabi ni Devi. "Ang bilis niyong ma-fall."

"Hindi naman mabilis, ah? Ilang months na silang magkakilala at magkasama sa iisang condo. Hindi na maiiwasan 'yon."

"Tingnan mo, jacket ni Gurrero suot niya. Kaya hulog na hulog 'tong gagang 'to, e."

I rolled my eyes and drink again a one glass. Kanina pa kami rito at nagkukuwentuhan. Wala na rin si Bella sa table, mukhang nasa dance floor. Nakailang shots na ako kaya ramdam ko na ang pagkakahilo. I am already tipsy kaya nagsabi na ako kina Melanie na uuwi na ako.

Hinatid nila ako sa labas hanggang sa makapara ako ng taxi. Sila ang nagbayad ng bill ko sa taxi dahil daw mawawalan ako ng pera mamaya. Malakas silang nagtawanan bago ako tuluyang makapasok sa loob ng taxi.

Gabing-gabi na, alam kong nasa bahay na si Fabian. Sa nga sandaling 'to, alam kong kaya kong umamin. Ngitian lang niya ako, aamin na ako.

Nang nasa elevator pa lang ako, alam kong kahit ano'ng oras ay masusuka ako. Nang marating ko ang unit niya, hindi na ako nag-aksaya pa ng ilang segundo. Mabilis akong pumasok at naabutan ko siyang nakaupo, malapit sa pinto. Halatang hinihintay ako.

His eyebrows furrowed. Dahan-dahang umangat ang kan'yang tingin sa akin. Nang makita niya ako, mukhang nawala ang pangangamba sa mga mata niya.

Mabilis niya akong dinaluha at inalalayan papuntang sofa. Gusto nang pumikit ng nga mata ko pero naiisip ko pa rin 'yong napag-usapan naming magkakaibigan. Kinuha ko ang bag ko at binuksan. Nilabas ko ro'n ang forty thousand na cash.

Kitang-kita ko ang pagkalito sa kan'yang mga mata. Inayos niya ang buhok ko. That gesture made my lips formed into a smile. Napangiti rin siya, 'yong kita ang dimple niya, kaya tunaw na tunaw na naman ako.

"This is the forty thousand, Fabian," matapang kong saad, dala siguro ng alak.

"So?" He raised his one eyebrow.

"'Di ba ito 'yong deal natin? Here," inabot ko sa kan'ya ang pera.

Napanguso siya at umiwas ng tingin. Tinabihan niya ako at pilit na sinandal ang ulo ko sa kan'yang balikat.

"Words, Vena. I want your words. Confirm it to me." Mariin niyang sambit.

"Talo na ako! Nahulog na ako! I fell in love!" Mabibilis ang pagbitiw ko ng salita para hindi ako mailang.

Sa sandaling 'yon, parang nawala ang aking pagkalasing. Nakatitig na ngayon sa akin mga mata niyang mapupungay, dala ng antok dahil sa paghihintay sa akin na makauwi.

Inayos niya ang buhok ko at nilagay ang takas ng aking buhok sa likod ng aking tainga. I giggled and smiled. Pinakita ko sa kan'ya na kilig na kilig ako sa ginawa niya.

"Kaya tanggapin mo na 'tong forty thousand, please," nagsusumamong wika ko.

"Should I give you a forty thousand, too?" He said softly.

Naglaro ang pagtataka sa aking mga mata. Tinanggal ko ang kamay niya na nasa aking mukha. I lowered my gaze and played with my fingers.

"Why would you do that?" I asked, almost a whisper.

"Because I fell in love with you, too," then I felt his soft lips on mine.

To Catch A Dream (Architect Series #1)Where stories live. Discover now