❛ thirty-six ❜

4.1K 114 50
                                    




Fabian reminded me that he can't pick me up for tonight. I don't know his reasons. It's okay for me, tho. Maybe he's tired after going in a different places in just two weeks.

I drove slowly, feeling the ambiance as I opened the window of my car. I looked up at the towering buildings, at the luminous city lights. Gustong-gusto ko talaga ng gabi. Iba 'yong pakiramdam, mas nakaka-relax at mas nakakapag-isip ka.

I turned off the car when I arrive at our home. Masaya akong pumasok at gusto ko sanang salubungin si Fabian ng halik at yakap ngunit walang akong nakitang pigura niya. Nilapag ko ang aking bag at nagpatuloy sa paglalakad.

The whole house were clean and shining. I can't see any dirt. I almost slither down as I walked fast. As far as I remember, I didn't clean and we don't have a maid and Fabian's not into cleaning. My eyebrows furrowed in confusion.

Nang ipahid ko ang aking kamay sa nadaanan kong cabinet, wala akong alikabok na nakuha. Nagpatuloy muli ako sa paglalakad at nadaanan ko ang mga damit kong halatang bagong laba at ngayo'y nakatupi na. Mas lalo pa akong nagtaka nang akyatin ko ang aming kuwarto at nakita kong mas umayos ito. Natutop ko pa ang aking bibig nang makita ko ang isang napakalaking frame na may picture ko.

Umiling ako at mas piniling maglinis muna ng sarili. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan si Fabian. Kung nasa labas man siya, ayos lang dahil may oras pa ako para paglutuan siya ng dinner. Nang matapos ko ang lahat, bumaba na ako at pumunta sa kitchen upang paglutuan sana si Fabian ngunit bigla ko siyang nadaanan sa dining room at naghahanda ng mga platito.

"And'yan ka na pala, baby," nakangiting saad niya nang nag-angat siya ng tingin.

"Why are you sweaty?"

"Uh... I did some house chores and uh... tapos ko nang labhan ang mga damit mo. Tapos ko na ring maglinis ng lahat at nag-grocery pa po ako. Nag-design na rin po ako ng kuwarto natin..." Hindi makatinging sambit niya sa akin.

"And why did you do that?" Nanliit ang aking mga mata.

"I miss you so... I distracted myself by doing chores. I don't want to bother you while you're working," he answered.

"If that's the case, I'll hire a maid to do that, then. This is your break, Fabian. Bukas, nasa trabaho ka na naman. Hindi ka na nagpapahinga."

"No! I mean, puwede namang wala ng maid. Kaya naman nating magtulungan dito, e. I love you, baby, kain ka na," he smiled sheepishly.

Marahan akong tumango at umupo sa kan'yang harap. Pansin kong kanina pa siya patingin-tingin sa akin at hindi mapakali sa kan'yang kinauupuan. I raised and eyebrow and he looked away.

"What's the problem?"

"My mom told me to invite you in our house," he said.

"O, bakit parang kinakabahan ka, e ayan lang pala?"

"Baka kasi hindi ka pumayag."

"At bakit naman hindi? Ano ako, boba?"

"Puwede naman," sagot niya. "Just kidding. S'yempre, dahil sa nangyari noon."

"Ano'ng akala mo sa akin? Hindi maka-move-on?"

"Oo, sa akin nga, hindi ka naka-move-on, e," he smirked.

"Ulol," I answered.

Oo nga naman, hindi nga kami nagkaroon ng closure ng Mommy niya pagkatapos no'ng sa Amorè. Alam kong nag-aalanganin pa rin si Tita Fiona dahil tingin niya ay galit pa rin ako sa kaniya, and I can see that Tita Fiona is a strong and a good woman. May mga nangyari lang talaga kaniya noon at nag-conclude agad ako ng mga bagay-bagay not knowing the real reasons behind it.

To Catch A Dream (Architect Series #1)Where stories live. Discover now