❛ twenty-eight ❜

4K 106 32
                                    




"God, I am really nervous!" Melanie yelled while someone is doing her make-up.

Today is her big day, the day she waited for a long time, the day that she will treasure forever.

I smiled while taking pictures of her. Devi was sitting beside her, looking at her with her teary eyes because she can't accept the fact her bestfriend would married Sheal. Bella, on the other side, was smiling because she can't believe that Melanie's the first one na ikakasal sa aming apat.

"After all those tears, pain, struggles, kay Sheal ka pa rin pala bumagsak!"

"Drama drama ka pa noon, siya rin naman pala makakatuluyan mo."

"S'yempre, hindi naman kasi ako sigurado kung ano 'yong nararamdaman niya sa akin noon. Nakakainis din kasi sa sobrang friendly niya, hanggang friend lang din talaga tingin niya sa akin noon," natawa si Melanie.

"Gago ka, Vena, ikaw rin naman susunod dito! Lapit na nga kasal niyo ni Fabian, e. Kumusta kayo?"

Umiling na lamang ako at iniwasan ang kanilang tanong. After that day, hindi pa rin nagpapakita sa akin si Fabian. I remember, he doesn't have my number so paano niya ako mate-text para malaman ko kung nasaan siya?

"Sabi ni Sheal, marami raw talagang project si Architect Guerrero kaya busy'ng tao 'yon. Noong bago pa lang siya sa trabaho niya, ang dami raw agad kumuha sa kan'ya abroad kaya nga bigtime na 'yon ngayon, e!"

"Big time naman pala mapapangasawa mo, Venus, e! Hindi ka na lugi!"

"Malamang, si Fabian 'yong lugi sa kan'ya!"

Tinapon ko sa kanila ang plastic bottle na ininuman ko kanina. Tinawanan lang nila ako at binaling ulit ang atensyon kay Melanie na kanina pa kinakabahan. I looked at my wrist watch and smiled when I saw that it is already time.

"Oh my God! Asawa ko na si Sheal! God, ito talaga hinihintay ko, e! Isipin mo, crush ko noon, asawa ko na ngayon!" Pag-iinggit niya kina Devi na napasimangot sa kan'yang sinabi.

"What took you so long? I waited you for three hours," sinalubong ako ni Fabian nang makalabas ako.

"Wala ka na ro'n."

"Please talk to me," aniya. Hinawakan niya nang mahigpit ang aking kamay upang mapigilan ako sa paglalakad.

"Ano ba, Fabian? Alam mo, napipilitan lang ako sa 'yo, e! Hindi naman talaga kita dapat kasama rito kung hindi lang sinabi ni Mommy!"

"Bakit ba mas tumigas ang ulo mo, Venus? Ayan ba ang nagagawa ng mga lalaki mo sa 'yo?" Dumilim ang kan'yang aura with the sudden mention of my boys.

"The fuck! Wala ka na nga ro'n! At saka ano'ng lalaki? Tangina, ikaw nga nanakit dito tapos gan'yan pa ugali mo! H'wag mo nga akong pakialamanan dahil wala naman akong pakialam sa 'yo!"

"But I care for you so you can't do anything about that!"

"At ngayon ka lang ulit magpapakit? Bakit, naghahanap ka ng thicc thighs?" I raised an eyebrow.

His lips parted in amazement. He brushed his lips with his hand and looked at me with his amuse eyes. Mukhang natutuwa ito habang pinapanood ang aking reaksyon.

Sa sobrang inis ko ay naglakad ako papalayo sa kan'ya. Ni-ready ko ang aking sarili at ang aking cam dahil ilang minuto na lang sa ngayon ay maglalakad na si Melanie papuntang altar.

Buong kasal ay nakatingin lang ako kay Melanie na maluha-luha. Kahit naman ako, hindi na ako nag-expect na magugustuhan siya ni Sheal dahil paulit-ulit niyang pinaliwanag kay Melanie na hanggang kaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay. Who would have thought na si Sheal pa ang mas mababaliw? Nag-propose agad tapos kasal din agad.

To Catch A Dream (Architect Series #1)Where stories live. Discover now