❛ twenty ❜

3.7K 113 23
                                    




Hindi na namin pinag-usapan pa ang ginawa namin last time and luckily, walang ilangang naganap, instead mas pinrove niya pa ang kan'yang sarili sa akin.

This is already the day that I've been waiting for a long time. I am going to meet Fabian's Mom for the first time. Kanina pa ako namimili ng mga jewelries na aking susuotin. Kaunting ayos na lang, puwede na kaming umalis nina Mommy at Daddy.

Of course, my parents are preparing, too. I am their princess. Kinikilala talaga nila ang mga lalaking humahawak sa akin at s'yempre, lagi kong nakukuwento sa kanila si Fabian kaya mas naging curious sila kung sino ba talaga ang boyfriend ko.

"Ma'am Vena, pinapatawag na po kayo ng Daddy niyo," ate Lenna spoke behind the door.

"Yes, ate, tell them na pababa na ako," I answered at kinuha ang aking purse na nakalapag sa aking kama.

I tried my best to hide everything from my parents. I am very open to them pero iba na 'to. Kailanman ay hindi ko sasabihin kay Mommy na nakuha na ang aking iniingatan. Hindi ko alam kung ano'ng kayang gawin sa akin ng magulang ko pero alam kong matindi ang ipapataw na parusa sa akin.

Kasalanan ko rin naman. Hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa akin. Bakit ba kasi gano'n ako kadaling bumigay kay Fabian?!

"Hello, Mom. Hi, Dad." I kissed their cheeks before putting my arms on their arms.

My Dad guided me as I entered our car. Gano'n din ang ginawa niya kay Mommy kaya lihim akong napangiti. Even if nasa edad na sila, their love for each other is still the same.

Sinabi ni Daddy ang location ng restaurant na kung saan kami dapat ihatid. My Mom kissed my cheek as I played with her fingers. I am still their baby. Lumaki lang ako, pero ako pa rin 'to, 'yong inaalagaan nila noon.

The car was filled with our voices and laughters. Hindi sana matatapos ang usapan namin nang magsabi ang driver na nandito na kami. Pinaggigitnaan ako nina Mommy at Daddy kaya si Dad ang unang lumabas, sunod ako at si Mom.

Fabian texted me a while ago na nandito na siya, together with his Mom. Hindi makakarating ang kan'yang Dad dahil may importanteng gagawin kaya ang Mommy lang niya ang nakapunta.

"Good evening. Uh... I believe nagpa-reserve si Fabian Guerrero rito," nakangiti kong sambit sa nag-approach sa amin.

Sandali siyang may tiningnan at agad-agad na umangat ang tingin niya sa amin. Mukha siyang naalerto kaya mabilis siyang may tinuro.

"This way po," she guided us.

And then, after a few minutes, I saw my boyfriend, looking so hot and freaking gorgeous with his clean hair, nice outfit, and his beautiful orbs that landed on me.

He pouted his lower lip and smiled widely when he saw me. Kinalabit niya ang kan'yang Mommy at tinuro kami. Mabilis kaming umupo ngunit napansin ko na parang natigilan ang kan'yang Mommy nang makita kami.

"Good evening po," I smiled so I could catch her heart.

"Oh, you didn't tell me na Ocampo ang girlfriend mo, anak," mapait na wika ng kan'yang ina na titig na titig kay Mommy.

Both of my parents stiffened. I didn't know why ngunit mas pinili ko na lang abalahin ang aking sarili sa pagpili sa menu. I didn't eat dinner so probably, I am really hungry right now.

Ako na rin ang namili para kina Mommy na tahimik lang din sa aking tabi. The atmosphere was really awkward so I decided to cut the silence between us.

To Catch A Dream (Architect Series #1)Where stories live. Discover now