❛ seventeen ❜

3.6K 113 12
                                    




Fabian is still sleeping beside me. I stared at him in amazement while cupping his face. He looks like a baby. Sobrang kinis ng mukha, 'yong tipong hindi mo kayang pintasan na pangit siya. Ang haba ng kan'yang pilikmata, ang tangos ng ilong, and his sexy lips that I want to kiss every minute.

He is perfect in my eyes even though he has flaws and mistakes. I love every part of him, including his soul. Siguro, gano'n talaga kapag in love ka, 'no? Magiging mababaw ka na lang. Siya lang, sapat na.

I stared at his face again. Bahagyang nakanganga ang kan'yang bibig. Halatang pagod siya dahil inabot siya nang madaling araw kakagawa ng kan'yang mga plates. Ako pa nga ang naglinis ng kalat niya sa sala. Sa sobrang pagod niya, hindi na niya nakayanang maglinis kaya natulog na lang siya sa tabi ko.

"Good morning," napapaos ang kan'yang tinig.

Dahan-dahan niyang minulat ang kan'yang mga mata at agad na umiwas ng tingin sa akin. Naalipungatan siguro siya dahil ramdam niyang may nakatitig sa kan'ya. Napangisi ako at mas tinitigan pa siya. Sinuklay ko ang kan'yang buhok gamit ang aking mga daliri at hinalikan ang kan'yang kanang pisngi.

"I cooked a breakfast for us," I said sweetly.

"Go out, Vena. I will take a bath first." Pumikit ulit siya at mahina akong tinutulak.

I chuckled. Tinakpan niya ang kan'yang mukha ng comforter at hindi ako pinansin. Mas lumakas ang tawa ko dahil sa inaakto niya.

"Okay, bilisan mo! Ma-microwave ko lang muna pagkain natin!" Saad ko nang lumabas ako.

I tied up my hair into a messy bun. I am wearing Fabian's shirt na hanggang taas ng tuhod ko. Naka-short ako ngunit hindi halata dahil sa haba ng kan'yang damit. It his what he wants. Gustong-gusto niyang nakikita niya akong suot ang kan'yang mga damit.

Minicrowave ko ang aming pagkain at hinanda sa mesa. Hindi rin nagtagal ay lumabas siya habang pinupunasan ng towel ang kan'yang buhok. He quickly walked towards me and gave me a long kiss on my lips.

"You are so beautiful, Venus. Will you be my wife?" He whispered as he planted soft kisses on my neck.

"Maaga pa, Fabian. Let's eat first," saway ko sa kan'ya.

"But I am eating already," malalim at buo ang kan'yang tinig.

"Fabian!"

"Okay, okay. Kakain na po."

He chuckled and sat on his chair. He sipped at his tea before looking at me. He wiggles his eyebrows. I blocked his view and told him to focus on his food. Ang hirap hirap pigilan ng mga bagay bagay kapag siya ang kasama ko.

"How was your school?" I asked, breaking the silence between us.

"It was fine.... oh, you know what," parang may naalala siya kaya nilapag niya ang mga kubyertos. "Someone confessed her feelings for me. I told her I have a girlfriend and her name is Venus Ocampo. Hindi ko alam, bigla siyang kinilig sa name mo and she asked for your video greet." He rambled.

I laughed out loud because of his facial expression. Nagtataka siya kung bakit gano'n ang nangyari, na mas kinilig pa ang babae sa akin kaysa sa kan'ya.

"Oh, maybe one of my viewers in YouTube," I answered.

"What do you mean?" He asked in confusion.

"I am a vlogger," maikling sagot ko. "Baka isa siya sa nanonood ng video ko."

"Oh, so that explains everything. I heard you talking by yourself. Akala ko nababaliw ka or nagre-reflect. Hindi ko nakikita 'yong camera, e," he chuckled.

To Catch A Dream (Architect Series #1)Where stories live. Discover now