❛ twenty-four ❜

3.5K 109 23
                                    




"See? I bought this for him. Hinanda ko lahat 'to para sa kan'ya," I showed them the three paper bags that I bought for Fabian. I smiled looking at the bags, thinking na magugustuhan 'to ni Fabian.

"Stop it, Vena. Wala na kayo ni Fabian!" Inilayo ni Melanie ang mga paper bags sa akin at dinuro ako. Lahat sila ay nakapalibot sa akin. Alam din nila kung ano'ng nangyari sa condo ni Fabian.

"What the hell? I am going to visit him! Give it back!"

"Wala na kayo! Break na kayo! Will you please stop doing that? Wala na ngang pakialam sa 'yo si Fabian, e!"

"No, he didn't mean it. Baka nagbibiro lang siya no'n dahil nadala siya ng Mommy niya. Kilala ko siya, hindi niya ako kayang gano'nin," humina ang aking boses.

"Pero nagawa niya! Please, stop doing that to yourself, Vena. Please," she held my hand and squeezed it.

"Fabian needs me. Hindi niya sinasadya 'yon. Alam kong mahal niya pa ako... na hindi siya nakipaghiwalay sa akin. . ." Bumilis ang aking paghinga at paulit-ulit akong umiling.

Hindi, hindi siya nakipaghiwalay sa akin. Hindi... 'yon totoo.

"What the fuck, Venus?! Gusto kitang sabunutan sa katangahan mo, e! Hindi na 'yon dahil sa Mommy niya! Nakipaghiwalay siya sa 'yo dahil ayon ang choice niya! May choice siya sa lahat ng bagay pero mas pinili niyang makipaghiwalay sa 'yo!" Devi looks annoyed.

"Stop, Vena. You are losing yourself. You are not the Vena that I used to know. Just, please stop. Bumitiw ka na. Bumitiw na siya sa 'yo," Bella pulls me closer to him and rested my head on her shoulder.

"No, stop telling me what to do! We can still fix this! Kaya pa naming pag-usapan 'to!" Pinilit kong tumayo at kunin ang paper bags na nasa likod ni Melanie. Wala na siyang nagawa nang matalim ko siyang tinitigan.

"Fine, kapag umiyak ka ulit, isa-isa naming sasampalin si Fabian. Now, go, Vena. Pumunta ka kay Fabian," malumanay niyang sinabi sa akin. She looked at Bella and tilted her head.

"Nasa Xylo sila nina Gener. Do you want us to go with you?" Bella asked softly.

Bahagya akong umiling at tumayo nang walang pag-aalinlangan. Nakatingala silang lahat sa akin at hinihintay kung ano ang susunod kong gagawin.

"You can go with me pero kapag and'yan na si Fabian, huwag niyong paiiralin mga emosyon niyo."

They smiled and get their purse before pulling me outside my condo. Kay Melanie na sasakyan ang aming ginamit at siya ang nag-drive papuntang Xylo at the Palace. Tahimik lamang sila habang nakatanaw sa bintana. Kahit na hindi nila ipahalata, alam kong tinitimbang nila kung ano ang magiging reaksyon ko.

I gripped the three paperbags while thinking of Fabian. Hindi naman talaga dapat ako mag-aagree roon sa sinabi niyang maghiwalay na kami. Nag-agree lang ako dahil nadala ako ng emosyon ko.

Pero baka maayos pa. Baka madaan pa sa maayos na usapan.

I can't lose him. I can't lose my baby.

"Brace yourself, Venus," Devi shouted before going out when Melanie stopped her car.

I looked around the place. Kahit sa labas ay rinig na rinig ang malalakas na tugtog. Hinawakan ni Bella ang aking braso at iginiya ako papasok. Halos takpan ko na ang aking tainga nang tuluyan kaming makapasok.

Of course, I am still not yet okay. Umiyak ako buong gabi so I am mentally and emotionally tired. I am still weak but hey, I am trying for Fabian.

"Ando'n sila," bumulong si Bella malapit sa aking tainga habang tinuturo sina Gener na hindi kalayuan sa amin.

Likod ni Fabian ang tanging nakikita ko, habang sina Gener at 'yong dalawa ay sinasabayan siyang uminom. Kumikirot ang aking dibdib habang lumalapit sa kanila. Pilit kong winawaksi kung ano ang nakita ko.

At nang makalapit na kami, hindi na ako nagsayang pa ng isang minuto para lumapit sa kan'ya. Pumunta ako sa kan'yang harap at hindi inalintana ang babaeng nasa kan'yang tabi. Fabian is holding her thighs but I don't care. As long kaya pa naming ayusin 'to, hindi ko na iisipin 'yong mga gan'yan.

Besides, it is just a thigh.

"Fuck," I heard my friend's cussed under their breath.

"What are you doing here, Vena?" Dumilim ang kan'yang aura at mas lalo pang itinaas ang kamay niya na nakapatong sa hita ng babae.

I looked away and bit my lower lip. Mas lalo ko pang tinatagan ang aking sarili. This is for us. This is for our relationship. This is for Fabian.

"I j-just want to give you this," I stammered. My knees tremble as I looked again at his eyes. Matalim ang kan'yang titig sa akin na para bang ayaw niya na akong makita.

"Bakit pa? Vena, nag-usap na tayo! Wala na tayo!"

"No! You didn't mean it! Nabulag ka lang sa sinabi ng Mommy mo. Right, baby? 'Di ba hindi mo naman talaga gustong makipaghiwalay sa akin? 'Di ba? Right, Fabian?" I said, almost a whisper. My voice had weakened as I heard myself begging for his reassurance and love.

"I mean it! Please, leave me alone, Vena. And I don't need that. Ilang beses ko pa bang sasabihin sa 'yo na hiwalay na tayo? Ano pa bang gusto mong marinig, Vena? Na hindi na kita mahal?" He flicked his tounge in annoyance.

"Vena," rinig kong tawag sa akin ni Melanie, nagbabanta ang kan'yang boses.

Tears rolled down on my face. Nahihirapan akong humihinga habang paulit-ulit na pinapalis ang aking luha.

"No! Kaya pa nating ayusin 'to, Fabian! Bakit ba ayaw mong kumilos? Bakit ba bumitiw ka nang gano'n gano'n lang?!"

"Vena, please, I am begging you. Huwag mong putulin ang pasensya ko," he looked away and whispered something to his slut kaya napaalis ito.

"I don't need you anymore. I don't... want you anymore. Hiwalay na tayo kaya tantanan mo na ako." His voice cracked ngunit mabilis niya ring naayos 'yon at hindi pinahalata.

"We can still fix this, baby. Just tell me you love me, and I will welcome you in my life again. Please, baby. Kahit bawiin mo lang sinabi mo, Fabian, kahit... huwag ka nang gumawa ng effort sa akin, basta huwag mo lang akong iwan. . ." I begged.

"Venus Arleth!" Nangangailiti na sa galit si Melanie at gusto na akong hilain ngunit pinigilan siya ni Bella at may ibinulong.

"You are smarter than this! You are not this stupid! Ayaw ko na, Vena. Hindi na ako masaya sa relasyon natin! I can't breathe properly when you are around! I am not happy with you anymore!" Napatayo na siya dahil sa inis. Kitang-kita ko ang pamumula ng kan'yang tainga. Nagsilabasan din ang kan'yang mga ugat sa kan'yang leeg.

"At ano pa bang hindi malinaw sa 'yo? Nag-usap na tayo, 'di ba? Napag-usapan na natin 'to, 'di ba? Na wala na tayo! Na tapos na tayo! And it is not because of my mother, huwag mo nang idamay si Mommy because this is what I want! Ang makipaghiwalay sa 'yo because I don't want you anymore! Get me, Vena?" Dagdag niya sa kan'yang huling sinabi na tuluyang nagpahina sa akin.

"Luh, putangina," rinig ko ulit sa mga kaibigan ko.

Mariin akong napapikit at mahigpit na hinawakan ang paperbags na kanina ko pa hinawakan. Huminga ako nang malalim bago ko imulat ang aking mga mata.

There, I saw the man who used to love me before. Ang lalaking hindi ko inakala na iiwan ako sa isang mababaw na dahilan. Mababaw para sa akin dahil the last time I checked, mahal na mahal niya pa ako! Tapos nagising na lang ako na hindi na ako ang kailangan niya?!

"Oh, putangina mo! Bili-bili pa ako ng mga smart pencils at ilang mga gamit ng archi student, pero hindi mo naman ako babalikan!" Tinapon ko ang tatlong paperbags sa kan'yang mukha at nagsenyas sa mga kaibigan ko na aalis na kami.

"Very good, Vena! Serves you right, jerk!"

To Catch A Dream (Architect Series #1)Where stories live. Discover now