❛ thirty-eight ❜

4.1K 90 18
                                    




"Pagpasensyahan mo na, Vena, kung hindi mo nakita si Arman sa pamamalagi niyo rito. Hindi ko rin kasi alam kung nasaan siya at bakit hindi pa nakakauwi..." Umiwas ng tingin si Tita nang sabihin ang huling pangungusap.

Hinawakan ko ang kan'yang kamay at marahan na hinagod iyon. I can clearly tell that she is sad, and hoping for a husband's affection but Tito failed as a husband. Ngumiti ako at dahan-dahang iniling ang aking ulo. Nasa likod ko si Fabian na hinihintay ang pag-uusap naming dalawa ng Mommy niya.

"Ayos lang po 'to sa akin, Tita. Mas masaya naman po kapag kayo ang kasama," nakangiti kong saad.

She shook her head. "Sige na, umuwi na kayo. Baka gabihin pa kayo sa daan." Wika niya.

Hinalikan ni Fabian ang pisngi ni Tita kaya ginaya ko rin siya. Nag-beso pa kami bago kami tuluyang makaalis. Si Ate Farveen naman, umalis dahil may kikitain daw siya sa mall. Hindi ko nga lang narinig nang maayos no'ng nagpaalam siya kay Tita Fiona. Naibigay ko na rin sa kanila ang aking mga regalo at alam din ni Ate Farveen na ngayon kami aalis kaya binigyan niya ako ng mga new ribbons.

"Ingay kayo, Fabian. Ingatan mo 'to si Vena. Kapag may nangyari, ako pa manggugulpi sa 'yo," pabirong wika ni Tita habang nakatanaw sa amin.

"Siyempre, iingatan ko 'to! Wala nang magpapainit sa akin kapag nawala siya. 'Di ba, Mommy?" Natatawang saad ni Fabian.

"Oh, ramihan niyo!"

Dinaan ko na lamang sa tawa ang lahat. Tahimik lang din naman ang biyahe dahil sinabi ko kay Fabian na huwag niya akong guguluhin dahil nakikinig ako ng mga kanta ng The 1975. Dinig ko rin ay magri-release sila ng new album this friday kaya nakaka-excite talaga!

"Baby, kain ka muna, please," Fabian said, naglahad siya ng minute maid at krispy kreme sa akin na binili namin kanina.

"Okay," I answered.

Mukha akong tanga habang nakatanaw sa bintana at kumakain ng mga pinamili namin kanina. Minsan ay sinusubukan ko pa si Fabian dahil gusto niya magpa-baby at saka nagda-drive siya. Umiirap ako kapag nahuhuli ko siyang kinakagat ang aking mga daliri at sinisipsip ito.

"Ano ba 'yan, Fabian! Calm your etits!"

"Ayaw mo kasi ako pagbigyan, e," he baby talked and pouted his lower lip.

"Pagbibigyan kita kapag nanahimik ka!" Iritadong sigaw ko.

Inabala ko ang aking sarili sa twitter. Tweet lang ako nang tweet ng kung ano-anong thoughts ko hanggang sa sabihin ni Fabian na nasa bahay na kami. Agad niya akong dinaluhan nang mai-park niya ang kan'yang kotse upang mayakap ako nang mahigpit.

"O, baby, nag-behave ako. Nasa'n na 'yong pagbibigyan mo ako?" Parang batang tanong niya sa akin.

"Kapag nag-behave ka ulit," sabi ko at tinulak siya palayo sa akin. Mabilis ko siyang tinalikuran at umakyat papunta sa aming kuwarto.

Tinanggal ko agad ang aking earrings at sandals. I tied up my hair into a messy bun and ordered Fabian to open the aircon. Nagpapaypay ako sa aking sarili nang pumunta siya sa harap ko at nagpapansin na naman.

"Sinunod ko na nga po utos mo, e," nakangusong sabi niya.

"Oh, ano'ng gagawin ko? Kasalanan kong uto-uto ka?"

"Baby naman..." Mas humaba ang nguso niya at nilapitan ako. Nagulat na lang ako nang makita ko ang sarili ko na nagpapatianod sa kan'yang mga mapupusok na halik.

To Catch A Dream (Architect Series #1)Where stories live. Discover now