❛ thirty-nine ❜

4.1K 114 46
                                    




Nakasimangot ako buong-araw habang nakatingin sa mga kaibigan kong nasa harap ko. Ang ingay nila at nagtatawanan. Kararating lang kasi nina Melanie galing Greece dahil doon sila nag-honeymoon ni Sheal. Hindi ko alam kung nag-sex na ba sila. Sa itsura kasi ni Melanie, parang in-enjoy niya ang lugar.

Kanina pa nila ako inaabutan ng beer ngunit hindi kinakaya ng sikmura ko ang amoy.

"Alam niyo, ang papangit niyo. Nakakairita 'yang pagmumukha niyo lalo na 'yang mga boses niyo. Sobra kayong nakakairita kasi ewan ko, ang pangit niyo lang," I said nonchalantly.

Nalaglag ang kanilang mga panga nang tingnan nila ako. Natigil sila sa katatawa at pinanlakihan ako ng mata. Tinapunan ako ni Devi ng isang butil ng popcorn, hinagisan naman ako ni Melanie ng unan, si Bella naman, busy sa kan'yang phone.

"Ano ba 'yan?! Hindi ba kayo naliligo? Mukha kayong germs sa paningin ko!" Sigaw kong muli.

"Hayaan mo na 'yan, Melanie, papansin lang 'yan. Siguro nag-away sila ni Fabian kaya sa 'tin niya binubuhos 'yong galit niya," umiirap sa wika ni Devi.

"Feeling 'to, porket inaayos na ni Fabian 'yong VA Ocampo niya. 'Kala mo talaga kung sino. Sino ka ba, ha? Bestfriend ba kita?" Pabirong tanong sa akin ni Melanie at hinagisan ako muli ng unan.

"Umalis nga kayo–" Naputol ang aking sasabihin nang bumaliktad ang aking sikmura.

I felt like I wanna vomit. Nanginig ang aking mga tuhod kaya tuluyan akong napasalampak sa tabi ni Bella. Mabilis akong dinaluhan nina Melanie at inayos ang damit ko.

"Hoy, Vena! Please, h'wag kang susuka rito!" Takot na takot na sigaw ni Melanie.

Halos hindi ko na marinig ang kanilang sinasabi nang magsuka ako. Nakaramdam ako ng luha sa gilid ng aking mga mata dahil hindi ko kinakaya ang aking nararamdaman. Nakatitig lamang si Bella sa akin at paulit-ulit na hinahagod ang aking likod. Sina Melanie at Devi naman ay parang hindi alam ang gagawin.

"Bakit hindi ka nagsabi na masama pakiramdam mo?" Natatarantang tanong sa akin ni Melanie.

"Hindi naman masama pakiramdam ko. Bigla lang akong nagsuka dahil sa kapangitan niyo!"

Iniwan ko sila at naghilamos. Hinang-hina ako habang nakatingin sa salamin. Maputla ang aking labi at malalim ang aking mga mata. Epekto na siguro 'to ng trabaho dahil hindi ako mas'yadong nakakatulog nang maayos nitong nagdaang-araw. Ganito rin ang nangyayari sa akin pero hindi ko sinasabi sa kanila.

Bumalik ako sa tabi ni Bella na kanina pa tahimik. Tinitigan niya akong muli. She opened her mouth to speak pero naunahan siya ni Devi. Si Melanie naman ay tinawag ang kanilang maid upang malinisan ang suka ko. Umikot ang mata ni Melanie sa pandidiri.

"Ang wasted, ah! Parang blooming ka pa no'ng huling kita natin!"

"Marami akong trabaho, Devi." Mahinang tugon ko.

"Are you sure, Venus?" Si Bella na nanliliit ang mga mata. "Really, huh? Palagi kang pagod noon sa shoots mo, Vena, pero hindi ka naman gan'yan. Are you sure that you are not pregnant?"

Mabilis na nabaling ang atensyon ni Melanie sa amin. Sakto rin no'n na natapos sa paglilinis ang maid. Umupo siya sa harap namin at mas nilapit ang ulo para maki-chismis.

"Kailan kayo huling nag-sex?" Nakangiting tanong ni Melanie.

"Uh... actually, simula no'ng nakabalik kami galing kina Tita Fiona... uh, gabi-gabi kaming naggagano'n. Maliban kapag hindi siya nakakauwi dahil may project siya sa ibang lugar," mahinang sambit ko.

To Catch A Dream (Architect Series #1)Where stories live. Discover now