❛ twelve ❜

3.6K 131 21
                                    




I wore shades while looking around Antonia Beach. I was really mesmerized by the crystal clear water of the sea and its white sand. I putted sun block on my skin habang hinihintay angmga kaibigan ko.

"Do you want to swim?" Fabian asked, while sitting next to me.

I looked at him and I was mesmerized by his eyes that stared so intently with me. His lips parted and he shooked his head. He did his mannerism, fixing his hair while biting his lower lip. I looked away because he looks hot doing his mannerism.

"Later," I answered.

I heard the loud voices and laughters of my friends. Sila ang pinagtuonan ko ng pansin. Palapit sila rito sa amin, busy pa rin sa pakikipag-usap sa isa't-isa.

"I heard from Melanie na ekis na kayong dalawa sa laro na 'to, bro!" Kunwari'y sinuntok ni Sheal ang balikat ni Fabian. "Matinik talaga 'yang si Vena, kaya nga hindi na ako nagtaka na nahulog ka sa patibong niyan!" Dagdag niya.

All of them laughed, lalo na ang mga kaibigan ko. Sinamaan ko sila ng tingin, ngunit kinalaunan ay sumabay ako sa tawanan nila.

"Buti hindi siya 'yong pinili kong partner," mahinang saad ni Damien na pinaglalaruan ang kan'yang labi.

Fabian quickly stared at him. "Buti na lang talaga," he smirked.

Nag-init ang magkabilaan kong pisngi kaya umiwas ako ng tingin. Bumilis ang pintig ng aking puso. Pilit ko 'tong pinapakalma. Ayaw kong malaman nila na sobrang affected ako kay Fabian.

"Baka kaya na-fall si Fabian sa 'yo dahil hinalikan mo?" Sheal wiggles his eyebrows.

I rolled my eyes and crossed my arms over my chest. My lips parted. Hindi nga ako makakilos nang maayos kapag and'yan si Fabian, hahalikan pa kaya?

"Excuse me?" Mataray kong saad.

"Oh, daan ka na," Sheal smirked.

"Hayaan niyo na 'yan sila, let's swim!" Melanie shouted because of excitement.

All of us agreed. Wala na kaming sinayang na oras at nag-swimming na. Ang ganda sa beach na 'to because you can relax your mind dahil sa ganda ng view, also you can swim all day without the big crowd.

Melanie took a lot of shots of me and Fabian. Ang dami niyang nakuhang shots, minsan ay 'yong hindi pa namin alam. Lagi kasi kaming magkadikit ni Fabi, lalo na't hawak niya ako sa baywang.

"Oh my God!" Tili ni Melanie habang nakatingin sa camera niya.

"What's that? What happened?" Sheal asked her with his worried eyes.

Mabilis siyang nilapitan nina Bella at tiningnan kung ano ang mayro'n sa camera ni Melanie. Nang ipakita ni Melanie sa kanila 'yong nasa camera, napatili rin silang lahat at tiningnan ako nang may ngisi sa kanilang mga labi.

Lahat sila ay nilapitan kami. Dala-dala pa rin ni Melanie ang kan'yang cam at nang marating niya ang puwesto namin, pinakita niya sa akin ang picture, ang picture naming dalawa ni Fabian habang titig na titig sa isa't-isa at 'yong kamay ko ay nakapulupot sa kan'yang batok.

I blushed while looking at our picture. Napangiti rin si Fabian na nasa gilid ko. Tiningnan ko ang ibang kuha ni Melanie, hindi ko rin maiwasang hindi mapangiti dahil kitang-kita na in love kami sa isa't-isa.

Time flies fast at dumidilim na ang langit. Nasa baba ang boys dahil nagkakasiyahan, habang kaming girls naman ay nasa suite lang, nagpapa-inggitan kung ano 'yong nagawa ng mga partner namin sa amin.

"Si Vena 'yong maganda 'yong lovelife sa atin kaya huwag na siyang pagkuwentuhin!" Angil ni Devi.

I chuckled. Ininom ko ang dutchmill na binigay sa akin ni Fabian kanina. Hindi ko na mas'yadong napapansin ang mga pinagsasabi nila dahil busy ako sa pagkain at sa phone ko. I texted Fabian pero hindi pa rin siya nagre-reply. Nagtataka na ako dahil hindi naman siya ganito.

"Bumaba na tayo," mahinang sinabi ko. Napatingin sila sa akin at nag-agree rin sa sinabi ko.

"Punta tayo kina Sheal, inom din tayo!" Saad ni Melanie.

Nakahawak ako sa braso ni Bella. Hindi ko alam kung saan banda pumunta sina Fabian. Napatingin kami sa kinaroroonan ng mga taong tumatawa dahil pamilyar ang boses.

"Ando'n sila," kalmadong sabi ni Bella.

Dahan-dahan kaming naglakad papunta roon. Nakita ko agad si Sheal na pulang-pula na ang mukha. All of them were already tipsy except Fabian. Mukhang kaunti pa lang ang iniinom niya ngunit hindi 'yon ang napansin ko sa kan'ya. Tumalim ang tingin ko sa babaeng nasa kan'yang tabi, tumatawa habang nakikipagkuwentuhan kina Sheal.

"Sino 'yan?" Takang tanong ni Devi.

"I don't know," mariin ang aking boses na sagot ko.

I am in the verge of leaving them when Fabian saw me. Nakita niya ang matalim kong tingin sa kan'ya bago ako umalis. Mabibigat ang aking paghinga habang tinatahak ang daang papuntang suite.

Bakit siya may katabing babae? Sino 'yon? Ako ba ang naloko rito?

"Vena!" I heard his voice calling my name.

Hindi ko siya pinansin. Mabibigat ang mga hakbang ko kaya rinig na rinig ang aking bawat paghakbang. Pinalis ko ang luha sa gilid ng aking mata dahil sa pag-ooverthink.

"Venus!" He gripped my hand nang maabutan niya ako, sapilitan akong pinaharap sa kan'ya.

"Doon ka na lang sa babae mo!" Sigaw ko. "Kaya pala hindi ka nagre-reply dahil busy ka sa babae mo!"

Humigpit lalo ang hawak niya sa akin nang subukan kong kumawala sa kan'yang hawak. Umigting ang kan'yang panga at namungay ang mga mata. He looked up at kitang-kita ko ang pagbaba-taas ng kan'yang adam's apple.

"Bitiwan mo nga ako!" I pushed him hard.

"She's Reeva, Vena. No need to worry because she's my cousin," mahinahon niyang sambit sa akin.

Hindi pa rin no'n napakalma ang damdamin ko. Mas lalong umusbong ang aking emosyon. Malakas ko pa rin siyang tinulak dahil ayaw ko nang hinahawak niya ako, parang napapaso ako!

"Oo nga, ano'ng karapatan ko, right? Umamin ka lang naman eh! Umamin ka lang! Ni hindi ko alam kung ano'ng status natin!" I gritted my teeth.

"Kaya fine, okay lang sa akin na mangbabae ka! Walang pipigil sa 'yo!" Sigaw ko.

"She's only a cousin. Tanungin mo pa sina Sheal," hinaplos niya ang aking kamay, sinusubukan na pakalmahin ako.

"Baby, she's only a cousin," he whispered and kissed is the top of my head.

My knees tremble and my lips parted.
Mariin akong napapikit. Sobra-sobrang kuryente ang nararamdaman ko kapag hinahawakan niya ako. My heart beats rapidly and my stomach turned a somersault.

Nang maramdaman niyang huminahon ang katawan ko, mahigpit niya akong niyakap at pinatong ang kan'yang chin sa aking ulo. Paulit-ulit niyang hinahalikan ang aking ulo. Nanindig ang aking balahibo at mas lalong bumilis ang pintig ng aking puso.

"If it is still not obvious to you, I am courting you. I am doing those because I am courting you," he whispered softly.

To Catch A Dream (Architect Series #1)Where stories live. Discover now