❛ forty ❜

4.9K 118 25
                                    




"Damn it, Vena! Devi is nowhere to be found!"

Nagulat ako nang sumigaw si Melanie no'ng nanonood ako sa sala. Malaki na ang aking tiyan at malapit na akong manganak kaya sila ang bumibisita sa akin. Si Melanie, may isang anak na sila ni Sheal at babae pa kaya mas lalong sumasakit ang ulo ng asawa niya.

"Ano? Bakit? Nasa'n ba siya?" Hininaan ko ang TV at nahihirapan akong tumayo.

Si Fabian ay nasa trabaho pa. Ako naman, tamang check lang ng reports and updates sa aking laptop. Si Mommy muna ang nag-aasikaso ng aking trabaho, lalo na sa VA Ocampo ko. Yes, mabilis na umangat ang aking VAO dahil na rin sa ganda ng quality ng aking mga products.

"'Yong gaga, tumawag sa akin! Hindi ko alam kung ano'ng problema pero mukhang sa Daddy niya tapos narinig ko na lang, nakarinig ako ng busina!" Her lips shiver as she tried to explain me everything.

Magsasalita na sana ako ngunit nabaling ang aking atensyon sa kapapasok lang na si Bella. Tinanggal niya ang kan'yang trench coat at umupo sa aking harap. Hinawakan niya muna ang aking tiyan at lihim na napangiti nang maramdaman niyang nag-respond ang baby ko sa kan'ya.

"Bilis talaga ni Fabian," bulong niya sa kan'yang sarili.

"Anyway, may nagsabi sa akin na muntik nang madisgrasya si Devi. Buti na lang talaga at muntik lang 'yon. May kasama kasi siya pero siya ang nagda-drive," sabi ni Bella.

"Sino?!" Pasigaw na tanong ni Melanie.

Hinawakan ko ang balikat ni Melanie at pilit siyang pinapakalma kahit na alam kong kinakabahan siya at nag-ooverthink na kung ano ba ang nangyari sa kaibigan namin.

"Hindi ko kilala pero lalaki," maikling sagot ni Bella.

"Lalaki?" Nanlalaki ang aking mga mata na tanong ko. "Si Damien? Nagkabalikan na sila?" Natutop ko ang aking bibig sa nalaman.

"Siguro, but don't worry about her anymore. Sabi niya, saka raw muna siya magpapakita. Gusto niya raw mapag-isa kaya kumalma ka na, Melanie," mahinahong sinabi niya.

"Bakit hindi niya ako tinawagan?! Bakit ikaw lang?!" Nagseselos na tanong ni Melanie. "Putanginang Deviana 'yan," mura niya.

Nasapo ko ang aking noo at parang gusto ko na lang matulog buong-araw habang yakap-yakap ako ni Fabian. Gusto ko siya i-kiss, pisilin, yakapin, lumuhod and give him a blow... but of course, it is a joke.

"Kasi gan'yan ka mag-react. Hindi ka niya tinawagan dahil kailangan niya ng peace of mind. Hayaan mo muna siya, Mela," wika niya.

"Sana tinawagan man lang niya ako!" She crossed her arms iver her chest at padarag na umupo sa couch.

"Okay, anak, let's see each other there," wika ni Mommy nang halikan niya ang aking pisngi.

Maayos na napag-usapan namin ni Fabian 'to. Sa totoo lang, ayaw niya pa no'ng una kaso dahil mapilit ako, hindi rin niya ako natiis. I want to live away from this country. Not because hindi ako makabansa. I just want to raise my children in a different way.

We will stay in Denver for good. Mamaya na ang flight namin kaya nakahanda na rin ang mga bata. Ang mga gamit namin ay nakaayos na rin. Since Fabian is now a famous and a successful architect, naging madali sa kan'ya ang paggawa ng bahay namin doon. It is because matagal na talaga namin napagplanuhan 'to.

I have a family related sa Denver at dati na rin kaming tumira roon nina Daddy. I asked Fabian about this and it is really okay for him since successful na rin ang VA Ocampo ko. I still can't believe na nakikipagsabayan ang aking VAO sa mga Dior, Zara, Chanel, Louis Vuitton, etc. na mga clothing brand.

To Catch A Dream (Architect Series #1)Where stories live. Discover now