༗ ending

6.7K 199 49
                                    




World is really cruel.

Gan'yan ko mailalarawan ang mundo nang may makarinig na naman ako ng ingay habang nakatanaw sa pamilyar na pigura. My lips shiver. My knees tremble. I am trying hard not to make any noise upang hindi ako mahuli. Kapag nalaman ni Mommy na nakikinig ako sa kanila, hindi lang palo ang aabutin ko. Malalim na ang gabi at gustong-gustong tumulo ng aking mga luha habang nakatanaw sa aking mga magulang na nagsisigawan dahil sa parehong dahilan.

Gabi-gabi... walang araw na hindi sila nag-away at parating parehas lang ang rason ng kanilang away... si Valerine Ocampo– ang mga Ocampo.

The seven years old me was running out of breath as I heard their words to each other. It hurts... it was like, they don't love each other kaya parang gano'n na lang kadali sa kanila ang magbitiw ng mga malalalim at masasakit na salita.

"Ano ba, Fiona? Birthday party nga lang 'yon ng anak niya. Inimbitahan ako ni Valerine na pumunta sa birthday ni Arleth!" My Dad shouted in irritation. Mukhang kararating lang niya at bibig ng aking ina ang sumalubong sa kan'ya.

"Birthday party ba talaga ang pinunta mo o si Valerine na gustong-gusto mo nang makita? Arman, h'wag na tayong maglokohan! Kaya ka nga nangbababae dahil hindi mo pa rin tanggap hanggang ngayon na asawa na ni Luther si Valerine!"

"Alam mo naman pala, e, bakit mo pa pinagpilitan na magpakasal sa akin?"

"Because we have children!"

"I am tired of you, Fiona! Stop bugging me anymore!" Inis na naglakad papuntang hagdan si Dad at hindi na nag-abala pang lingunin si Mommy na halos mapaos na sa katatawag sa kan'ya.

Hindi lang ito ang unang gabi na makita ko siyang umiiyak. Araw-araw, gabi-gabi, palagi kong naririnig ang kan'yang mga hagulgol ngunit kapag kaharap niya kami ni Ate, she's smiling widely... mukhang hindi umiiyak gabi-gabi.

Naaalala ko pa noon, kararating ko lang galing eskuwelahan nang makarinig ako nang malakas na pagbasag ng mga babasaging gamit sa bahay. Nataranta na ako at nilapag na lamang sa kung saan ang aking bag para tingnan kung ano ang nangyayari sa loob.

At eto, naabutan ko na naman si Mommy at Dad na nag-aaway. Pulang-pula ang mukha ni Mommy dahil sa galit. Her eyes were bloodshot. Halatang kanina pa pinipigilan ang pag-agos ng kan'yang mga luha. Bumaba ang aking tingin at nakagat ko nang mariin ang aking pang-ibabang labi nang makakita ako ng dugo roon.

"Ano pa ba, Arman? Ano pa ba'ng kulang? Ano pa ba gusto mo para hindi ka na mangbabae? Ano pa ba, ha?! May mga anak tayo! Lagi ka na lang bang uuwi na si Valerine ang bukambibig?!"

"Putangina, Fiona! Nakakarindi ka! Demand ka nang demand! Tinutustusan ko naman kayo nang maayos!"

"Nakita mo 'yan, Arman?!" Tinuro ni Mommy ang nabasag na glass. "Gan'yan... gan'yan 'yong puso ko! Binasag mo na nga, dinurog-durog mo pa!"

Mas lalo akong nanghina nang umiyak na naman si Mommy sa harap ni Daddy ngunit parang wala lang iyon kay Dad. Gustong-gusto kong sapakin si Daddy pero fuck, tatay ko pa rin siya. Siya pa rin ang sanhi kung bakit ako nandito. Siya pa rin ang dahilan kung bakit maayos ang buhay namin ngayon.

"H'wag na h'wag kang lalapit sa mga Ocampo, Fabian! Kita mo 'tong babaeng 'to?" Tinuro niya ang isang babae sa akin na nasa picture frame. "Ito, tangina 'to, e! Siya pumatay kay Francis! Siya pumatay sa kuya mo! Tapos lahat na lang inaagaw niya sa akin!"

"Opo, Mommy. Kahit sino po sa kanila, hindi ko po lalapitan."

"Tangina... sabihin mo nga sa akin, anak, ano ba'ng kulang sa akin? Bakit hindi naman ako ang mahalin nila? Bakit laging hindi ako ang pinipili? Ano pa ba ang kulang sa akin?" She broke down.

To Catch A Dream (Architect Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin