❛ sixteen ❜

3.7K 115 27
                                    




"I really hate playboys!" Devi said while gripping the glass, it is really obvious that she's annoyed.

"Bakit may lalaking gano'n?! Bibigyan ka ng motibo tapos wala pa lang gusto sa 'yo?! Oh, God!" She rambled on about her situation.

We were just watching her, she looks wasted and a mess as of now because of this fvcking Damien. I thought he's a good man or a man that can't hurt someone because he valued them but what did he do to my friend? Hurting her feelings.

"You know what... I gave in. I gave my virginity to him but after that, he became cold and I spotted him kissing random girls," tumawa siya na parang nawawala na siya sa katinuan.

My eyes opened wide in shock. I really can't believe that she reveals it just like that! Fuck it, it is her virginity! I shrugged my shoulders. Well, it is her life, it is her choice. Maybe, she really love Damien kaya niya nagawa 'yon.

In our family, we value our virginity becayse we believe that ito ang pinakamagandang regalo sa mapapangasawa namin. Tinatak na ito sa isip ko, noon pa man. Kaya sa pamilya namin, lagi kaming pinaalalahanan at hinihigpitan sa ganitong bagay.

"Hay nako, minsan, huwag mo rin pairalin 'yan katangahan mo!" Nasapo ni Melanie ang kan'yang noo.

"Tanga na kung tanga but he's a big bullshit! He made me believe that he's in love with me!"

"E, tanga ka kasi, bakit ka nagpaniwala? Mararamdaman mo naman 'yong intensyon niya sa 'yo, sa una pa lang, pero tanga ka lang!" Nakisali na rin si Bella sa kakatanga kay Devi.

"Did you give him the forty thousand?" I spoke calmly.

"Of course, pero ginamit lang niya 'yon sa babae niya!"

Napailing ako sa pagkakadismaya kay Damien. Noong unang meet namin, siya talaga ang pinaka-approachable sa kanilang magkakaibigan. Hindi ko akalain na kaya niyang gaguhin nang ganito ang kaibigan ko.

"Tinawanan pa ako no'ng nag-confess ako!" She drank a one glass of beer again.

"Baka kasi mukha kang unggoy no'n kaya ka tinawanan. . ." Bella is trying to lift up the mood.

"Depota ka!" Pabiro siyang hinampas ni Devi.

"Hayaan mo kasing habulin ka niya. Huwag mong pansinin. Make him feel that he's not kawalan. Huwag ka kasing mas'yadong easy to get! Ayan tuloy, tine-take advantage ka ni Damien!" Tinapunan siya ni Melanie ng kinakain niyang nachos.

Napairap ako sa sinabi ni Melanie. Ang galing galing niyang magsalita ng gan'yan pero hindi naman niya ma-apply sa sarili niya. Siguro nga, hawakan lang ni Sheal kamay niya, baka siya pa ang maghabol. Duh.

"Oo nga, 'di niyo gayahin si Vena. Ginamitan ng kung ano-anong tricks si Fabian," Bella smirked.

"Hoy! Hindi kaya! Ikaw nga, Bella, ang galing mong magpaikot ng lalaki!"

She shrugged her shoulder. "Well," she smiled sweetly.

"Baka nga pinapaikot mo lang si Gener," matabang kong sinabi at umirap.

"Oo, Vena! Walang konsensya 'yan! Nakuwento nga niya sa akin na nagbigay na ng forty thousand si Gener sa kan'ya pero siya, wala pa ring process!" Sabat ni Melanie.

Ako ngayon ang napangisi. Hindi siya natinag sa sinabi ng kaibigan at mas yumabang lang ang tingin niya sa amin.

"Buwiset ka, Bella! Sa akin napupunta karma mo!" Hinampas ulit siya ni Devi kaya natawa na ako nang malakas.

To Catch A Dream (Architect Series #1)Where stories live. Discover now