Chapter 25

42 4 0
                                    

I bite an apple which happens to be the only thing I brought from Elviticus while looking at this ugly giants playing a game only they can understand. Kanina pa ako nakapasok sa loob ng kaharian ng mga higante habang pilit na minamasdan kong ano ang kanilang kahinaan. Ilang oras nalang at sasapit na ang araw pero wala parin akong makitang magiging dahilan ng kanilang pagbagsak. Then a crazy idea pop into my mind. I shrug at the thought of it. Well this better be worth it.








Tumayo ako at hinayaan ang aking sariling bumagsak sa kanilang mesa kong saan sila nagkatipon-ripon. A loud thud made their attention averted into mine.









"Ahhhhhhhhhhh......"








Sigaw ako ng sigaw para magmukhang natatakot sa kanila. Nang may isang higante ang lumapit sa akin at pabalya akong hinablot. Totoo nga sinasabi ng tagapagsalita ng Elviticus nakakatakot nga ang itsura ng mga higante.









"Saan yan nanggaling?"





"Galing yan sa bubong. Kawawa naman."







"Tara dalhin natin kay Epoh."







Bahagyang napakunot ang aking noo sa narinig. Hindi ito ang aking inaasahan. Base sa pagkakasabi ng hari ay mababagsik at walang awa ang mga higante pero sa paraan ng pagkakahawak nila sa akin ay kabaliktaran sa aking mga naririnig galing sa bibig ng mamamayan ng Elviticus. Pumasok kami sa isang malawak na pasilyo. Sa dulo nito ay isang malaking pinto na sa tingin ko ay kanilang bulwagan. Isang malakas na pagtawa ang bumungad sa amin pagkapasok sa loob. Nakaupo sa pinakagitna ang sa palagay ko ay kanilang hari habang may isang elf na kausap.







I know that guy!










"Hindi kakayanin ng mga taga Elviticus ang pagsira sa aming kaharian, malalaki kami at mas mabibigat ang aming sandata...."







"May mga manlalakbay ang tutulong sa kanila Epoh. Mga tinatawag nilang bampira, mga nilalang na namumuno sa kaharian ng kadiliman at ilang tao na mataas ang posisyon sa kanilang kaharian. May dalang majika ang Elviticus sa muli nilang pag-atake sa inyo." hysterical niyang saad habang nakatingin sa isang higante na nagngangalang Epoh.








"Wag kang mag-alala Lucious, hindi tayo pababayaan ng majika ng Empyrea. Maghahari ang kong sino mang gumagawa ng kabutihan sa kapwa at hindi ang mga taong pagpapalawak lamang ng kaharian ang nalalaman." mahinahon niyang sagot sa elf na nagngangalang Lucious. Napabaling ang kanilang tingin sa mga kasama kong pumasok. Nagbigay galang ang aking mga kasama sa higanteng nasa gitna.






"Nakita ho namin mahal na hari sa ibabaw ng mesa nalaglag galing sa kung saan." pasiuna ng isang higante habang maingat akong iniharap sa kanilang pinuno.









Natutop ng elf ang kaniyang bibig ng makita akong kasama ng higante. Pautal-utal siyang nagsalita habang tinuturo ako. I think this will be the end of my act.









"Siya! Siya! Kasama siya sa mga bampirang mamumuno sa digmaan laban sa iyo Epoh." malakas na sigaw ni Lucious na ikinagulat ng mga nasa loob ng bulwagan.









"Magandang gabi, magandang binibini." kalmadong saad ng hari na hindi katulad ng kanyang kasama na parang natataranta.







"Base sa pagpunta mo dito ay malapit ng lulusob ang mga taga Elviticus, tama?" Dagdag ng hari na ipinagwalang-bahala ko lang dahil mas may malalalim na tanong ang bumabagabag sa akin pero hindi ako nagsalita o sumagot sa kanyang mga katanungan. Pilit kong tinitimbang kong alin ang totoo at alin ang isang malaking kasinungalingan sa pagitan ng higante at ng hari ng Elviticus.










After Light: Journey To The Empyrean (Agnes, Book One)Where stories live. Discover now