Chapter 38

40 5 0
                                    

Nakatingin pa rin ako sa kanila at pilit na tinitingnan ang malayong kaibahan ng aking katawan laban sa kanilang matitikas at matitipunong katawan na halatang bata palang ay sumabak na sa matinding pagsasanay. Mabilis silang umatake patungo sa aking kinatatayuan.






Agad kong naiwasan ang sunud-sunod nilang pag-atake sabay palabas sa aking majika patungo sa kanilang direksyon. Gamit ang aking kapangyarihan ay naglikha ako ng isang matulis na espada na gawa sa maliliit at matutulis na air blades na siyang naging panangga ko sa kanilang mga bakal na espada.








Bago ko pa maitusok ang aking espada sa lalaking nakatihaya na sa sahig ay isang espada ang bumaon sa aking braso na nagpatigil sa akin ng ilang segundo. Dahil sa bahagyang pagkaabala ko sa biglaang pagtagos ng atake ng isang kawal ay nagawa rin akong patamaan ng ilang kawal sa bandang likuran na nagdulot ng malaking sugat at ilang hiwa na bahagyang nagpabagal sa aking galaw. Hindi gaanong mabilis maghilom ang aking sugat lalo na't ilang linggo na rin akong walang supply ng dugo.








Isang hampas sa aking batok gamit ang isang matigas na bagay ang siyang nagpatigil sa aking kilos. Agad akong nahilo na nagpawala sa aking balanse na nagpatumba sa akin mula sa aking kinatatayuan. Mabilis na lumapit ang mga lalaki base na rin sa maiingay na hakbang ng mga kawal patungo sa aking kinalalagyan. Agad nilang iginapos ang aking mga kamay sa aking likiran habang mabilis na nakatanggap ng sampal galing sa reynang nakaupo lamang at nakamasid sa gilid.








"Pilitin ninyong buksan ang pinto!!!"










Maiingay na tunog ng pilit na pagbubukas ng pinto ang nagpaingay sa paligid na ayon na rin sa utos ng reyna. Natatawa akong napatingin sa kanya na hindi mapakali at pabalik-balik sa kanyang kanyang kinatatayuan. Alam kung iniisip niya kong paano nabuksan ng isa sa amin ang pinto o di kaya'y nababahala na siyang malaman ng kanilang kaharian ang pagbabalik ng totoong tagapagmana ng Empyrean.








Isang pigura ng tao na nakasuot ng mahabang panakip sa ulo na may parisukat na dulo ang mabilis na lumapit sa reyna.








"Pinapatawag ka ng konseho, mahal na reyna."








Isang nakakalokong ngiti ang ginawa ng lalaki na halatang nasasayahan sa masamang reaksyon ng reyna matapos marinig ang balita. Mabilis na tumalikod ang reyna sabay kuha ng espada na nasa kamay ng isang kawal at akmang ituturok sa banda ng aking puso ng mabilis na humarang ang lalaki.








"Kailangan siyang makausap ng konseho mahal na reyna."









Padabog akong hinablot ng kawal na may kasama pang tadyak at hampas gamit ang kanilang sandata. Tinahak namin ang mahabang pasilyo patungo sa isang malaking pinto. Pumasok kami sa isang malaking bulwagan kung saan ay nag-aabang ang ilang mga may katandaan na konseho ng Camelot. Kapwa sila ay nakasuot ng may pagkakahawig sa lalaking lumapit sa reyna kanina.








Tinulak ako ng kawal sa pinakagitna mabuti nalang at nagawa kong maibalanse ang aking katawan kaya hindi ako masyadong namudmod sa marmol na sahig dahil sa kanyang pagkakatulak. Habang ang reyna ay padabog na naupo sa pinakagitna. Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa buong bulwagan. Nang biglang may lumabas na dalawang bakal sa gitna galing sa ilalim ng bulwagan. Mabilis akong hinatak ng mga kawal patungo sa bakal na haligi at iginapos ang aking mga kamay sa bawat haligi.









"Sa tingin ko ay naging malupit ang salubong sa inyo ng mga mamamayan ng Camelot, binibini. Ako si Herpes ang pinuno ng konseho. Maaari bang malaman ang iyong pagkakakilanlan?" salaysay ng isang lalaking may katandaan na ngunit kita ang malakas na impluwensya at respeto ng mga Camellus kasama na doon ang kanilang reyna.








After Light: Journey To The Empyrean (Agnes, Book One)Where stories live. Discover now