Chapter 29

39 5 0
                                    

CERBERUS & VERLEEN





(Verleen)






Laking gulat namin ng biglang nawala ang aming mga kasama. Nakahawak parin si Cerberus sa aking mga kamay na tulad ko ay nagulat rin sa biglang pagdaan ng liwanag sabay laho ng mga taong nasa aming harapan.




"Nasaan tayo?" ika-isang daang tanong ni Cerberus. I close my eyes in annoyance.






"Ano ba Cerberus! Manahimik ka nga!" Reklamo ko sa kanya na mas lalong nagpahigpit ng kanyang pagkakahawak sa akin.






"This is an illusion." He whisper.






"Alam ko hindi ako tanga!" sagot ko naman sa kanya na ikinatawa lamang niya.  Biglang nawala ang kakaibang liwanag at bumungad sa amin ang isang malaking gusali na may maraming batang naglalaro sa labas nito. May nakasakay sa isang bilog na umiikot-ikot, may ilan na nakasakay sa isang bagay na lumilipad sa ere pag may nagtutulak, at may ilang nakaupo lamang at nagbabasa sa gilid.







"Nasa mundo tayo ng tao." namamanghang saad ni Cerberus.






"Shut up Cerberus! Am I not human for you?"






Isang ngiti lamang ang iginawad niya sa akin bago lumapit sa mga batang naglalaro. Sumunod nalang ako sa kanya sabay manman sa paligid baka isa lamang itong malaking patibong ng manggagamot sa bundok ng Vernon.






"Relax okey? Relax." Natatawang saad niya sabay lapit sa isang batang may kinakaing isang natutunaw na bagay.







I look at her ponytails, her pink backpack, pink dress and black shoes, dapat sana pink nalang lahat. I smile at the thought of it and she gave me her nicest smile when she saw me looking at her.







"Hi ate."






Kumakaway siya sa akin kaya napaturo ako sa aking sarili. Mabilis siyang tumango sabay tawa at dila sa kanyang kinakain.






"Bakit mo kinakain yan bata?" Mahinahon kong tanong sa kanya para hindi siya magalit o umiyak dahil baka mabigla siya kong lakasan ko ang boses ko gaya ng pagkasama si Cerberus.








"Ang tawag ho dito ate ay ice cream. Masarap ho ito, tikman mo." saad niya sabay lahad ng ice cream sa aking harapan. Iiling na sana ako pero bago ko iyon magawa ay sinalubong ako ng kanyang bilugang mata.









I just smile and lick a little bit of her ice cream. Indeed, it is delicious. I gave her my brightest smile and do a high-five with her little hand. I turn my gaze towards Cerberus and roll my eyes. Ang daming pagkain sa kanyang kamay dahil hindi niya tinatanggihan ang bigay ng mga bata. Sa huli, sila na ang walang makain dahil inubos ng damulag.







"Anong pangalan mo?" I ask the little girl who like me is looking at the monster Cerberus but in her case, she is looking at the funniest clown in the world.





"Berwyn, ho ate." saad niya sabay ngiti. That is a nice name.







"Anong pangalan ng mga magulang mo?" Tanong ko sa kanya habang nakaupo sa kanyang harapan. Lumapit na rin si Cerberus sa amin na may kinakaing ice cream.









"Cerberus at Verleen, ho." saad ng bata sabay takbo papasok ng gusali. Nalaglag ang kinakaing ice cream ni Cerberus habang bumilis ang tibok ng aking puso. We saw ourselves in a casual dresses, far from the coats and knives we have. We saw how our lives differs in that world than the one here. Nakita namin kong paano nabuhay ng maganda at mapayapa ang aming magiging anak dahil sa mundong aming nasaksihan walang gulo, walang patayan, walang majika.








A tear escape my eyes and the light faded. Bumungad sa amin ang isang kubo. Nasa labas ang isang babae na may maamong mukha na nakatingin sa amin at tinatawag kami gamit ang kumpas ng kanyang kamay. Dahan-dahan kaming lumapit habang nakangiting inabot ng babae ang aking kamay.






"Pasok kayo."










Tahimik akong naupo sa isang silya na malapit sa matandang nagpapasok sa amin s loob ng bahay. Magtatanong na sana ako kong nasaan na ang iba pero mabilis niya itinaas ang kanyang hintuturo sa bibig at mabilis na tumayo. Naghintay siya sa bungad ng punto at pumasok mula dito sina priest Eulises at priest Angus na nakabusangot ang mukha.







"How I wish what I saw is true. We will be together side by side. Ruling the whole world with peace and love and understanding." saad ni priest Eulises sabay tapik kay priest Angus na halatang naiingayan na sa kanya.






"Kanina pa kayo?" tanong sa akin ni priest Eulises na sa tingin ko ay ngayon niya lang kami napansin.





"Kadarating lang din namin." sagot ni Cerberus na nakatungo lang at pilit na iniisip ang ilusyon na nangyari kanina.








"Si Agnes?" biglang tanong ni priest Angus na alam kong para sa akin base na rin sa kanyang mga tingin.








Nakayuko akong sumagot. "Hindi ko ho alam priest Angus."






Bahagyang napadabog si priest Angus ng marinig ang aking sagot na ikinagulat naming lahat. Mahal na mahal ni priest Angus si priestess Agnes, saksi ako sa mga panahong pinagtatanggol niya ito kahit na sa mga konseho dahil sa kanyang mga pagkakamali. Siya ang tumatanggap sa lahat ng kaparusahan na sana ay para kay priestess Agnes. Pinagtatanggol siya nito ng lingid sa kanyang kaalaman. Kaya alam ko ang matinding pag-aalala niya para dito.





Biglang pumasok si Ophelia mag-isa na mabilis kaming tiningnan lahat na halatang may hinahanap. Kasunod niya ang babaeng nagpapasok sa amin dito sa kubo.




"Nasaan si priest Larco?"mahinang saad ni Ophelia na halatang katulad rin ni priest Angus na nag-aalala.








Ngumiti lamang ang babae sabay tingin sa aming lahat. Alam naming hindi siya ang manggagamot base na rin sa kanyang edad. But in this world, we can't trust what we see, for the world we live in can deceive us without us knowing.







"Hintayin muna natin ang lahat bago ko tawagin ang manggagamot." mahinhin niyang saad.







"Nasaan sina Agnes at Larco?" tanong ni Eulises na katulad namin ay nag-aalala na rin.









Isang lalaki ang lumabas galing sa isang kwarto. Lahat kami ay napatingin sa kanya. He is younger than what we expected, kung siya na nga ang mangagamot na hinahanap namin. Umupo siya sa isang bakanteng upuan na nasa aming harapan.






"Larco and Agnes."






Lahat kami ay nakikinig sa kanyang sasabihin. What we experienced is heart breaking, I hope she's alright. We all hope they are all right.







"Sa tingin ko ay matatagalan ang dalawa base na rin sa kanilang kakaibang pananaw sa buhay." natatawang saad ng manggagamot habang pailing-iling.







"You know what is happening to them?"Angus said out of nowhere.







"Hindi. Pero sila lang ang pinakamatagal na nakaalis sa ilusyon ng Vernon." saad niya na mas lalong nagpakaba sa akin.








Kumusta na kaya si priest Larco?
Nasa mabuting kalagayan kaya si priestess Agnes?

After Light: Journey To The Empyrean (Agnes, Book One)Where stories live. Discover now