Chapter 31

41 4 1
                                    

Nakaupo ako sa maliit na upuang gawa sa kahoy habang tinatanaw ang pinakapangit na eksenang nakita ko sa buong buhay ko. Kaya naisipan kong ilarawan ang kanilang mga katawan na nakatihaya sa mga bulaklak na inaalagaan nila habang may nakaturok na punyal sa kanilang dibdib at walang katapusan ang paglabas ng dugo mula dito.





Kanina pa ako nakamasid sa kanila mula dito sa bintana habang seryosong nakatingin si Larco kay Alia na pinapatubo ang mga halaman gamit ang kanyang kapangyarihan hanggang sa mabilis itong namulaklak na halatang ikinamangha ni Larco.





I scoff.





Nang mapansing papasok na sila sa loob ng bahay ay mabilis akong umupo ng matuwid habang nakatingin lang kong saan. Natatawang tumingin si Alia sa aking kinalalagyan pero nang mapansing nakakunot ang aking noo ay mabilis nagbago ang kanyang ekspresyon. Nakayuko siyang naglakbay patungo sa aking harapan hanggang sa marating kusina. Umupo si Larco sa tapat ng aking inuupuan habang hindi tinatanggal ang tingin sa akin na parang may gustong sabihin pero hindi magawa-gawa.





"Speak priest Larco."






Diniinan ko ang salitang priest para maalala niyang may sinumpaan kaming tungkulin sa buong syudad na hindi dapat umibig o kahit na humanga man lang sa iba maliban nalang sa syudad na aming pinaglilingkuran.






"Kailangan na nating mahanap ang daan palabas dito." saad niya habang nililinis ang kanyang punyal. I scoff hearing his words but I did not say anything to contradict or even make our conversation longer.







"You know Agnes, you can at least help me with finding the way out from this illusion." dagdag niyang saad na ngayon ay nakatingin na sa akin.






I just nod in total boredom.








Pabagsak niyang nilagay sa ibabaw ng maliit na mesa na naghihiwalay sa aming dalawa ang kanyang punyal. Matalim siyang tumingin sa akin habang nakasaklop ang dalawang kamay na halatang nagtitimpi sa aking paraan ng pakikipag-usap sa kanya, kung pakikipag-usap ba ang tawag doon.








"This is getting frustrating Agnes." He said with a visible annoyed tone of voice.







I just smirk and slightly glance at the woman doing the cooking in the kitchen because she said she is half-elf and half-oread so she is known to have good household skills since elves are just like humans. Mabuti naman at sinabi niya agad para wala na kaming problema pagdating sa pagluluto at gawaing bahay. Tanging paghahanap nalang ng daan palabas ang pinagkakaabalahan naming dalawa ni Larco.







Dalawang araw na simula ng dumating dito si Alia. Dalawang araw na minamanmanan ko ang kanyang kilos pero wala namang kakaiba maliban nalang sa may kapangyarihan parin siya na ikinakataka ko. Nang minsan kong itinanong sa kanya ay nasabi niyang baka dahil na rin sa isa siyang diwata ng kabundukan kaya hindi nawala ang kanyang kapangyarihan kahit na nasa loob na siya ng isang ilusyon.





"Yeah, I really find it frustrating."







Napatingin si Larco sa direksyon na tinitinggan ko. I took his knife from the table and pointed the tip of it to Alia's unaware self who is cooking.







"Maybe if we kill her, she'll be the key to our freedom."









Mabilis niyang kinuha sa aking kamay ang kanyang punyal at umalis. Palayo na siya ng mabilis na lumapit sa aking gilid si Alia na ikinagulat ko. Nang mapansing masamang tingin ang iginawad ko sa kanyang bigla-biglang pagsulpot ay patakbo niyang kinuha ang kanyang balabal at mabilis na sumabay kay Larco.







Pathetic.










Darkness scatter everywhere. The night creatures began to crawl in the darkness hunting its prey. Kanina pa ako natayo sa gilid ng pintuan. Ngayon lang natagalan si Larco sa paghahahanap ng daan palabas. Bigla akong kinabahan ng maalalang hindi lang pala si Larco ang mag-isang lumakad kasama pala niya sa Alia.







I took my cloak and wear my boots. Mabilis kong nilagay ang punyal sa aking tagiliran habang patakbong tinahak ang daang binaybay nila kanina. I run as fast as I could but not like how I used to. My orange hair flow with the darkness maybe my power is just in restrain and did not completely vanish for my hair says it all.





I wanted to call his name but I don't wanna attract unintended creatures. Kaya sinigurado kong mabilis ngunit mahina ang mga yapak na aking ginagawa. I hate to admit it but I am having a bad feeling about this.







I run in fast pace in the darkness. Mas lalong lumalim ang gabi, mas lalong naging mas mahirap ang aking paghahanap lalo na at tao ako ngayon. If I am in my usual vampire self I would have found him in just a few seconds.








Napahinto ako sa gitna ng malawak na kagubatan habang walang makitang kahit na anong liwanag. Nagpalinga-linga ako pilit na hinahanap ang kahit na maliit na liwanang kahit konti lang para magpatuloy sa aking paghahanap. I close my eyes and feel the rythmn of the night orchestra. Until I heard a sound of rushing waters. Mabilis akong napamulat at binaybay ang daan kong saan ko narinig ang tunog.








Until I saw a continuous lights blinking not afar from where I stand. Fireflies scatter like a million stars in the night sky. And then it hit me, I began to remember someone with the same eyes like this one, shimmering and sparkling like stars in the night skies, Lucas.







Isang musika ang nagpatigil sa aking paglalakbay. The music that has been with me throughout this whole journey is played a few meters away from me. The music from Lucas's music box. Tanging tibok ng aking puso at musika na galing sa maliit na music box ang aking naririnig.







Until a giggle of a woman mixed the air. I ball my fist. I should have seen this coming. I shouldn't have look for them in the middle of the night. Risking my life for this no sense endeavor.








Nakahawak si Larco sa bewang ni Alia na nagpipigil sa kanyang tawa habang si Alia naman ay may sinasabi sa kanya. They slowly sway their bodies in soft rythmn of my music box. A tear escape my eyes. I wipe them away before they see how terrible I look like. I felt betrayed. I don't know maybe because of Larco or because they took my music box without me knowing.







"Romance tsk."






Sabay silang napatingin sa akin na halatang nagulat sa bigla kong pagdating. Mabilis silang humiwalay sa isa't isa sabay tingin na parang may nakita akong dapat sana para lang sa kanilang dalawa. I open my palms and they must have known what I mean. Patakbong lumapit si Alia sa akin sabay bigay ng music box.






I look at it and their little romantic shit appear in my head. Hindi ko alam kong anong nangyari pero huli na nang mapagtanto kong nayupi na ang music box at dahan-dahan itong nalaglag sa aking mga palad. The soft melodic tone seems to make me feel cursed. So, why would I want to look at something that makes me feel so little of myself?






"Continue your little shit without my music box."








Ang huling sinabi ko bago umalis sa kanilang tingin. Tiningnan ko ang daan patungo sa kubo. Alam kong uuwi na rin sila. Wala akong planong makasama muna silang dalawa sa iisang lugar kaya naisipan kong lumihis ng daan. Hanggang sa dumating ako sa lugar na malapit sa isang malalim na bangin. The moon is so close to the point that I wanted to reach for it and own it for just this moment. Naupo ako sa gilid ng bangin habang nakatingin sa maliwanag na ilaw ng buwan.






"Agnes."

After Light: Journey To The Empyrean (Agnes, Book One)Where stories live. Discover now