Chapter 35

38 5 0
                                    

Dalawang araw.






Dalawang araw na walang tigil na paglalakbay patungo sa Camelot. Dalawang araw mula ng mapadpad si Lucas sa aming daan na nagbunga ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng aming pangkat. Dalawang araw na akong iniiwasan ni Larco na ilang beses ko na ring nahuling nakatitig sa akin. Dalawang araw mula ng mangyari ang maikling kaguluhan ay napapansin ko ang masamang titig sa akin ni Ophelia.






Kasalukuyan kaming nagpapahinga sa ilalim ng yabong ng puno ng may malalakas na pagsabog ang aming narinig sa hindi kalayuan. Sabay-sabay kaming yumuko at nagtago sa ilalim ng isang malabong sa damuhan habang papalapit ng papalapit ang mga sigawan at tunog ng takbo ng isang nagmamadaling tao.






Larco who is on the other side gesture his hands downwards means we need to keep ourselves hidden. Sa kaguluhang nangyayari ngayon alam naming papalapit na kami ng papalapit sa bungad ng Camelot. Ilang minuto kaming naghintay sa kong ano ang mangyayari. Nang may isang babae ang tumatakbo ng nakapaa habang umaalon ang kanyang pulang balabal patungo sa aming direksyon. Puno ng dugo ang kanyang braso na halatang sariwa pa base na rin sa matamis na amoy at kulay rosas na straktura ng kanyang mga sugat.








My fangs can't help but show. I never felt this thirsty all my life. Bahagya akong napatingin kay Angus na halatang kinakabahan sa biglang paglabas ng aking mga pangil. My eyes began to spewed fire causing my breathing to heavy. Pilit kong nilalabanan ang pagnanais na unahan ang mga lalaking nagtatangka sa babae pero alam ko sa sarili ko na hindi iyon ang gusto ng aking buong pagkatao at tanging tawag lamang ng uhaw.






Lumabas ang ilang lalaki sa likod ng halamanan habang ang babae naman ay nakahiga na sa lupa dahil sa matinding pagod at sakit galing sa kanyang tinamong sugat sa buong parte ng kanyang katawan. Nang maabutan nila ang babae ay isang malutong na tadyak ang kanilang ginawa sa babae na walang ibang naging panlaban sa kanila maliban nalang sa impit na tinig nitong humihingi ng tulong.







Halatang may mga salamangka ang mga lalaki na siyang kanilang ipinagmamayabang. Kung wala pa sana ang kanilang majika'y baka kahit pagsuntok sa kalaban ay hindi nila magawa.






Apat.









Apat na lalaking sa tingin ko ay bago lang nabigyan ng isang itim na salamangka. Base na rin sa kanilang paraan ng paggamit nito na halatang hindi pa kabisado ang dapat at hindi dapat gawin. Hanggang sa may isa sa kanilang lumapit sa babae at dahan-dahang tinanggal ang pagkakasuot nito ng kanyang balabal. Wala ng magawa ang babae dahil wala na siyang lakas para awatin ang panglalapastangan ng mga lalaki sa kanyang katawan.







I inhale deeply.








Lumabas na ako sa aking pinagtataguan na mas lalong ikinakunot ng noo ni Larco. Totoong gusto ko siyang tulungan pero gusto ko ring tulungan ang sarili kong wag makalimutang kasama ko sila sa paglalakbay at hindi bloodbank. Kaya bago pa ako mawala sa aking sarili ay pinili kong sa iba ibaling ang aking matinding uhaw.








I open my palms and let air take them up above the ground. Nakabitin sila sa ere habang naglalakad ako patungo sa babae. Tiningnan ko lang siya na nasa aking paanan habang siya naman ay halos umitim na ang ilalim ng kanyang mata dahil sa sapak at tadyak ng mga lalaki kanina.







Tsk.










Lumabas na rin ang aking mga kasama mula sa kanilang pinagtataguan. Mabilis na inalalayan ni Eulises paupo ang babae na halatang nahihirapan sa kanyang mga natamong sugat. Agad namang naglabas si Ophelia ng kaniyang sariling salamangka para tulungan ang babaeng maghilom ang kanyang sugat sa mabilis na paraan.








Seryosong nakatingin si Larco sa akin na pilit pinapahiwatig ang matinding pagka-disgusto sa aking ginawang pagsuway sa kanyang utos. I just roll my eyes at him. "Its not a trap Larco."








"What if it is Agnes?" saad niyang may tono ng pagtitimpi sa kanyang boses. I just roll my eyes and left him to where his nonsense is. I'd rather not talk to him in this kind of state.







"Anong gagawin natin sa mga ito?" Turo ni Eulises sa apat na nakalutang sa ere. I bite my lips and think of something worthy to do.





"I'll be willing to feast on them." walang ka kurap-kurap kong saad na ikinagulat nila. Agad akong nilapitan ni Angus at inialis sa harapan ng mga lalaking nakalutang sa ere.






"Agnes, remember your oath." saad ni Angus na pilit pinapaalala sa akin kong ano ang dapat at hindi dapat gawin na ilang taong isiniksik sa aming munting kaisipan.






I sigh.







Pinitik ko ang aking daliri sabay hampas ng katawan ng apat na lalaki sa bawat sulok ng kagubatan. May ilan na sumuka ng dugo dahil sa matinding pagkaka hampas sa mga puno habang ang iba nama'y agad nawalan ng malay na hindi na kailanman gigising. I turn my gaze at Larco and roll my eyes.







Bahagya lamang siyang napailing sabay lakad patungo sa babae na ngayon ay nakaupo na sa gilid habang tinutulungan ni Ophelia.







"Anong kailangan ng mga iyon sa iyo binibini?" kalmadong saad ni Angus na nakatingin sa babae habang ako nama'y nakaupo lang sa isang sulok sa may hindi kalayuan at pinapakinggan ang kanilang nga pag-uusap.






"Isa akong mamamayan ng Camelot may hinahanap akong dahon dito sa kagubatan na kailangan ko sa aking ginagawang pag-aaral ko ng panggagamot ng makaharap ko ang mga lalaking iyon."







Sabay nagkatinginan ang aking mga kasama na hindi makapaniwalang sa haba ng aming nilalakbay ay may makakatagpo kaming isang Camellus na tutulong sa aming makapasok ng Camelot na walang kahirap-hirap. Nang makitang unti-unting naghilom na ang kanyang sugat ay mabilis na tumayo ang babae sabay yuko sa kanilang harapan. Isang magandang ngiti ang kanyang iginawad sa aking mga kasama.







"Ano ho ba ang maitutulong ko sa inyo para sa inyong mabuting loob na pagtulong sa akin?"







"Isang ligtas na daanan patungo sa iyong syudad." saad ni Larco na bahagyang nagpagulat sa babae. Agad siyang tumayo na halatang nagmamadali matapos marinig ang sinabi ni Larco. Kung hindi siya madala sa mabuting usapan kailangan niya sigurong takutin. Isang hakbang ng bigla siyang lumutang sa ere. Tanging sigaw lamang ang lumabas sa kanyang bibig.







I sigh.









Hindi ko talaga maintindihan kong bakit sa isang simpleng bagay hindi siya madalang pakiusapan at gusto pa talaga niyang ibitin patiwarik sa ere. Mabilis akong lumapit sa kanyang pwesto nakatingin sa kanyang kalagayan.







"Pakawalan niyo ako!!" Agad akong lumapit sa kanya habang hinayaan nalang ako ng aking mga kasama. I think they know we can't simply ask this woman in a nice easy way.






"Paano kami makakapasok sa Camelot?" Tanging sigaw ang kanyang sagot sa aking tanong na nagpaikli ng aking pasensya. Agad ko ipinilipit sa kanyang leeg ang aking majika na nagpatadyak sa kaniya sa ere dahil sa kagustuhang makahinga. Isang kamay ang nagpatigil sa akin, agad niyang hiwakan ang aking nakakuyom na kamao na nagpakupas ng aking majika.









"Enough Agnes." mahinahon niyang saad sabay tingin sa akin. Agad siyang tumalikod at tinulungan ang babae na dahan-dahang inilapag ng aking majika sa lupa. Isang mahinang tawa ang ginawa ni Larco bago niya bahagyang tinapik ang balikat ng babae.








"Ipagpatawad mo binibini, hindi mahilig sa pasikot-sikot ang aking princesa." Angus stated raising his brows and look at me. I just roll my eyes at him and saw Ophelia's eyes darted into mine like thousand knives piercing in every part of my body.






I grin.







Tsk.

After Light: Journey To The Empyrean (Agnes, Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon