Chapter 36

39 6 0
                                    

Dahil magaling si Eulises sa pangungumbinsi na may halong kalandian ay nagawa niyang mapasang-ayon ang babae sa kanyang kagustuhan. Kapwa kami ngayong tahimik na nakamasid sa nagtataasang pader ng Camelot. Gwardyado ang bawat sulok nito na halatang sinisiguro ang kaligtasan ng mga tao sa loob nito.






Hindi namin sinabi sa babae kong ano ang totoong pakay namin sa Camelot. Tanging alam lang niya ay kailangan naming maka-usap ang kanilang pinuno. Nung una ay nagdadalawang-isip pa sana siya pero ng mapag-alaman na lahat kami ay galing sa syudad ay mabilis namin siyang napasang-ayon.







"Sundan niyo ako." mahinang saad ng babae sabay lakad patiuna sa amin.








Tahimik naming sinundan ang babae papalapit sa south gate ng kanilang kaharian. Nang biglang tumakbo ang babae sabay paglabas ng mamamana sa ibabaw ng tarangkahan. Magpapalabas na sana ako ng malaking buhawi para pwersahang mabuksan ang tarangkahan ng biglang hawakan ni Larco ang aking kamay.







"No." he whisper.










Malaking misteryo pa rin ang pagpapanatili ng kaligtasan ng Camelot sa kanilang mamamayan ilang digmaan na ang lumipas. Alam nang lahat na protektado ang kaharian nito ng Empyrean spell kaya hindi mapasok-pasok ng salamangkero. Kaya isa lang ang paraan para makapasok kami kailangan naming magpabilanggo. Bawat galaw namin ay may nakaabang na panganib kaya naisipan naming lumuhod at ilagay ang dalawang kamay sa ulo. Mabilis na nagsitakbuhan ang mga kawal na nasa loob at marahas kaming tinulak-tulak papasok ng kanilang kaharian.










Sa isang malaking selda na gawa sa metal kami inilagay lahat. Bawat sulok ay tadtad ng gywardya na kahit paghinga ay nababantayan nila. Bawal ang mag-usap sa loob ng selda kaya kami lahat ay mag-isa sa bawat sulok nito. Walang pakinabang ang kapangyarihan ni Ophelia sa lugar na ito dahil sakop ang kanyang kapangyarihan sa ilang salamangkang hindi kayang tumbasan ang kapangyarihan ng Empyrean Spell maliban nalang sa kapangyarihan namin ni Angus.









Sa isang pitik ng kamay ni Angus ay nagawa niya kaming dalhin sa kaniyang sariling ilusyon. Bumungad sa amin ang isang lugar na babalutan ng kulay puti na parang nasa loob ng isang infirmary. May malaking mesa at upuan sa pinakagitna. Lahat kami ay mabilis na lumapit sa gitna habang nakamasid parin sa paligid.








"Can you make it a bit homey, brother?" I heard him chuckle and with just a tap of his hand, Belmont's empty hall appeared.








"That woman is a traitor." Unang pambungad ni Eulises na seryosong nakatingin sa aming lahat.








"She did the right thing. Hindi madali ang pagpapapasok ng dayuhan lalo na sa loob ng isang digmaan." pagpapaliwanag ni Angus na nakaupo sa pinakagitna.







"Nasaan si Ophelia?" tanong ni Eulises ng katulad ko ay mapansin rin na wala ang isa sa amin.







"Pinapahina siya ng kahariang ito lalo na't isa siya sa ilang gumagamit ng salamangka na matinding ipinagbabawal ng Empyrean. Kaya hindi siya magawang makapasok sa loob ng ilusyon ni Angus." mahabang salaysay ni Larco na nakatingin kay Eulises.






I just roll my eyes.







"We need to act fast." Angus added which we agreed in unison.







"Paano natin mahahahap ang libro sa kahariang ito?"







Malaki ang nasasakupan ng kaharian ng Camelot kung gagawin namin ang aming paghahanap ngayong araw malamang ay hindi namin matatapos ang paghahanap ng kami lang. Napansin ni Angus ang mga tingin na puno ng pagdududa kung magagawa ba namin ito maliban nalang kong...








Isang pigura ng babae ang biglang pumasok sa eksena. Nakasuot pa rin siya ng pula na balabal habang patakbong lumapit sa amin sabay padabog na upo niya sa silya na parang galing siya sa isang mahaba-habang karera.






"Nasundan kaba nila?" tanong ni Angus sa babae na seryosong nakatingin dito habang pilit na pinapakalma ang paghinga.







"Hindi pero may nagmamanman sa akin simula kanina." saad ng babae na halatang natatakot rin sa posibleng mangyari pag nalaman ang sabwatan ng kanilang mamamayan sa mga dayuhang kagaya namin.







"I guess Camelot has their weakness afterall." Agad silang napatingin sa akin na halatang hindi nagustuhan ang aking sinabi. I don't see something wrong about what I just said. Well, that statement is kind of a bit pertaining to this woman who is not so loyal to the city that raise her.




I shrug.








"That was just an understatement brother. You don't have to look at me like that." saway ko sa aking magaling na kapatid na parang kakainin ako ng buhay dahil sa aking pagpaparinig kong gaano ka-sama ang magtaksil sa kahariang syang nagpapakain sa kanya. Though, it is a part of our advantage but I tend to agree to disagree about the thought of treason and the such.








"Agnes."









I just roll my eyes upon hearing his voice calling my name. Different from the type of tune he does when he's calling Ophelia. Na parang ang pagtawag niya ay nagsisentensya na sa akin ng isang matinding kaparusahan.








"Lahat ng bagay ay may kapalit binibini? Ano ang maipaglilingkod namin sa iyo pagkatapos ng iyong pagtulong?" tanong ni Eulises na ikinatitig ng babae sa kanya.






"Ang aking kalayaan."








Bahagyang napakunot ang aking noo sa kanyang sagot. Hindi ba ay isang malayang kaharian ang Camelot. Kung saan ay protektado laban sa kasamaan ng ilang kaharian. Ang nag-iisang tumatayong matayog na namamahala sa kahariang hindi masakop-sakop ng salamangka.









"Hindi ako naghahanap ng halamang-gamot sa labas ng kaharian. Naghahanap ako ng daan palabas dito. Malayo sa Camelot pero nakita ako ng apat na lalaking salamangkero na syang nagpabalik sa akin sa aking tinatakasan." mahaba niyang litanya sabay tingin sa amin ng kanyang mata na puno ng determinasyon sa kanyang tangkang pagkatakas sa Camelot.








I turn my gaze to my brother. "And she expect us to take her back to the city after this ends."









Isang tango ang iginawad sa akin ni Angus na halatang matagal nang napagtagpi-tagpi ang gustong kapalit ng babae sa kanyang pagtulong. Alam kong tatanggapin siya ng syudad. Gaya ng pagtanggap sa amin ng aking kakambal na may halong dugo ng angkan na kanilang kinamumuhian. And I know father would be please to have someone new in the city. Pero pilit na tumatakbo sa aking isipan ang posibilidad na kung kaya niyang takasan ang kaharian na nagbuhay sa kanya. Ano pa kaya ang kaharian na ngayon lang niya matitirhan? Iba ang pamamalakad ng kaharian at syudad.








Maaaring tatakas na naman siya na hindi naman ipinagbabawal ng syudad pero baka tumakas siya at tangay ang ilang importanteng impormasyon ng syudad. Katulad nalang sa kanyang pagtalikod at pagtulong sa isang dayuhang kagaya namin sa pagkuha ng isa sa iniingatang gamit ng Camelot, ang libro ng Gehenna. But before that happens or even before she thinks about it, I'll have her head in a silver platter. I gave her my infamous grin. Lahat sila ay napatingin sa akin na parang nababasa na nila ang gusto kong mangyari pagsapit ng hating-gabi mamaya.










"So, where is this book?"

After Light: Journey To The Empyrean (Agnes, Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon