Fractum 7

207 4 0
                                    

Broken 7: Buhay

Mabilis na lumipas ang mga araw. I have never seen myself working hard like this.

It’s time for a break.

“Ano ga! Sabi ngang hindi ako sasama!” sigaw mula sa kabilang liniya.

Sinilip ko ang cellphone ni Papa kung tamang number ba ang nadial ko. Tama naman. Bakit nag-aalubroto si Alexandra?

“Anong hindi ka sasama? Hindi ko pa nga ako nagsasalita basted na agad ako,” halos singhal ko sa kaniya.

I’m in Batangas for the semestral vacation. Susunod si Mama pero nauna na akong sunduin ni Papa via motorcycle.

Narinig ko ang paglundo ng kama ni Alexandra. This woman.

“Huh?” lito niya pang sagot.

Tinanggal ko ang cellphone sa tainga ko. Tinapat ko iyon sa bibig ko. Na sa bahay lang naman ako. Pwede namang sumigaw dito.

“Si Agape Sanguine ito, hoy! Sumama ka sa sementeryo!” malakas na sigaw ko.

Umuwi siya kanina para raw kumuha ng damit pero gabi na hindi pa nakakabalik. Ngayon humihikbi sa kabilang liniya nagsasabi ng kung ano-ano.

Sinundo namin si AJ mula sa bahay nila. Di-diretso na kami sa sementeryo kaya nakabihis na ako.

I’m wearing a plain v-neck shirt na itinali ko sa harap at isang dark blue highwaist pants. Nakatsinelas lang ako. Maraming tao sa sementeryo. Maaapak-apakan lang ang sapatos ko.

Babalik na rin naman ako sa Cavite ilang araw matapos ito. Semestral break na isang linggo lang. Absent lang ito ng mga kaklase ko.

“Bakit ka nag-aalburoto?” tanong ko pagkababa sa motor.

Ang dami ngang tao sa sementeryo. It’s really that time of the year. All souls’ day.

May mataas na platform bago makarating sa puntod ng lolo at lola namin. Walang hagdan. Iniapak ko ang isa kong paa roon at mabilis na binuhat ko ang sarili ko. Nagpagpag ako ng kamay pagkatapos at isinuyod ang tingin sa magulong sementeryo.

“Si Kuya kasi. Sabi ko sa inyo ako sasama pero nagpupumilit na sumama raw ako sa trabaho niya. Ano gang gagawin doon,” irita niyang sabi, umirap pa.

Napatawa ako sa kaniya. Inalok ko ang kamay ko para makaakyat siya.

“Sina Celeste at Jainez, na andito na kaya?” marahang tanong ko nang makaakyat na siya sa tabi ko.

“Pupunta naman iyon agad. Si Brycen kaya nandine?” tanong niya tungkol sa bagong lalaki niya.

Napabuntong hininga ako. Dahil madaling makita ang iritasyon at galit sa mga ekspresyon ko, halos bugahan ko na siya ng maapoy na titig.

This woman keeps so many boys. Ako ang napapagod kakasermon sa kaniya.

Pumunta kami sa stall ng calamares sa may labasan para sunduin sina Celeste. One glance, I saw a familiar not so tall image of a man from a far.

Isn’t that…

Nagmamadali kong siniko si Alexandra. Medyo nanlaki ang mata ko kaya agad kong sineniyas ang banda ng tinitingnan ko.

Naka-side view na si Clarkson kaya kita ko ang mataas niyang cheekbone at maputing jawline na naiilawan ng mga ilaw sa sementeryo. I have not seen him the whole week I’m here. Dito pa talaga kami magkikita sa sementeryo?

“Celeste, si Travis, nakita ni Agape!” mariin at pabulong na tawag ni Alexandra.

I caught some of his friends’ eye. Nag-iwas agad ako ng tingin at inabala ang sarili sa pakikipag-usap kay Celeste.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat