Fractum 31

121 4 1
                                    

Broken 31: Ganda

Umaga pa lang ay nagising na ako ng bahagya sa ingay ng mga tao sa labas. Naka-double lock ang pinto pero rinig ko ang kalampag ng mga bata roon.

“Ate Sanguine! ‘Te sanguine!” rinig kong pinagsabay na boses ni Eve, Igraine, at Amity mula sa labas ng pinto ko.

Napahilamos ako sa mukha ko sa nagbabadyang iritasyon. It’s six in the morning. Pagod pa ako sa nangyari kahapon and it’s a Saturday morning. Wala naman dapat nangyayari sa isang normal na Saturday pero parang ang ingay-ingay sa labas.

“Ate Sanguine, mali-maligo ka na raw. May handa raw,” simula ni Everette sa akin nang mabuksan ko ang pinto.

“Handa?” nasisilaw kong tanong.

“Korona! Korona ni Ate Sanguine,” sagot ni Amity sabay turo sa gitnang parte sa ibabaw ng TV.

Sinundan ko iyon ng tingin. Nakasabit na roon ang mga sash ko at ang isang Malaki at matangkad na korona na mula rin sa pageant.

“Oo, sige. Saglit lang kamo…” usal ko sa mga bata at isinara na muli ang pinto.

Narinig ko agad ang mabilis na yabag ng paa ni Everette at ang mga nagsisisigaw na bata, “Saglit lang, saglit lang daw!” sigaw na panimula ni Everette.

Umagang-umaga ay naligo agad ako. Hindi ko maintindihan kung ano ang ise-celebrate sa pagkapanalo ko kahapon. Hindi naman iyon totoong pageant at magsisilbi lang iyon bilang project namin sa school.

Kung si Mama ang kasama ko ngayon, minura niya lang ako sa personal at sa myday o post ay sasabihin niyang proud siya. O di kaya’y sa una pa lang ay hindi na pumayag dahil wala siyang pambayad sa gowns at pambili ng makeup.

Papa is really different. Sinuportahan na niya ako sa finance, nanood pa siya sa pinaka-pageant, at nagpahanda pa siya ngayon.

Hindi kahit kailan nanood si Mama ng kahit anong event ko sa school dahil busy raw siya sa trabaho. I understood her. But I appreciate my father more who still watched my not-that-important event even when he has his own work.

Lumabasa ako suot suot ang isang soft pink dress na fitted ang top half pero flowy ang bottom half. Isinuot ko ang champagne strappy sandals ko at may kaunting kolorete sa mukha ko. Kakalabas ko lang, may iilan nang bumati sa akin.

“Ang ganda naman! Umagang umaga!” bati ni Ate Katana sa akin.

“Congratulations, Sanguine!” bati ng isang malayong kapamilya ko.

“Thank you po. Kain kayo,” nakangiti kong abti sa isang marahang boses.

“Areng si Sanguine natulog agad kagabi! Agang-aga,” reklamo ni Celeste na sumulpot sa gilid ko.

Tinawanan ko lang siya ng marahan. Na sa dining table nakaupo si Jainez na seryoso at amazed na nakatingala sa akin. I caressed her hair before I walked to the garage door.

May buffet table sa walang lamang kotse o motor man lang na garahe. Ang mga kotse at motor ay nakaparada sa gilid ng garahe at nagkalat ang mga tao. Nilingon nila ako nang sumulpot ako sa pinto.

“Good morning, po. Kain po kayo ng marami,” tanging pauna ko.

“Kaganda sadya kahit umaga!” saad sa akin ng isang babaeng malayong Tita ko sa mga Laude.

“Good morning, Sanguine! Kaganda kahit pagod maghapon kahpon,” bati pa ng isa.

“Congrats! Hakot award,” bati ng isang kaunti lang ang tanda sa aking babae.

“Pang miss universe rin pala! Hindi lang talino, mag ganda rin!” bati ng isang natutuwang babae.

“Thank you po…” I said as I dismissed myself with a smile.

Na sa terrace ang mga kaklase at kaibigan ko. I saw Antonio at the side with Mila.

“Sanguine!” tawag sa akin ni Morene at nagsunuran na ang pagtawag sa akin.

Humalik sa pisngi ko si Morene. Nakangiti siya ng malapad sa akin at sa likod niya ay si Felicity na mukhang nahihiya.

“Inimbitahan kami ng iyong Papa! Halos lahat ng mga kaklase natin ay nandine. Kahit sina Mila ay nandyaan. Congrats, Sang!” tuwang-tuwa niyang kwento at yumakap ulit sa akin.

“Salamat,” sagot ko sa kaniya. Nagtama ng tingin namin ni Felicity kaya binati ko rin siya, “Hi, Fel…” bati ko.

She smiled a bit to me. Opposing to her name, felicity, she doesn’t look and move that happy of her life at all.

Inilibot ko ang tingin sa terrace. Most of my classmates are really here. Nakapagtatakang si mila ay narito rin kahit may masama na siyang sinabi tungkol sa akin noong matalo ko siya kahapon. Baka para sa pagkain? Or is there a hidden agenda.

“Nakasabit na agad ang mga sash. Sa susunod may pictures na dapat, ha? Iyong kasama ako,” bati ni Antonio saka siya tumawa ng marahan.

I laughed at his remark, too. Bumaling ako sa kaniya habang umiinom siya ng orange juice, “Congratulations sa atin,” marahan kong sabi habang nakangiti siya.

Ibinaba ni Antonio ang tingin niya sa akin. He’s the tallest of our class, and one of the handsome ones. Dahil hindi ako naka-heels ngayon ay kitang-kita na ang kaliitan ko kumpara sa kaniya. He smiled at me so his white straight teeth showed.

“Congrats sa atin,” nakangiting balik niya.

I chitchatted with my classmates before I got back to the dining room where my cousins are. Humaba ang usapan namin ng mga kaklase ko tungkol sa nangyari at struggles kahapon kaya natagalan ako.

“Tagal. Kala’y artista!” maarteng sabi ni Celeste pero kalaunan ay tumawa rin.

“Artista talaga! Higit pa sa artista!” natatawang balik ni Xandra.

Natawa ako sa kanila. Jainez is quiet as usual but she gave us her smile. I smiled at her and I walk towards the back door, where I hear voices of men.

Magkakahalo ang Papa ko, mga Tito ko, mga lalaking pinsan ko, at iilang mga kakilala sa mahabang paikot na table na ginawa nila para sa inuman.

“Nak! Anak! Halika rito!” tawag ni Papa at kinumpas ang kamay para lumapit ako sa kanila.

I gave an innocent look as I walked towards them. Maraming lalaki kaya hindi ako gaanong lumapit pero sakto lang para makita nila ako. Papa tsked but laughed a bit, iminumuwestra ako.

“Ito ang anak ko. Hindi lang pala pangtalino, pang-beauty pageant din!” he said and he laughed.

Napangiti ako roon. Drunken jokes by my father. Hapon pa lang pero may tama na yata siya. Even his friends and my Titos laughed. My male cousins smiled at me.

Inilibot ko ang inosente at may ngiting tingin ko sa paikot na table ng mga lalaking naiinuman. Napatigil ang mga mata ko sa isang maputing lalaking lumalagok ng isang shot ng alak na nakahain sa kanila.

Bahagyang kumunot ang noo ko at bumagsak ang ngiti ko kasabay ng pagbagsak niya ng shot glass. Nagtama ang tingin namin at alam kong nakatakas sa ekspresyon ko ang iritasyon.

Lalaking nag-iinom. I don’t like that. Kahit pa sa pamilya ko siya nakikipag-inuman. At kung kanina pa siya rito, malamang marami rami na rin ang nainom niya.

Instead of congratulating me, Clarkson is here having a drink with my family. Siguro, gugustuhin iyon ng iba, pero ako ayaw ko noon.

“Sige na, balik ka na doon, anak,” Papa said dismissing my presence.

Tumango ako roon. I smiled at the guests before I left. Nakita ko pa ang pagtayo ni Clarkson mula sa kinauupuan niya bago ako tumalikod mula sa kanila.

“Una na kami, Sanguine. Congrats ulit. Salamat sa pagkain,” nakangiting paalam ni Antonio sa akin.

Kanina pa sila ritong mga umaga at pagabi na. I smiled at him and waved. Nagpaalam na rin sa akin ang mga iba kong kaklase. Si Mila ay sumakay na sa isa kong kaklase kahit hindi naman nagpaalam sa akin pero pinabayaan ko na siya.

I waved at my my classmates and some other leaving acquaintances. Nakangiti ako sa kanila habang natural na mabagal na kumakaway. Na sa tabi ko si Morene at Felicity samantalang ang tatlo kong mga pinsan ay nakaupo sa isang mahabang upuan dito sa terrace. Morene is smiling while watching me.

“Pang-beauty queen ka talaga. Natural na natural sa iyo at parang nasanay ka buong buhay mo,” kumento niya.

Nakangiti akong napalingon sa kaniya. Nakahawak ang kanang kamay ko sa bilog na railing na kadikit ng gate ng terrace namin. Nang ibaba ko ang kaliwang kamay ko na kumakaway, napakapit din ako roon.

“Malambot at pino kasi gumalaw, Morene. Natural siyang ganoon at ang mga natural na galaw niya ay kagaya ng galaw ng mga beauty queen,” may maliit na ngiting kumento ni Felicity sa kabilang gilid ko.

Inakbayan ko sila pareho kaya nadikit sila sa akin. Si Morene ay natawa at si Felicity ay umagal pero natawa rin kalaunan.

“Salamat sa inyo,” marahan kong sabi.

They’re the closest girl friends I never had before. Kasama man namin si Mila sa grupo at wala siya rito ngayon, these two are good enough for me.

Nagpaalam na rin sila nang pumatak ang alas siete. Umoonti na ang mga tao, marking the end of the long day celebration.

“Gusto ko sanang maki-sleepover, hindi lang pumayag si Papa!” madaldal na sabi ni Morene.

“A-ako rin. Hindi pumayag si Tatay…” nahihiyang sunod ni Felicity.

Napangiti ako sa kanila. Ihahatid sila ni Tito Ardento papunta sa highway, mula roon, mamamasahe sila pabalik sa bahay nila.

“Sa susunod na lang. Welcome naman kayo lagi dito,” nakangiti at marahan kong sagot sa kanila.

Kung makapagsabi naman ako ng welcome, parang bahay ko ito. Napatawa na lang ako sa sarili ko.

My cousins are now at my assigned room, laughing at each other. Pumasok ako doon pero saglit lang at tumawa lang ako sa kanila bago muling lumabas. Sa tambayan ko pababa ng hagdan ang inupuan ko.

I am giving this day as my rest day. Hindi ako araw-araw narito sa tambayan kong ito at hindi ako araw-araw nagkakaroon ng pahinga. Inangat ko ang tingin ko sa mga sumisilip na bituin. Napangiti ako at ipinagkrus ko ang mga binti ko.

Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit. May sleeves naman ito at hindi kababaan ang neckline kaya kahit noong umihip ang hangin, hindi ako gaanong nilamig.

Kaso nga lang, may kamay na namang nagbagsak ng itim na jacket sa hita ko.

Imbes na ibalik iyon sa kaniya, ini-spread ko na lang iyon pataklob sa buong hita ko. Umupo siya sa hindi kalayuang tabi ko at inilabas niya ang cellphone niya. He scrolled a bit and I avoided to look on his mobile so I watched the peeking stars again.

“Nakita mo na ga ang pictures mo kahapon?” tanong bigla ni Clarkson sa gilid ko.

Nilingon ko siya kaya nakuha niya ang atensyon ko. Umiling ako. I don’t get to see any of my pictures in events because I did not open my social media accounts again. Tahimik ang buhay kong malayo sa ingay ng nagsusumigaw na social media.

He clicked something on his phone. The familiar color of my long gown yesterday are shown in there. If I remember this right, that’s the Facebook application he’s using.

“Naka-tag sa iyo kasi hindi naman yata naka-deactivate ang account mo. Pero wala namang nakikitang activity mula sa account mo,” sabi niya.

Nilahad niya sa akin ang cellphone niyang may picture ko suot ang long gown ko. Napakurap aako sa pagkamangha. He leaned a bit to me but he did not sit nearer to me.

I watched him as he slowly scrolled down the pictures from his Facebook application. Napangiti ako ng kaunti nang makitang ang ganda ng kuha sa long gown pose ko, kagayang-kagaya sa picture na nai-imagine ko noong iniisip ko pa lang kung anong magiging signature pose ko.

I stopped his hand from scrolling so his thumb brushed against my hands. Tinitigan ko ang itsura ng casual wear ko.

Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Sa akin siya nakatingin at nananatiling nakaangat ang braso niya bilang paglahad sa cellphone niya. I saw his pitch black eyes as a mirror where I can see myself.

Hindi ba siya nangangalay? Why do I need to think about him, anyway.

Inilipat niya ang tingin niya mula sa akin papunta sa cellphone niya. He saw my casual wear for the ramp. Alam kong kilala niya rin ang top na iyon.

It’s my offshoulder loose black and white striped top. Iyon din ang suot ko noong una kaming nagkita. I kept my hair short but I have it a bit shorter back then. I blinked once as I watched his expressions.

Hindi naman siya nagulat. Hindi rin nagtaka. Bakit ko ba pinapanood ang itsura niya.

Ibinalik ko ang tingin ko sa cellphone niya. I examined my face with a natural no makeup makeup look for the casual wear. My chinky eyes looks lost because of my wide sweet smile to the audienece. I wasn’t even looking at the camera, but at my audience.

Ini-scroll ko ang pictures ng kauti at siya na ang nagpatuloy noon. Nakita ko ang sarili ko suot ang seda kong dress para sa talent portion. May isang picture din na kita kaming dalawa ni Antonio, siya nama’y suot ang kaniyang corporate attire at may itsurang nagsusumamo sa lumuluha kong mga mata.

Hindi nagsalita si Clarkson. He did not even dare bring up how I cried for the talent portion. I can remember myself crying in his arms, him carrying me to my assigned seat.

I can see why I cried that time. My mother did not cheat on my father but I felt like she cheated on me.

Pakiramdam ko ay ako ang nagbabantay noon ni Mama at noong napanood ko siyang may ginagawang milagro kasama ang iba, I felt like I’ve been cheated on. Kaya noong humina nang humina ang pagmamahal ko para sa kaniya, pakiramdam ko nakipag-break ako sa long time boyfriend ko.

Inilahad ko ang kamay ko bilang pahiram sa cellphone niya. Natapos na kasi ang listahan ng pictures at ang huling pinakita ay ang pagsagot ko sa question and answer portion. Marahan niya iyong ibinaba sa kamay ko at hinagilap ko iyon.

Pinindot ko ang back para matanggal ang listahan ng pictures ko. It was uploaded by the school’s page. Binuksan ko ang comment section at nakita ang isang comment ni Papa. I clicked Papa’s account instead.

May post rin si papa ng magkahalong sarili niyang kuhang pictures, kuha ni Tito Romulo na pictures, at kuha ng school na pictures. His caption is so short that it made me smile because I know nothing’s fake in there. Tanging “Congrats anak” lang ang caption ng sandamakmak kong pictures.

Because Papa already told me how proud he is. He told me how proud he is in person while we were going home last night. How he rooted and prayed for me to win. How he shouted and jumped in joy when I was hailed the queen. How proud he is to have me as a daughter. I can also see how he tells right things and informations about me to his friends and colleagues.

My father’s words are everything I ever wanted to hear from my mother. Instead of having my mother say those sweet geunuine words, my father gave it to me willingly.

I opened the comment section there. Hindi pa ako nakakalayo ng scroll, nakita ko na agad ang comment ng Mama ko.

Geno Veva
Congrats anak pero dapat hindi mo binibigyan iyan ng pera para sa mga kalokohan niya Andro. Mabuti pa kung pera na lang mismo ang binigay mo sa bata, hindi yung nagsayang kayo ng pera para sa walang katuturang bagay

Nangatog ng bahagya ang kamay kong may hawak ng cellphone ni Clarkson. Napaawang ang bibig ko habang paulit-ulit na binabasa ang comment ni Mama.

I don’t need her approval and I don’t need her refusal either. But reading her comment like this, tila nabuksan ulit ang ilang taon kong memoryang nakatago para hindi na ako masaktan ulit.

Clarkson held my shaking hand. Nanlabo ng aunti ang paningin ko sa nagbabadyang luha. Nang maramdaman ko ang init ng kamay niya, naibsan ang panginginig ng sarili kong kamay. I met his pitched black, expressive, soulful eyes looking worried, hurt, and weary.

“Hindi ko maintindihan ang Mama mo. Naaalala kong inaaalala mo siya noon at nakita ko kung gaano mo siya kamahal. Nag-congrats naman siya sa iyo pero nilagyan niya pa ng pero…” pag-amin niya sa akin.

Iniwan niya saglit ang mga mata ko para pumindot ng kung ano sa cellphone niya. Nakita ko ang reply box ng comment ni Mama.

“Dinepensahan siya ng mga taong hindi ko kilala pero dinepensahan ka rin ng pamilya mo. Tita at Papa mo lang iyon pero mas may katuturan ang sinabi nilang dalawa kaysa sa sinabi ng maraming taong dumipensa sa Mama mo,” kwento niya at iniscroll ang mahabang reply section.

Marinita Laude
Hahaha. Ako ang nag-sponsor sa kaniya, Gena. Walang problema sa aking suportahan ang pag aaral niya. Hindi ko ipinapakitang sobra akong sumusuporta pero hindi rin ako kailanman nagpakita ng pagtutol sa mga bagay kung saan masaya siya

Alejandro Laude
Nanalo ang bata sa pageant na project niya. Kung gusto mo ng pera bibigyan kita. Binibigyan ko rin ang anak mo at ang pinapadala mo ay naroom lang naman sa bangko niya. Hindi ko ginagalaw at ang bata ang naMamahala roon. Hindi naman siya nagwiwithdraw doon sa pagkakaalam ko

Napakurap-kurap ako matapos basahin ang mga comments. Ang mga hindi kilala ni Clarkson na nag-comment ay ang mga pamilya ko sa Endroza. I have already read their unreasonable fight for my mother’s words.

Huminga ako ng malalim, pinapakawalan na rin ang biglaang pagyanig ng pagkatao ko nang makita ang comment ng Mama ko. Lumingon ako kay Clarkson at nakita ko ang panonood ng mata niya sa akin.

I met his pitch black eyes. The expressive, serious, and soulful eyes I was once interested and captivated with. I saw his worry, grief, and misery collide with my immediate calmness and serenity. Napanood ko rin ang unti-unti niyang pagkalma nang makitang maayos na ang sarili kong mga mata.

He slowly put down our hands that is holding his phone. Iniwas niya kaagad ang kamay niya sa akin, tila ba takot sa pagkakahawak man lang sa akin. I watch him smile slowly with relief and truthfulness.

“Congratuations. Ang ganda mo buong araw kahapon. Ang ganda mo buong araw ngayon. Ang ganda mo araw-araw,” marahan at mahina niyang sabi, sakto lang para ako lang ang makarinig.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now