Fractum 27

133 3 0
                                    

Broken 27: Bestfriend

Hapon na nang maligo kami ni Alexandra. I wore a blue thin striped body con dress. I paired it with a strappy champagne colored sandals. Conservative naman ang top half ng dress pero medyo mataas ang cut ng skirt at hapit sa kurbadong katawan ko. Lumaki ang sizes ko sa dibdib at hips nitong nagdaang mga taon. My waist remained at twenty-four inches.

Simple lang ang handaan. Maraming tao dahil magaling makihalubilo si Konti. Matinik sa babae at pati yata ang mga magagandang miyembro ng pamilya namin, natinik na niya. Mabulunan sana siya sa tinik niya.

May buffet table sa harap ng bahay nila. Sa isang gilid ay may grupo ng mga lalaking nag-iinuman. Some were familiar faces but I can’t recall where I saw them. Sa loob ng bahay ay marami ring tao, karamihan ay mga babae. Na sa inuman na kasi ang mga lalaki.

Si Ate Katana ang sumalubong sa amin. She’s another distant cousin since she’s the older sister of Konti. She’s all smiles and she has a paper white complexion. Malayo sa kulay ni konti na dark brown shade, at kahit sa kulay ko kahit namuti na ako kakatago sa bahay.

“Si Keneddy ay na sa mga lalaki pa! Kain kayo…” salubong niya sa amin.

I smiled at her. Nahagip niya ang mga mata ko kaya lumawak lalo ang ngiti niya.

“Sanguine! Namuti ka? Ang ganda mo na lalo! Sexy!” sunod-sunod niyang compliment at hinagod niya pa ang baywang ko pababa sa balakang ko.

Napatawa ako ng marahan. Iginiya niya kami sa isa sa mga bakanteng table.

“Hindi kita nakita noong Pasko. Ang puti mo na! I mean, hindi ka naman maitim dati pero light morena ka noon. Malapit na ang kulay mo sa akin ngayon!” natutuwa niyang sabi habang hinahaplos ang isang braso ko mula sa likod ko.

“Opo. Hindi po kami umuwi noong Pasko. Malayo-layo pa naman po ako sa kulay niyo…” natatawang balik ko sa kaniya.

Hindi nagtagal sa amin si Ate Katana. She had to entertain the other guests so she shortly bid goodbye. Si Konti dapat ang nag-e-entertain sa mga bisita pero parang busy siya either sa inuman o sa mga babae niya.

Isinuyod ko ang tingin sa buong lugar habang kinusubo ko ang isang kustarang may kaunting kanin at gulay ng putchero.

Hindi kagaya sa bahay ni Tita Marina na overlooking ang probinsya, dito ay mas mabahay. Hindi naman magkakadikit, pero hindi rin gaanong magkakalayo. If I remember it correctly, there will be a path here leading to the back part of Tita Fleur’s house where I like to sit and watch the tall trees.

I wonder if it’s still the same. I won’t expect. I taught myself to expect for the worst.

The place is well maintained, though. I can hear other visitors describing me as they talk to each other. Mula nang marami na akong ma-realize, hindi na muli ako nabulag o nabingi sa sinasabi ng mga tao tungkol sa akin.

“Iyong naka-blue na striped na bestida…” tukoy ng isang mukhang mas batang lalaki kaysa sa akin.

Hinawi ko ang makapal at maikli kong buhok na naka-half-bun. Ang tanging makeup na nasa mukha ko ay blush, liquid lipstick, at mascara. Natural na makapal at maarko ang kilay ko at hindi naman ako pinimple kahit na sa kalagitnaan ako ng puberty.

“Bago dine? Kanino gang anak?” usap pa nila.

“Di ko kilala. Dayo? Mukhang hindi dine nag-aaral,” balik pa ng isang babae.

“Hindi nga. Kung dito ‘di ga sana’y kilala natin,” dagdag pa ng isa.

They really know each other here. Dahil sa soft white features ko ay nahalata lalong hindi ako tagarito. I should have maintained my soft ligh brown toned skin. I don’t want too much attention but that’s what theyre giving me right now.

“Kanina pa pinag-uusapan si ganda!” puna ni Celeste, tinutukoy ako.

Natawa ako ng marahan. Nilingon nilang tatlo ang mga nag-uusap tungkol sa akin kaya napalingon din ako. Natigilan ang mga nag-uusap pero ngumiti ako sa kanila. Mukhang naguluhan sila kung ngingiti ba o hindi kaya hilaw at kabadong ngiti ang ibinigay nila sa amin.

“Parang nakita ko si tisoy?” tanong ni Jainez bigla.

Napakurap ako roon. They still remember that boy. I do, too. Ilang beses bumulong sa akin ang mga salita niya tungkol sa estado ng magulang ko.

“Is he not in college already?” marahang tanong ko pabalik.

I remember that we have a three years age gap. Kung magge-grade eleven na ako sa pasukan, dapat college na ang isang iyon.

Napalingon ang iilang bisita sa akin. I smiled at them and some smiled back but some avoided my gaze.

Nag-English pa. Nagmukha tuloy ako lalo na dayo. Natural ding malakas ang boses ng lahi namin kaya nakakaagaw pansin. Kahit marahan pa ang pananalita ko.

“Oo, Ate. Kaka-graduate lang,” balik ni Jainez sa akin.

“Dito kaya magka-college? Ano kayang kurso?” usisa ni Celeste.

I only remember his white features now. Ang kilay niyang makapal na tanging matigas tingnan sa kaniya.

“Minsan nakikita ko sa Mahayahay! Wala namang angkas na babae,” wala sa sariling sabi ni Xandra.

I really had vut off my communication with everyone after that issue about Luxen and I. It’s been a year and I’m very much inactive in my social media accounts.

Tahimik ang buhay ko na wala iyon. Minsan nakakamiss, pero kaysa naman magulo ang buhay ko. Eat, sleep, and study lang ang naging rotation ko. Sana ngayon ay makagala naman ako kahit sa summer man lang.

“Pisan! Kailan ka pa dine?” bungad ni Kontinuito.

Sumungaw agad ako sa likod niya kaya sumungaw rin siya roon. I was expecting a woman to be clinged in her arms.

Still his flings, huh? Lahi ba? Hindi naman ako nagtagal sa pagfi-fling. Siya, parang limang taon nang papalit-palit na lang sa babae.

“Kahapon,” maikli at marahan kong sagot.

Tumakas agad ako mag-isa nang makitang distracted ang tatlo. Kanina pa nakauwi ang magkakapatid na Everette, Igraine, at Iracyndia.

I took the familiar path I know to reach the place I like to stay. Hindi pa nagtatagal, bumungad na sa akin ang likod ng bahay nina Everette.

Napangiti ako at saglit na napatgil. Walang tao sa paligid. Tahimik at puro kaluskos lang ng dahon ang naririnig ko. Umihip ang hangin kaya marahan akong nappaikit para damhin ito. I walked to reach the deck where I sat years ago.

Maingat kong inangat ang sarili ko dahil nakapalda akong maiksi. Walang tao pero baka nakatago lang sila, o baka may dumating kaya mas mabuti nang maging maingat.

Napangiti muli ako nang umihip ang hangin at kusang natulak papunta sa likod ko ang maikli kong buhok. Small things like these gives me happiness. Mula noong sumobra na ang sakit na nadarama ko, ngayon ko lang ulit yata naramdaman ang kalayaan at matinding kasiyahan.

I overcame the obstacle. Maybe not. I still remember the traumatic scenes and words. But I don’t want to dwell on it anymore although I remember it everyday. Kung babalik, eh ‘di babalik. Kahit walang karapatan. Wag lang aasang magiging kagaya pa rin ng dati dahil napagod na ako, at sobrang nasaktan.

Sounds like a bitter break up speech. No, it’s my thoughts about what happened between me and my mother.

Inangat ko ang maputi kong braso at itinapat sa kaunting balat na nakikita sa hita ko. I pulled down my skirt more to hide more skin. Ipinatong ko na ang braso ko sa natitirang balat na kita sa hita ko.

They’re almost the same shade. Mas maputi nga lang ang bandang hita ko pababa dahil mas exposed ang braso ko madalas.

I stopped a bit when I heard some sounds. Kaluskos iyon at tila hinahawi ang mga dahon. I blinked once at may kamay na naglahad sa akin ng isang itim na jacket sa akin. Hinayaan niya iyong marahang bumagsak sa hita ko at inuring niya kaagad ang kamay niya palayo.

I traced the man’s arm. It’s a white arm that is whiter than me and Ate Katana.

Napaawang ang bibig ko habang pinapanood si Clarkson na iangat ang sarili niya sa malayong tabi ko, tila takot sa magiging reaksyon ko kung magdidikit man kahit ang kuko lang namin. Mabilis ko ring natikom ulit ang labi ko bilang pambawi,

Well, it’s alright that he does not move too close. I don’t think I can entertain the fling side of mine again this early.

Maingay at mabigat ang pagbuntong hininga niya. Nararamdaman ko ang pagpigil niya sa sarili niya at pinabulaanan ko na lang iyon. I won’t speak unless he does.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Kahit dala ko ang cellphone ko ay wala rin naman akong gagawin doon. Tumingala ako at sinuri ang mga punong nanatiling matayog, at ang kubo sa hindi kalayuan na mukha namang hindi nasira.

Atleast something didn’t change.

“Hinahanap ka na nila,” paunang sabi niya.

Tumango ako roon. I expected that. I saw him type something on his phone.

“Saglit ka lang nawala, pinaghahahanap ka na agad nila,” puna niya.

Sumulyap ako sa kaniya pero agad ring nag-iwas ng tingin. Shaved ang sides ng hair niya at hindi gaanong malago, far from the hair I like for men.

How does he know how long I’ve been gone, anyway. I didn’t see him at the men’s part in Konti’s birthday.

“Matagal ka nang nawawala sa akin. Mas matagal akong naghanap sa iyo,” saad niya.

Bahagyang kumalpas sa itsura ko ang iritasyon habang nakatitig ako sa harap. Umihip ang hangin at nilipad muli ang maikli kong buhok, tila pinapakalma ako. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.

Hindi ako nawala sa kaniya dahil sa una pa lang, hindi naman ako kumapit.

I can remember the first interaction. Ang paghingi niya ng number ko at ang agresibong pag-save ng medyo may kalaswaan kong picture sa cellphone niya.

I don’t want anymore interactions from him, or any other man. If there will be, I’ll accept them as friends but I don’t think Clarkson will settle for us only being friends.

Kaya habang may tsansa akong biguin na agad siya, gagawin ko na.

I treated him, as always, like the wind passing by. Men will be like that; they’ll come and go. He is a man, a boy rather. I can’t see the changes in him.

“Wala ka pa ring pinagbago sa pakikipag-usap sa akin, ‘no?” saad niya pa.

Yes. I won’t voice out, too. Naupos na ang interes ko sa lalaki matapos ang paglipat-lipat ko sa mga iyon at ang mga napagtanto ko tungkol sa buong buhay ko.

You will be the wind again, Clarkson. As long as I feel the shattered feeling in me, you will be invisible. As long as I feel broken, I won’t open up to you, and to anyone else.

“Hangin pa rin ako. Kahit gaano katagal ang hintayin ko, hangin pa rin ako…” he trailed off.

Nag-vibrate ang cellphone ko sa isang incoming call. I expected it to be Papa but the caller ID has Luxen’s name in it.

“Excuse me,” bati ko at ibinaba ang sarili ko, kasabay ng pagbaba ko sa jacket niya sa tabi niya.

Hindi ako lumayo pero tumalikod ako sa kaniya. I received Luxen’s call.

“Hello?” bungad ko.

“Sanguine! Na sa Balayan na ako. Have you arrived in Lemery?” bati agad ni Luxen.

Napangiti ako. I kicked a pebble in front of me in boredom.

“Yes. Kahapon lang,” maikli kong balik.

He’s always the talkative one. I like him but the feelings I feel for him won’t surpass a brother and a friend.

“Luxen! Aalis na!” rinig kong sigaw ng isang mas malalim na boses na lalaki.

“Uwo na, Kuya! Kalma. Galit na galit,” iritado pero kalauna’y napatawang sabi ni Luxen.

“I’ll call you back. nandito pa kami kay Kuya kasi sinusundo pa siya. Si Kuya Luxurio. Do you remember?” he asked.

Napatango ako kahit hindi niya kita, “Yes. You can go now since you’re busy. Ingat kayo. Say hi to Tita and Tito on behalf of me. Sa Kuya mo rin,” I said dismissing him and his call.

“Ingat!” bati niya at pinatay na ang tawag.

Lumingon ako kay Clarkson. Hindi na ako umupo ulit dahil nakatayo na rin naman siya sa gilid ko. I forgot about him a bit because of Luxen’s call. Why do I have so much men in my shoulders?

His face and eyes are expressionless. I remember him not being this tall but now, he’s almost towering over me.

“Boyfriend mo?” tanong ni Clarkson, tinutukoy ang tawag na sinagot ko.

Iling lang ang isinagot ko. As much as I want don’t want interaction with him, I don’t want another issue about Luxen and I. I had enough.

“Manliligaw?” usisa pa niya.

He’s nosy. He does not need to know those things but I still shook my head answering a no. Alam kong kumalpas na sa itsura ko ang kaunting iritasyon.

“May number ka niya. Sabi mo dati bawal,” usisa niya pa.

Bawal pa rin naman. Itinakas ko lang si Luxen dahil siya ang nag-iisang itinuturing kong bestfriend.

Ibang usapan kung hihingin na naman ni Clarkson ang number ko. Paniguradong hindi lang iritasyon ang aangat sa akin pati na rin ang kamay ko. I can remember how I slapped him back then. Gusto kong maawa, pero gusto ko na rin siyang patigilin agad.

“Ano mo iyon?” he asked.

Naitagilid ko ng kaunti ang ulo ko. Ano naman kung kaano-ano ko si Luxen?

“Bestfriend ko,” maikli kong sagot.

Kumunot ng bahagya ang makapal niyang kilay. He opened his mouth and a small voice came out, “Talaga?” mahina niyang usal.

“A man and a woman can be friends without the romantic feelings,” I informed him.

I have dealt with men so much that they don’t affect me anymore. I can stand by myself but it’s okay to have Luxen and the boys around, too. Hindi na ako nagkaroon ng mga baabeng kaibigan maliban sa mga babae kong mga pinsan.

Kumurap ako ng isang beses sa kaniya at isang beses ring tumango pangkatapos, dismissing myself from him. Marahan akong naglakad papasok sa bahay nina Everette.

After that, I did not saw him again.

The Moon in her Broken Home (Broken Series #1)Where stories live. Discover now